-CHAPTER THIRTEEN-

83 2 0
                                        

"Wooo!! Nandito na tayo. Nice to see you again Enchanted Kingdom!" sabi ni Deanne, take note with hand gestures pa. Ang OA talaga nito kahit kailan.

Fieldtrip namin ngayon at ito ang last stop, EK. Kaya medyo mahaba-haba yung time namin dito. Yehey, time to unwind.

Sa labas pa lang tanaw na namin ang malalaking extreme rides, exciting beybe.

Kasama ko ngayon sila Deanne at Rose though galing si Rose sa ibang bus kasi nga HUMSS yung pinasukan nya kaya nagpasya kami na magkita-kita na lang mismo dito sa loob ng EK. Sayang nga lang, wala si Athena kaso syempre alam naman naming busy sa pag-aaral yung tao.

"Sayang wala si Athena the great." malungkot na sabi ni Rose.

"Oo nga, nakakamiss pala yung seryoso nyang pananaw sa buhay." sabi ko at nag-pekeng iyak kaya nagtakip si Rose ng tenga nya, naiirita kasi sya sa maingay.

"Ano ba kayo, happy na sya sa Ateneo. Kahit na hindi nya alam ang jokes, masaya yun ngayon." sabi ni Deanne tsaka tumayo sa harap namin. "Cheer-up-na-friends-it's-Field-trip-Day" dagdag nya pa kaya natawa kami.

"Mukha kang payaso dyan. Tara na nga, baka isipin nila takas mental si Anne." sabi ni Rose kaya lalo jll kaming natawa.

"Bakit, hindi pa ba?" sabi ko.

"Nyenye. Nakakatawa kayo." sarcastic na sabi ni Deanne.

Inuna naming puntahan ay Flying Fiesta. Pumila kami at pinanood ang mga unang batch. Bigla akong natakot at kinabahan, paano kung biglang matanggal yung turnilyo nun? Edi sira na yung pangarap ko.

Huwag nyo sanang isipin na yung pangarap ko ay yung turnilyong nakakabit dun. Ang point ko is mamatay ako kapag natanggal yun kaya masisira yung pangarap ko. Natanga rin kasi ako sa una kong sinabi e. Hindi sa wala akong tiwala sa EK pero hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari.

"Si Iryx namumutla na, tawagin si Super Luigi!" sabi ni Rose.

"Don't say bad words naman friend. Nandito tayo para magsaya hindi magmura."

"Luigi, Luigi, Luigi, Luigi, Luigi!" sabay pa nilang sinabi yung pangalan na yun. Nakakainis naman e, alam naman nila yung nangyari.

Isang linggo na ang nakalipas simula noong nag-away kami, hindi ko pa rin sya kinakausap. Patuloy ang pag-sorry nya pero syempre ako, nagpapahard-to-get kunwari para namab maramdaman kong seryoso talaga yung sorry nya. Grabe kaya yun, pamilya at mga kaibigan ko nga hindi ako sinasabihan na makitid ang utak tapos sya ang lakas ng loob nya. Nagalit nga rin sila Kuya e, sabi ko hayaan na lang. Tatlong araw ko ring iniyakan yung nangyaring yun, ang sakit kaya. Mas malala pa dun sa sinabi nya nung rocket launching. Tagos sa puso kumbaga.

Ang alam ko sumama rin sya dito sa Fieldtrip. Paano ko nalaman? Syempre sources. Balak ko nga makipagkita sakanya dito sa EK tapos makikipagbati na ako, ayoko na kasi ng ganito. Balak ko ring ibigay yung regalo ko na hindi ko naabot noong nakaraan. Sa sobrang galit ko, nakalimutan ko yung tungkol dun.

"Hoy tara na! Iniisip mo nanaman si Luigi, hindi ka naman iniisip nun." sabi ni Rose. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Hindi naman ganun si Luigi e, ang alam ko hindi sya ganun.

Pumwesto na kami, medyo unahan ang nangyari kaya nalayo ako sa kanila. Nakakainis naman.

Inayos ko na yung seatbelt ko. "Lord, marami pa po akong pangarap, maging ligtas po sana ang ride na ito." bulong ko.

Nagsimula na ang pag-ikot. Hindi naman pala sya nakakahilo dahil kapag ikaw na ang nakasakay, mafifeel mo na parang ang bagal. Akala ko lang nakakatakot kasi kapag tinignan mula sa ibaba, mabilis which is illusion lang. Hindi naman talaga mabilis.

Modern EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon