REVISED DIN. SORRY NA.
--
Paano ko ba sisimulan ang araw ko? Jusko bakit kasi napasok ako sa buhay na ganito. Ang hirap pala mag-isip kung anong gagawin para matuwa sya sa special day nyo. Ika-six months na kasi to simula nang umain sya. Oha.
Ano na bang gagawin ko, kinakabahan ako na baka hindi sya matuwa pero hindi naman yun ang mahalaga di ba? Kahit ano naman sigurong ibigay ko matutuwa sya. Anong magagawa ko mahalaga sakin yung tao.
Fr: Potatoge♥
good morning pat! ingat.
6:45 AMKanina ko pa inuulit ulit yung text na yan, kasi naman hindi nya ata alam na special day namin ngayon. Hindi naman ako galit na hindi nya alam kasi eto pa lang yung unang beses na babatiin ko sya kasi noong mga nakaraang buwan, paaimple ko lang syang binibigyan ng regalo. Sasabihin ko na nacute-an lang ako dun kaya ko binili, hindi na sya magtatanong.
Gusto ko nga rin syang i-surprise kasi syempre naka-kalahating taon na kami. Pabebe di ba?
Hindi ko alam kung anong schedule ni Luigi ngayon. Ayoko rin namang magtanong, nakakahiya kaya. Tingin ko aalis din sya, hindi naman gigising yan ng ganyang kaaga kung hindi.
Nag-vibrate yung phone ko, nagtext ulit si Luigi.
Fr: Potatoge♥
tulog ka pa rn? gising na aba!
7:38 AMAy jusko kung alam mo lang Luigi, mas maaga pa ata akong nagising kaysa sa manok kahit wala namang pasok. Tuyo na nga rin yung buhok ko, nahugasan ko na rin yung plato at nakabihis na rin ako ng pang-alis.
Kailangan kong umalis ng 8:00. May meeting kasi yung Math Club, naging Secretary kasi ako. Badtrip nga e, si Haryll yung President. Porket gwapo iboboto? Nginitian lang at kinawayan. Hustisya naman! Sana pageant na lang sinalihan. Hindi nila alam, salungat ng mukha nun yung ugali nya. Bahala sila.
To: Potatoge♥
Problem mo ba? Aga aga kagulo.
7:50 AM
[sent]Lumabas na ako ng bahay, maglalakad lang ako papunta sa plaza baka magreklamo yung ibang officers lalong lalo na yung President kung late ako.
Fr: Potatoge♥
wla. sungit!!! meron ka b?
7:51 AMSa lahat ng itatanong isa yan sa pinaka-awkward. Hindi ko na muna sya nireplyan, mahirap mag-type, naglalakad ako hello? Balak kong makipagkita na lang mamayang lunch time, mukha na ba akong tanga? Hindi pa di ba?
Fr: Mcdokenzie
OFFICERS, tapat po tayo ng CPM. Oks?
07:55 AMActually, si Haryll at si Ivan lang ang nakausap ko na ng personal dun sa mga officers though yung iba pamilyar pero hindi ko pa sila nakakausap.
Kahapon nakita ko si Mr. President, friends na sa lahat. Bakit ganun? Sa iba ang bait nya pero sa'kin ang sungit sungit? Hindi ko naman inaano. Malas ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya, napakamalas.
Nakarating na ako sa CPM. Itetext ko muna si Luigi.
To: Potatoge♥
Pat kita tayo mamayang lunch time. May sasabihin ako.
8:02 AM
[sent]Nakita kong nandun na yung Muse. Take note: naka-short shorts sya, witwiw. Maputi naman sya, maputi at makinis. Ang nakakainis ay bakit hindi nalang si Deanne yung naging muse, ganda kaya nun tapos OA san ka pa?
Lumapit ako sa kanya, "Hi, Iryx nga pala." sabi ko sa kanya ng makalapit ako. Lord sana po hindi suplada.
"Allyson, Ally na lang para mas maikli." sabi nya saka ngumiti. Mukha naman syang mabait. Syempre bago-bago pa ako sa kanila kaya kailangan kong makisocialize.