Akala ko magiging maganda yung Friday na 'to, maraming namamatay sa akala. Ang hirap ng buhay kung kasama ko sila.
Papunta na kami sa Pandayan para bumili ng mga gamit. Bakit hindi busy si Luigi ngayon? Bakit hindi na lang sya magdota? Dahil ba nandito rin si Sabrina kaya ayaw nyang umalis. Pag-ibig nga naman.
Kanina, bago pa kami makaalis bumulong sakin si Deanne na "Delikado yan. Beware, masasaktan ka." words of wisdom ni bebe.
Gustuhin ko mang umuwi na at sila na lang ang pabilhin kaso baka kulang yung mabili nila dahil sa kalandian nila. Judgemental na pero yun yung inaasahan kong mangyayari kung sila lang.
Nauuna silang maglakad at ako naman, tinext si River.
To: Ilog
Hoy bakla!!! Sabi sayo yung mabait yung ipakausap mo sakin kanina e. Bakit yung pinakamasungit pa? :((((((
3:17 PM
[sent]
I kept my phone and looked forward. Bago 'to, hindi sila nag-uusap. Biglang sumabay sakin si Sabrina sa paglalakad.
Out of nowhere, bigla syang nagsalita.
"Galit ka ba sakin?" nagulat ako sa sinabi nya and at the same time kinabahan ako. Hindi ko alam kung saan pupunta yung usapan na 'to.
Napatingin ako sa harap, kay Luigi. Medyo malayo sya sa'min. Tumingin ako kay Sabrina at umiling.
"Hindi. Wala naman akong dapat ikagalit sayo." Tumingin sya sa harapan.
"Why are you avoiding me? Is it because of him?" tinuro nya si Luigi. Alam nya kaya? "Huwag kang mag-alala, he's not my type." wow straight forward!
Nabuhayan ako sa sinabi nya pero hindi ko dapat ipahalata. Babae po ako. Pathetic mang pakinggan na kaya magkakaroon ako ng pag-asa kasi tinapon sya ng babaeng gusto nya at parang pinulot ko lang yung basura ni Sabrina, masaya ako.
I tried to act normal pero I can't hide my smile.
"Sabi na nga ba, may something sa inyong dalawa. Kapag magkausap kami, lagi ka nyang nilalait kapag wala ka. Parang ikaw lang yung gustong laiitin. You two are crazy." natawa naman ako sa sinabi nya.
Nasa Pandayan na kami pero patuloy pa rin ang pag-uusap namin ni Sabrina ng mga bagay-bagay. Parang close kami since birth, si Luigi may sariling buhay nauna na sa may loob.
Biglang tumunog yung phone nya, sinagot nya ito kaagad. "Hello Mame. . . sa may Pandayan po why?. . . may project kasi kaming gagawin. . . where po?. . . okay po, sige. I'm coming na po." inend na nya yung call.
Tumingin sya sakin. "Iryx, sorry kailangan ko nang umalis. Hinihintay kasi ako nila Mommy." omaygadh no, don't leave me with that guy named Luigi.
Pero parang voluntary-ng tumango yung ulo ko. At nakita ko na lang syang paalis na.
Pumunta na ako kung nasa'n si Luigi. "Umalis na si Sabrina, okay lang kung aalis ka na rin." sabi ko habang kumukuha ng cartolina.
"Bakit daw?" nakatingin sya sakin.
Ayoko syang tignan. "Tawag ng Mommy nya." simple kong sabi.
"Ah ganun ba." 'di ko alam kung may lungkot sa boses nya pero parang wala. Huwag nang umasa, kaya ka nasasaktan e.
"Ikaw ba? Hindi ka pa uuwi? Okay lang naman." hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Kinuha ko na lahat ng kailangan para makauwi na kaming pareho.
"Ayoko pa. Samahan kita. Bakit mo ba ako pinapaalis?" sabi nya.
Napadaan kami sa Stuff toy section. "Iba yung nagtatanong sa nagpapaalis. Baki-- ay ang cute may Super Mario. Ang cute ni Luigi." Si Luigi yung kaibigan ni Super Mario okay? Napatingin naman sya sa stuff toy na hawak ko.
