Nang mapansin kong malayo na kami sa kanya, nagsalita na ako. "Mcdo, thank you talaga."
Oo, all of it was an act. Buti na nga lang at nandyan si Haryll, yung pinsan nya rin kasi nanguha ng UPCAT kaya kung nagtataka kayo kung bakit magkasama kami. Wala e, bestfriends na kami ngayon. Though maraming nagsasabi na may something sa amin, hinayaan ko na lang. Sa amin na lang yun. Sayang yung friendship namin kung magkakaroon pa ng labels.
Alam ni Haryll lahat ng nangyari samin ni Luigi kaya yun ang naging dahilan para maging close kami. Alam kong wala na akong gusto kay Luigi, sadyang ayoko lang syang makita. Nakakasira ng araw, pasalamat nga ako at nakapagtest pa ako ng maayos.
"Okay. Halata naman na iniiwasan mo sya." sabi nya. Noong naging close kami, akala ko mawawala yung kasungitan nya pero hindi. Nagsusungit sya pag naiirita sya sakin which is oras oras.
"Okay lang sayo kasi nakampante na yang braso mo sa balikat ko?" sabi ko habang tumatawa.
Bigla nyang inalis yung braso nya, "Huwag ka ngang feeler, nangawit lang yung braso ko kaya naghanap ng papatungan." palusot pa e.
"Sabi mo e." huminto ako saglit at kinuha yung payong ko. "Hindi mo ba pupuntahan si Darren?" tanong ko. Si Darren yung pinsan nya.
"Umuwi na." maikling sabi nya. Hindi ko alam kung kailan yung mahaba nyang sinabi. Siguro kapag nang-iinis sya, dun humahaba.
Binuksan ko na yung payong ko, hindi naman sya sumilong. Kung gusyo nyang sumilong, sya ang maghawak ng payong. Sa tangkad nyang yun at sa liit kong ito, tingin nyo sinong lugi? Shit bakit katunog ng pangalan nya? Erase na.
Patago akong napangiti, ibig sabihin kasama ko syang uuwi. "Eh? Paano ka uuwi? Teka nagugutom na ako." sabi ko. Gusto kong isagot nya na 'Kasama ka.' kaso syempre si Mckenzie Haryll Mendes yan kaya imposible pero malay mo naman, pakiligin ako kahit minsan.
"Malamang sasakay. Edi kumain ka, bobo mo talaga." masungit na sabi nya. Pambasag moment, bwisit.
"Okay." binilisan ko ang lakad ko papunta sa isang convenient store. Naramdaman kong may umakbay sakin kaya napatingin ako sa kanya.
"Sa susunod nga, huwag kang aalis ng wala ako. Malay mo kung may mangidnap sayo dito." sabi nya. Sinabi nya yun? Kinikilig ba ako? "Huwag kang kiligin. Ang alam kasi ng Mama mo, ako ang kasama mo. Kaya kung mamamatay ka, ako ang suspect. Isip ka nga minsan." dagdag nya.
"Natatakot ka lang na baka nandyan si Luigi sa tabi-tabi, palusot pa." bulong ko.
Pero actually, nalungkot ako sa sinabi nya, tama naman kasi. Kinuha na nya yung payong sakin. Nakaakbay pa rin sya kaya pinilit kong alisin yun pero ayaw. Tumingin ako sakanya at pinandilatan nya lang ako. Kailangan kong umisip ng paraan para makaalis dito. Alam ko na! Kinagat ko ng madiin yung braso nya.
"F*ck, ang sakit." pagkaalis nya ng braso nya bigla akong tumakbo. Tinignan ko sya at nagbabalak ata syang gumanti. Wala yang maiiisip.
"Buti nga sayo." dumiretso na ako sa lakad at iniwan sya.
"Sige, umalis ka nang sirain ko yung payong mo." sigaw nya. Shit! Hindi pwedeng masira yun, mahalaga yun e.
"Aba!" pagmamaktol ko. "Huwag na huwag mong gagawan ng masama si Witty kundi ako ang gagawa ng masama sayo!" sabi ko at lumakad pabalik sa kanya.
Bigay kasi nila Athena yung payong na yun noong birthday ko kaya mahalaga sakin yun. Yung Witty, pangalan nya. Kunwari tao sya kaya pag kinumusta mo, 'Hello Witty, how are you?'
"Babalik ka rin pala e." hindi ko sya pinansin at inagaw ko na yung payong.
"Hindi ikaw pinunta ko, yung payong ko talaga!"