After ng momentum namin ni Deanne sa may labas, pumasok na kami ng room. Napansin naman nila Athena at Rose- buong klase na namumugto yung mata ko kaya lumapit sila sakin.
"Kinagat ka ng ipis?" pabirong sabi ni Rose. I tried to smile.
"Oo e. Napakalaking ipis, sakit nga e."
"Dapat kinagat mo rin..." biglang humina yung boses nya. "... ano bang nangyari?"
Ngumiti lang ako at umiling. "Wala 'to. Sakit kasi ng ulo ko, napuyat kagabi."
"Pinuyat ng Kapre nyang manliligaw." bulong ni Deanne.
"Sinong nagpuyat sayo kagabi? Kapre? Manliligaw?" napalakas yung tanong ni Athena kaya lahat ng nakarinig napatingin samin, especially si Luigi.
Nagtawanan kaming apat sa sinabi nya. "Uy, maka-kapre ka naman plus hindi ko sya manliligaw. Wag natin pag-usapan yun, baka mabulunan. Sana." sabi ko sa kanila.
"Sus. Balita kasi namin, sabay kayong pumasok kaninang umaga. Ehem, muling ibalik na ba? Ehem." sana lahat ng nakarinig ng sinabi ni Rose, mabingi.
"Mga tsismosa! Bakit? May nakaraan bang maibabalik?" sabi ko.
"HUGOT!" sabay-sabay nilang sabi pero umupo na rin sila kasi dumating na yung next teacher.
"Okay. Goldstein, dahil nalalapit na ang Foundation Day ng school magkakaroon tayo ng exhibit about 8 booths. Every group consists of 3 to 4 members and I'll group you randomly. Game na? 29 kayo diba?" sabi ni Sir Torres.
Grabe. Pagkatapos ng Christmas vacation, madaming activities naman. Wow!
Nanghingi na si Sir ng attendance sheet para sa names and he picked our names randomly.
"Jimenez Athena, Quintana Deanne,Soyangco Rose. Group 3." Ay ang galing, naiwan ako. Badtrip naman oh.
Ang tagal sabihin ng pangalan ko. Nanay ko po, saan na mapupunta ang kinabukasan ko?
"Austria Daniel, Reyes Louis Gabriel, Tria Sabrina. Ano... group 7 kayo." bakit parang lalo akong nabadtrip?
Hanggang nagkaroon na ng 8 groups consists of three, 'di pa rin ako natawag. Inexplain ni Sir na bubunot sya ng group number at dun nya ilalagay ang natitira pang hindi pa natatawag.
Sana mapunta ako kila Deanne. Please Lord.
"Alonzo Iya. ." bumunot na si Sir ng number. Please Lord! Kahit ngayon lang. Ayan na, sana hindi sa ". . Group 3."
Gusto ko nang magwala! Leche.
"Yim Kristal Iryx. ." Lord eto nalang, please dalhin nyo po ako sa matinong group. Yung hindi tamad please lang. ". . Group 1."
Yes. Yes. Omg. Kasama ko yung pinakamagaling sa arts. Thank you Lord.
"Ay teka-teka, mali pala. Group 7 pala. Mali ako ng kita." group 7 sino? Ako? Ha? Ano daw?
I raised my hand and he looked at me, asking why. "S-sir, sino pong group 7?" tanong ko.
"Ikaw po Miss Yim." sagot ni Sir.
Wahhhhat? Bakit? This is not good. Really, really not good.
"So lahat may grupo na. Props at backdrop lang naman ang kailangan nyong gawin dahil ang mismong performance ay gagawin ng ibang section. Any question or violent reaction?"
Agad akong nagtaas ng kamay. "Uhh Sir, pwede po bang palit kami ni Iya?"
He raised his eyebrows at me. "Valid reason."
Jusko, nakakatae naman oh. "Magkaaway po kasi kami ni Daniel. O-po baka wala kaming matapos, s-sayang naman po 'di ba?" tumingin ako kay Daniel at pinandilatan sya, nagets naman nya.