-CHAPTER TWELVE PT. THREE-

62 2 0
                                    

Tapos na namin yung ididikit sa bulletin board ng Math Department. Medyo mabilis yung gawa namin kasi excited din yung mga tao kumain, yan ang kapangyarihan ng pagkain. Kaya eto kami ngayon tambay lang, wala nang magawa e.

"Hoy! Papicture daw tayo. Kainis naman si Mama." kinunutan ko sya ng noo, ako ba kausap nya? "Noob bingi ka ba?" leche tong lalaking to ah.

"Aba ikaw na lang nanghihingi ng favor, ikaw pa demanding. Leche ka ah." pasalamat sya at birthday nya ngayon kundi kanina pa sya pinaglalamayan.

Sumama ako sa kanya, ako na lang daw kasi ang bisita na hindi pa napipicturan kasama ng birthday boy. Nandito pa kasi kami sa bahay nila. Ano bang pauso ng nanay nito at kailangan bawat bisita may photo kasama yung anak nya? Jusko ang haggard po ng mukha ko.

"Ryll anak, akbayan mo naman. Gandang dalaga nyan e." sabi ng Mama ni Haryll. Putragis, ang hirap peke-in yung ngiti ah.

Matapos ang tatlong kuha, group photo naman. Buti nga kasi dito, hindi na peke yung ngiti ko. Kasama namin yung ibang officers, medyo close ko na nga sila e. Ganun talaga 'pag maganda, ka-close agad lahat. Hah! Siguro ang hindi ko talaga makakasundo ay yung lecheng Mcdo na to, bwisit talaga sya sa buhay. Kala mo kung sino, sapakin ko sya e.

"Iryx uuwi ka na?" tanong ni Allyson, mabait naman pala talaga tong babaeng to, maarte at mayabang nga lang.

"Di ko alam, wala naman akong pupuntahan. Ikaw ba?" tanong ko sakanya.

Totoo namang wala na akong pupuntahan kasi wala na akong balak makipagkita kay Luigi, badtrip pa rin ako sa kanya. Kaya pala hindi na nagreply kasi kasama nya yung prinsesa nya. Ha-ha-ha.

"Akala ko magkikita kayo ni Luigi." sabat ni Ivan na katabi lang namin.

"Busy daw, maraming ginagawa, hayaan mo na." ngumiti na lang ako, hindi ako dapat magmukmok ng dahil lang sa pinagmumukha akong tanga. Putragis na 'yan.

"Sige maya-maya na ako uuwi, sabay tayo ah." sabi ni Allyson.

"No prob."

Nagkwentuhan na lang kami ng kung anu-ano, pinilit ko ang sarili ko na tumawa sa lahat ng jokes pero parang mas gusto ko na lang titigan yung phone ko. Bakit ba hinihintay ko pa syang magreply? Magrereply ba yun, pathetic mo naman Iryx! Pero malay mo naman di ba? Hindi naman maling umasa. Hindi mali pero masakit.

"Huy Iryx!" napatingin ako kay Ivan na biglang nangalabit. "May problema ka ba?" tanong nya sakin.

Ngumiti ako, "nakasulat ba sa noo ko?" biro kong tanong sakanya. "Wala naman akong problema, bakit?"

"Kanina ka pa kasi tahimik, nakakapanibago," sabi nya, "ang daldal mo kaya."

"Sakit kasi ng tiyan ko. Nilason ata ako ng magaling nyong President." tumingin ako kay Haryll nang sabihin nya yun pero inirapan nya lang ako. Arte.

"Kung balak kitang patayin, matagal ko nang ginawa!" sabi nya. Hala galit na ata. Pikon to, sigurado.

"Wow, the feeling is mutual," bulong ko, "pikon ka lang e." dagdag ko.

"Atleast hindi bobo, tulad mo." yabang talaga nito.

Umalis na ang ibang bisita kasama na rin ang ibang officers pero kami ni Allyson, wala pang balak umuwi. Nakikipaglandian, I mean nakikipagkuwentuhan, pa kay Mcdo. Wala tuloy akong kausap.

Nanood na lang ako ng video sa phone ko, yung mga dance versions ng APink. Itong grupo ng KPop lang naman na to yung keri ng powers kong gayahin, buti na lang may dala akong earphones. Ang bastos naman kaso kung mag-iingay ako habang nag-uusap sila, hindi naman ako pinalaking ganun noh.

Modern EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon