"tama na"
patuloy ako sa pagiyak dahil sa sobrang takot ko..buti hindi simakit ang dibdib ko ngayon...
humiwalay siya sa pagkayakap at hinawakan ang magkabila kong braso..at dun ko lang na realize...siya si....
Collosus..siya yung sa may gangster..diba? ganun pa din ang ayos niya..pero....pero.paano siya napunta dito?
"okay miss...umuwi ka na dahil delikado dito...okay..mamaya kung mapano ka pa" nakatakip pa rin yung bibig niya kaya medyo kulob yung boses niya...
pinunasan ko ang mga mata ko at tumingala sa kanya..
"sino ka ba talaga?"
" hindi mo na kailangan malalaman ang mahalaga, ligtas ka na dun sa humahabol sayo"
" pero paano kita mapapasalamatan kung hin---"- hindi pa man ako tapos pero pinutol niya na yung sasabhin ko.
" Makita lang kitang ligtas, ayos na ako. "
Napangiti naman ako sa sinabi niya, kahit hindi ko siya kilala...ang gaan ng loob ko sa kanya, parang ang tagal na naming magkakilala.
" aalis na ako ah..pero bago yun tawagan mo na mga kaibigan mo na kasama mo kanina "
Paano niya nalaman yun? Sinusundan niya ba ako?
" hindi kita sinusundan, nagkataon lang na nakita kita kanina"
"huh? "
Nabasa niya nasa isip ko?
" dali na.. tawagan mo na"
Tulad ng sinabi niya tinawagan ko sila, siya naman nandun lang sa may gilid at nakayuko. Okay na din siguro na hindi ko malaman kung sino siya, ang mahalaga niligtas niya ako. Kahit naman malaman ko kung sino siya, hindi ko na rin naman siguro siya makikita ulet.
"magkita daw kami dun sa may KFC...alam mo ba yon? "
Inangat niya na ang ulo niya at tumingin sa akin, mata niya lang ang kilala ko sa kanya. May pagkachinito ang mga mata niya at brownish.
"oo..tara na hatid na kita, medyo malayo yun"
Naglakad na kami papunta sa KFC, hindi ko maiwasang macurious sa kanya.
"tanda mo pa ba nung nagkabanggaan tayo nun? "
"oo..ang clumsy mo nga eh"
OUCH!! (=3=)
"tss...."
Gangster talaga kaya siya dun? Gaano na kaya siya katagal..hmmm..wag ko na ngang tanungin baka hindi naman siya sumagot ng maayos.
" kung itatanong mo kung anong ginagawa ko dun..oo isa akong gangster, matagal na"
O___O
"ahh---ahhh"
Nababasa ba talaga niya nasa utak ko?
" ano ba talaga pangalan mo? "
"collosus.. "
"tsssk.. yung real name"
"diba sabi ko wag mo nang itanong dahil baka huli na rin natin tong pagkikita? "
"okay.. "
Pareho lang pala kami ng iniisip..pero bakit ganito ang nararamdaman ko..parang nalungkot ako na huli na naming pagkikita to..
"ummm..sige malapit na lang naman..dito na lang ako.. "
Ngumiti lang siya pero hindi pa rin siya umaalis..
BINABASA MO ANG
F.R.I.E.N.D.S.H.I.P
Teen FictionI dedicate this to my FRIENDS in Highschool..want youut to share that this is the Happenings I will never forget!! this story is about a circle of friends that will challenge them...tingnan natin kung sino ang tatagal at hanggang saan nila kakayanin...