-CHAPTER TWELVE PT. TWO-

54 2 0
                                    

Luigi's P.O.V.

*kring kring*
Putik! Ang aga pa e. Napatingin ako sa phone ko.

Abree calling...

Si Sabrina tumatawag, problema nito?

Hinintay ko muna makasampung ring bago ko sinagot. Kunwari chicks, sa gwapo kong to tapos easy to get?

"Oh bakit?" tanong ko. Nilaliman ko yung boses ko para isipin nyang kagigising ko lang at totoo namang naistorbo nya ang tulog ko.

"WIGI!" sigaw nya sa kabilang linya. Tinis naman ng boses ng babaeng to palibhasa maliit yung boses. "Are you busy today? Patulong naman me."

Bakit sa'kin nagpapatulong to? Medyo irita pa naman ako sakanya, nakakainis kasi yung mga sinasabi nya. Ang hindi ko talaga makalimutan noong rocket-launching na naging dahilan ng away namin Iryx.

"Wigi remember yung kagroup natin sa Chadwick? props thingy?" tanong nya. Chadwick? Yung section na warfreak.

"Sino dun? At anong meron?" sabi ko habang hinahanda yung rocket namin. Dapat maging swabe lang lipad nito para gwapo.

"You know Haryll? Yung leader nila, I've heard crush nun si Iryx." parang biglang dumiin yung pagkakabomba ko ng pressure dahil sa narinig ko. Advantage din kasi medyo napalayo ang lipad kaso yung Haryll may crush kay Iryx? Hindi ako tanga para maniwala.

"S-sino namang nagsabi?" tae, bakit ako nautal?

"Nikko, one of our groupmates in their section. I think kaibigan din sya ni Haryll. Wait, ilo-launch na our rocket. Be back." sabi nya bago tumakbo sa mga kagrupo nya.

Ano ba namang tsismis yun? idadamay pa si Iryx. Wala ba silang magawa sa buhay? Paano kung totoo? Luigi relax! Patay na patay sayo si Iryx pero tae nawala nga si Nathan may pumalit naman.

Papaniwalain ko na lang yung sarili ko na hindi yun totoo. Hindi talaga yun totoo. Nakakainis naman si Sabrina.

Dahil sa kakaisip ko ng kung anu-ano tungkol sa Haryll na tukmol na yun, hindi ko napansin na sumabit yung rocket nila Sabrina. Nakitulong ako sa pagbato at hindi ko rin namalayan na sa inis ko napalakas na ang pagbato. Worst, nasigawan ko pa si Iryx.

Taeng Haryll yan bakit nakigulo pa sa buhay ko.

Yun ang dahilan kaya medyo iwas ako kay Sabrina, baka kung ano nanaman yung sabihin tapos maging dahilan pa ng away namin ni Iryx.

Chineck ko muna kung anong date ngayon, August 15, wala namang important occasion. Wala naman sigurong masama kung tutulungan ko sya. Hindi ko na lang sya kakausapin ng sobra, pwede kaya yun? Kay Sabrina, magpapahard to get ako? Sa ganda nyang yun? Ewan ko sayo Luigi.

"Tungkol saan ba?" sabi ko at tumayo na sa kama.

"Marunong ka naman sa mga parts ng laptop di ba? Ayaw kasi bumukas kaya magpapatulong sana si Mommy."

"Ginawa mo pang dahilan yung Mommy mo. Hindi ako magaling sa ganyan." tinatamad kasi ako, yun lang pala yung ipapatulong bakit di sila humanap ng technician?

"Sige na Wigi, para hindi na kami magbayad sa com-tech." yung kabaitan ko, taken for granted nanaman. Pasalamat si Sabrina, maganda sya kundi bahala sya.

"Sige na, sige na. Hindi naman na ako makakatanggi. Saan ba?"

"Yayy thank you Wigi, gwapo mo talaga. Sa bahay namin, sige bye. See you." putik, sa bahay nila? Ang layo nun.

"Abree sa ba-" hindi na natapos ang sasabihin ko kasi in-end na nya yung call. Wala nang atrasan tsaka nakakahiya dun sa Mommy nya.

To: Iryx Yim
good morning pat! ingat.
6:45 AM
[sent]

Modern EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon