I put on my earphones and started walking to the terminal. Martes ngayon- panibagong araw para sumilay kay crush.
Sa panahon ngayon tatlong dahilan lang ang nag-eexist kaya pumapasok ang isang estudyante.
Una, para sa baon.
Pangalawa, para matuto- reason 'to ng mga genius.
Last but not the least. Para sumilay- para makita si crush. Sabihing hindi mo gawain yan. Imposible. Kahit 'di mo aminin, ginagawa mo yan.
Huwag kang mag-alala normal ka!
I reached the terminal and quickly passed every students I met. I made my way to the shuttle.
Maliit na lang yung space na natitira, jusko kamusta naman daw yung pwet ko dito? Yung totoo pare-pareho tayo ng binabayad na pamasahe tapos unfair yung space?
Hays. Umagang umaga badtrip pero ayslang. Tanggap kong maliit ako. Siguro perks 'to ng pagiging maliit. Ang pagkakaroon ng maliit na waist.
Umupo na ako. Kahit na labag sa loob ko, late na ako e. Ano pa magagawa ko? Good luck na lang sa'kin. Sana di ako malaglag sa upuan ko.
Tumingin ako sa paligid, more on sa may kaharap ko. Hirap lumingon dude. Baka ma-fall ako. Yung muka ng mga katabi ko 'di ko makita. Ayy! hayaan ko na nga. Di naman ako yayaman 'pag nakita ko sila.
Feeling ko isang oras na ang biyahe when the truth is 10 minutes pa lang ang nakakalipas. Ang sakit sa pwet ah. Promise. When I say promise I mean it.
Sa wakas nakarating na ako sa school. I checked my phone for the time. 7:04. Shit late na ako, tapos third floor pa yun.
Inisip ko na lang na hindi lang ako yung late. Filipino subject ba naman. Kadalasan 15 students lang kami sa klase then yung other 15 sa 2nd subject na pumapasok. Ganun kami kabait.
I took the side stairs para mas mabilis. Takbo na siguro ginawa ko. Medyo bumagal lang ako nung nasa mataas na. Nasense ko na may kasunod ako.
Inaasahan ko na kaklase ko yun kasi third floor din ang punta nya.
Kaya nilingon ko sya. Medyo nagulat ako pero I quickly hide it.
"Uy ikaw pala Nathan." I smiled sweetly at him. Ang gwapo nya pa rin. Namimiss ko na yung boses at yung height nya.
Malandi na kung malandi. Anong magagawa ko? Nabubusog din ang mata ko sa gwapo.
"Hi Kinder." sabi nya habang nakasmile. Omg wag mong ibalik yung kinder-kinder na yan. Jusko nakamove on na ako! Bully.
Naalala ko, late na pala ako. Jusko po. Nalate pa ako lalo dahil sa kalandian ko. Blame my hormones, I guess.
Bigla na lang ako napatakbo para makarating sa class. Wala naman na akong masabi sa hi nya. Baka mablurt out ko pa sakanya kung gaano ko sya namiss.
I heard him chuckled. Siguro nafigure-out nya na late ako. Naranasan nya rin siguro to last year.
Yes. Si Nathan Manalili ay isa sa mga seniors sa school namin. Nakilala ko sya kasi blockmate sya ni Kuya Lee. Ako naman, junior pa lang.
Napaisip tuloy ako bakit nandito sya sa building ng mga juniors. Di ko sinasabing bawal! Pero may sariling building ang seniors.
Ayy mind my own business na nga lang. Pumasok na ako sa room at nakita kong walo pa lang sila.
Tumabi kaagad ako kay Deanne na kasalukuyang nagbabasa. Lagi 'tong present sa Filipino class e. Masyadong masipag.
Tinanggal ko na yung earphones ko at uminom ng tubig. Hinihingal ako.