Jusko pagod na akong mag-practice ng sayaw. Waltz pa nga! Buti nalang naisipan ng leader namin na magbreak muna. Umupo ako sa may gilid habang umiinom ng tubig.
Naalala ko nung Grade 7 palang kami meron ding Dance Festival, Cariñosa yung natapat sa year namin. Unahan pa nun sa partner dahil 12 lang ang lalaki at 18 naman ang babae sa section namin. Handa naman akong magbibihis-lalaki at pumartner sa kapwa babae, kaysa naman walang grade diba?
Pero ang Cariñosa ang isa sa pinakamemorable na pangyayari sa junior high school ko. Dito kasi nagsimula yung munting paghanga na nauwi sa nganga.
"May partner ka na?" tanong nya sakin, napatingin ako sa katabi ko kung ako ba talaga yung kausap ng lalaking nasa harap ko. "Huy!" kalabit nya sakin.
"Ay ako ba? Wala pa akong partner, baka nga magbihis-lalaki nalang ako." ngumiti sya, ang cute shet.
Actually isa si Luigi na masasabing gwapo sa klase, okay aaminin ko na. Crush ko sya. First year palang naman to, sigurado akong mawawala rin 'to pagdating ng second year.
"Ikaw nalang partner ko ah." sabi nya. Is it real? Ako? Partner nya? Tumingin lang ako sa kanya. "Sige na." ang swerte ko naman pala, ako pa yung tinanong para maging partner nya. Achievement.
Ngumiti ako sakanya. "Oo na. Mag-iinarte pa sana ako e."
Simula nung Cariñosa, isa kami sa naging tuksuhan ng room. Naging close kami after ng sayaw pero ang hindi lang maganda ay nung nalaman nyang crush ko sya. Umiwas kasi sya sakin. Umisip ako ng pwedeng paraan para maging okay ulit yung status namin. Naghanap ako ng ibang pwedeng maging crush bukod sa kanya at dun ko nakilala si Nathan, kaklase sya ni Kuya Lee. Minsan na syang napunta sa bahay dahil sa group project at yun din ang naging dahilan para maging close kami, yung tipong parang kami yung magkaklase.
Successful ang plano ko na maging magkaibigan kami ni Luigi dahil may nagkalat na may ka-MU daw ako, si Nathan yung tinutukoy nila. Wala naman akong paki dun dahil hindi naman yun totoo. Naging magkaibigan ulit kami ni Luigi pero parang lalo ko syang nagustuhan nung magkausap ulit kami. Minsan kong nasabi kay Rose na parang bumabalik yung feelings ko para kay Luigi at ang hindi ko alam, may nakikinig pala sa usapan namin, si Jake.
Si Jake ang isa sa pinakamaingay at madaldal sa room kaya kinalat nya sa buong klase na crush ko ulit si Luigi. Umiyak ako ng umiyak ng sabihin nya yun sa klase, natatakot kasi ako na iwasan ulit ako ni Luigi, good thing dahil hindi nya ako iniwasan.
Umabot ng apat na taon as of now yung pagkagusto sa kanya pero on-off yun. Minsan kasi dumadating ako sa puntong gusto ko nalang kalimutan sya at humanap na ng iba, kaya nung Grade 9 naging totoo yung tsismis na M.U kami ni Nathan. Hindi happy ending ang nangyari samin ni Nathan kasi studies ang priority niya. Hindi ko sigurado kung alam ni Luigi yung tungkol sa past namin ni Nathan dahil patago lang yung amin, kahit sila Athena hindi alam, pero sana hindi.
Sa loob din ng apat na taon, nakita ko lahat ng mga babae sa buhay nya, maraming nagkakagusto sa kanya. May appeal kasi sya, pa-fall pa kaya lahat ng nagugustuhan nya nagkakagusto rin sakanya. Maliban na lang kay Sabrina, ang alam ko simula pa noong Grade 7 yung paghanga nya kay Sabrina kaso ayaw nito sa kanya kaya hanggang lampungan lang sila. Siyempre ako laging tagong nasasaktan, wala naman syang paki dun.
Pero tuwing nagkakaroon ng sayaw na kailangan ng partner, sya na kaagad yung partner ko. Kaso ngayong year hindi kami ang magkapartner dahil bunutan ang nangyari. Naging kapartner ko si Kelvin sa waltz at kay Luigi naman si Angela. Tinanong pa ako ni Kelvin kung gusto kong makipag-swap kila Luigi at Angela.
Ang sabi ko, "Okay lang sakin." pero sa loob-loob ko gusto ko nang umu-oo ng todo. Tinanong ni Kelvin si Luigi pero ayaw daw ni Angela. Badtrip diba?