-CHAPTER SIX-

72 7 3
                                        

Natapos na namin ang props, exhibit na lang ang kulang. Sa March pa kasi yung Foundation Day. Natuwa naman si Mcdo- I mean Haryll dun sa nagawa naming props, masungit pa rin sya take note. Hindi ko talaga mahanap yung sinasabi ni River na friendly Haryll.

Hindi pa tapos ang mga project dahil nagbigay ulit si Sir ng panibagong ipapasa. Water-Pressure Powered Rocket lang naman po. Okay lang naman sakin dahil nabalik ako sa original kong kagrupo, sina Athena, Rose at Deanne yung kasama ko. Yey!

Pagkatapos nung nangyari last last Friday, parang iwas na sakin si Luigi. Ewan ko dun, gulo ng utak. Napadalas na rin ang sabay naming pag-uwi at pagpasok ni Nathan. Wala namang masama, ibang tao lang yung nagbibigay malisya.

At ngayong araw, Araw ng mga Puso, ang daming landian sa paligid. At ang bago, hindi kasama sina Sabrina at Luigi sa naglalandian. Bihira ko na lang silang makitang maglapit, baka LQ.

Weird lang na tuwang tuwa yung karamihan sa Valentine's Day pero parang wala namang bago. Palibhasa kasi sa bahay puno ng pagmamahal araw-araw. Bibigyan ko lang sila Mama at Kuya ng cake para naman masabi nilang love ko sila. Haha.

Simple lang din naman bigay ko kila bebes. Isang pirasong chocolate at card lang, ganun ko sila kamahal.

Isa pang nakakagulat na binati ako ni Haryll kanina ng Happy Valentine's. Sige, kunwari friendly na sya. Pero hindi pa rin e. Forget him na.

"Uy thank you ah. I love you too." sabi ni Deanne nang tumabi sya sakin.

"Arikiti. You're always welcome bebe. Sa'n tayo mamaya?"

Umiwas sya ng tingin sa akin. Problema nito? "Sorry. 'D-di ako pwede mamaya. Family Date."

"Ganun? Sila Athena at Rose ba?" Akala ko, may date sila ni Carlos. Nabalitaan ko kasing kaninang umaga, binigyan sya ni Carlos ng flowers. Iritang-irita naman sya, if I know kinikilig lang 'yun.

"A-hh, sila? Busy, b-busy rin sila." nalungkot naman ako sa sinabi niya. Kami lang ni Deanne yung nasa room ngayon kaya mas lalo kong dama yung lungkot, busy din ata yung iba. "S-sandali, may kukunin lang ako sa labas." tumango na lang ako, nakakatampo sila.

Nang makaalis si Deanne, dumukdok na ako. Gusto ko nang umuwi. Bakit ba kasi busy mga kaklase ko?

Boring. Nakakaleche.

Nadinig ko na may tumugtog ng gitara, pampa-good mood kasi yung favorite kong kanta yung tugtog. Napangiti ako pero nang magsimula na yung kanta, isang familiar na boses ang narinig ko.

Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yo?
Magmula nang makita ka'y naaakit ako.

Tumingin ako sakanya, medyo nagulat ako kasi ang daming tao sa paligid.

Simple lang naman ang pinapangarap ko, ang pangarap ko...

Balloons. Guitar. Friends. And Him, na kumakanta. Bakit? Tumingin ako sa likod ko, baka si Sabrina yung kinakantahan nya. Pero paglingon ko ulit sa harap, isa si Sabrina sa may hawak ng banner saying: 'LuiRyx'

Simple lang ang pangarap ko,
mahalin ng katulad mo.
Sana ay mapansin mo...

Palapit sya ng palapit. Di ko alam ang gagawin ko. Nakakatense. Para akong naiiyak sa nangyayari. Paki kurot naman pisngi ko.

Dahil, simple lang ang pangarap ko, maging ikaw at ako.
Ang tanging ligaya ko...

Nasa harap ko na si Luigi. Totoo ba lahat ng 'to? Walang halong biro?

Patuloy pa rin ang tugtog ng gitara and then he whispered. "Simpleng tulad mo. Kristal Iryx Yim, gusto kita." then he gave me the Luigi stuff toy na nakita namin sa Pandayan.

Modern EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon