-CHAPTER NINE-

90 4 0
                                    

Dahil nabasa ng ulan yung damit ko nagpalit ako ng t-shirt, konti lang naman pagkakabasa ng palda ko buti na lang kasi nandun yung mp3 ni Luigi.

Paglabas ko ng CR nakita ko si Luigi na parang may hinahanap. Nilagpasan ko sya at pumasok na sa room.

Pag-upo ko, nasa harapan ko na pala sya. Kinalabit nya ako kaya tumingin naman ako sa kanya.

"Hm?" bigla kong naalala yung mp3. Kinuha ko yun sa bulsa ko at binigay sa kanya.

"Ha? Bakit mo binabalik? Tsaka bakit ka nagpaulan kanina? Ha?" umiling lang ako at dumukdok. Pero hindi sya tumigil, pinaalis pa si Daniel na katabi ko. "Daniel, pa-excuse nga muna. Kakausapin ko lang." nadinig kong sabi ni Luigi.

Napabangon ako at tumingin kay Daniel, pinandilatan ko sya para tumanggi na sya namang nyang ginawa. Nakita kong binulungan ni Ivan si Daniel kaya sumunod na ito. Lintik naman oh.

"Pre okay na, iwan mo na kami." sabi ni Luigi kay Ivan. Jusko! Huwag nyo akong iwan dito sa lalaking 'to.

Naramdaman kong kinalabit nya ako. "Iryx, may ginawa ba ako? Galit ka ba sa'kin?" umiling lang ako. "Hindi? E ba't ayaw mo 'kong kausapin?"

Biglang dumating yung teacher namin para sa next subject. Whoo! Saved by the bell.

Pumunta na sya sa upuan nya dahil masungit yung teacher namin ngayon, si Mrs. Vorgie. Buti nalang, buti nalang.

Nakita ko na iniwan nya yung mp3 sa desk ko, hinayaan ko na lang. Tumingin na lang ako sa labas at tumulala. Sumakit bigla yung ulo ko. Sakit na nga ng puso ko pati ba naman yung ulo ko?

"Ms. Yim!" ang sakit. Nakakainis bakit kasi ang ganda ni Sabrina, masyadong mahal ng bayan.

Natigil ako sa pag-iisip ako ng maramdaman kong kinalabit ako ng katabi ko. Napatingin ako sa paligid, nagulat ako nang makita kong lahat sila nakatingin sa'kin.

"Ms. Yim! Please stand-up." tumingin ako kay Mrs. Vorgie, matangkad sya pero may malaking balakang, kitang-kita sa bilog nyang mata na galit sya. Jusko kulang nalang umunat na pati yung kulot nyang buhok, lagot na. "You're not paying attention to my class."

Tumayo ako, muntikan na nga akong tumumba pero hindi ko na lang pinahalata. "Sorry Ma'am, masama po kasi pakiramdam ko."

Ramdam kong nakatingin sakin si Luigi, kasalanan nya 'to e. No, hindi nya pala kasalanan. Ako ang may kasalanan, hindi naman kami para magalit ako. Walang kami.

"Okay papalagpasin ko 'yun pero hindi ba sinabi ko sa inyo na bawal ang gadgets sa klase ko? Hindi mo ba naintindihan ang sabi ko noon? Ano ka SSZ?" nakaturo sya sa lamesa ko. Lintik na! Yung mp3 ni Luigi.

Yumuko ako at hindi na sumagot. Binigyan nya ako ng detention slip. Maaga sana akong makakauwi mamaya kung hindi ito nangyari. Ang malas naman ng araw ko, siguro kinakarma ako sa pag-busted kay Nathan.

Natapos na ang klase, lumapit ulit si Luigi. "Sorry." tumango lang ako bilang sagot.

Nilapit nya yung kamay nya sa noo ko, bigla kong naalala yung sigaw nya sakin.

Palibhasa kasi tapos na at mataas ang grade ng rocket nyo kaya wala kang pakialam sa rocket ng iba!

Hindi naman kasi 'yun yung point ko e.

Sinagi ko yung kamay nya na ikinagulat nya. Bigla na lang tumulo yung luha ko, agad ko namang tinakpan yung mukha ko ng panyo para hindi nya mapansin.

"May lagnat ka. Tara dalhin kita sa Infirmary, ako na lang yung pupunta sa Detention Room mamaya." lalo akong naiiyak, double personality din ata 'to.

Modern EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon