"Happy Valentine's Day." bati ko kay Mama at kila Kuya. Binigay ko na sa kanila yung cake na binili ko.
Napansin kong napatingin sila sa box at stuff toy na dala ko. "Bb sa'n galing yan? Sa iisang tao lang ba?" tanong ni Mama.
Napansin kong naka-grin si Kuya Lee at may binulong pa sya kay Kuya Ren 'Kuya huwag!' gusto kong isigaw sa kanya.
Napangiti naman si Kuya Ren na parang nang-iinis. Lagot na.
"Hindi po! Sa mga kaibigan." I smiled widely. "Mga kaibigan po." I emphasized.
"Ehem. Sinungaling. Ehem." sabi naman ni Kuya Lee. Pinandilatan ko sya.
Inalok ko na lang sila nung Kinder Joy para magchange topic. Tumanggi sila Kuya, di na daw sila bata. Pero si Mama, dalawa yung kinuha. Isip bata. Kaso hindi natinag si Kuya Ren.
"Kaibigan? Muka mo!" sabi ni Kuya Ren na kasalukuyang hinahanda yung mga platito.
"Totoo naman, makarunungan ka pa sa maganda." pumunta naman ako sa kusina para magtimpla ng juice.
"Yun nga, maganda ka kaya sigurado akong sa manliligaw mo yan galing. Naranasan ko na yung mga ganyan ganyan."
"Bakit Kuya? May nanligaw sayo?" tumingin ako kay Mama. "Ma! Dati bang babae si Kuya?! Bakit tinago nyo sakin?"
"Oo bb." natawa naman kami. "Magbihis ka nga muna. Ang asim mo na e." sabi ni Mama.
Tinukso naman ako nila kuya kaya tumakbo na ako kaagad sa kwarto. Nilagay ko na yung box, stuff toy at iba pang regalong galing na rin sa mga kaibigan, sa may loob ng cabinet.
Nagpalit na ako at lumabas dahil nadinig ko na yung tawag ni Mama. Pero paglabas ko pa lang mismo ng kwarto, nakaabang si Kuya Ren at Kuya Lee sa may pinto may hawak silang malaking box ng Fruity Loops at walong Dutch Mill."Happy Valentine's Day bb Kristal." agad ko silang niyakap.
"Wahh. Thank you mga Kuya." naiiyak nanaman ako parang kaninang hapon sa school ng magkainitan yung dalawa.
Natigil lang sila nang makita nilang kinukuha ko na yung mga gamit ko.Nagpumilit naman silang ihatid ako."Ako na ang maghahatid sa kanya." sabi ni Luigi sabay kuha ng bag ko.
"Mas malapit ang bahay ko sa kanya kaya ako na." inagaw naman ni Nathan yung bag.
"Para walang away, uuwi akong mag-isa. Okay?" tumingin ako sa kanilang dalawa at inagaw yung bag. "Kaya ko kasi malaki na ako. Walang susunod!" pinandilatan ko sila pero napansin ko na dapat susunod si Nathan kaso pinigilan sya ni Luigi.
Masayang may gusto sayo ang taong gusto mo pero ayoko namang saktan ang kaibigan ko. Di ko na alam gagawin ko. Kailangan ko na si Batman. Juskopo.
Bumitaw na ako sa yakap nila Kuya. Tapos binigay na nila yung mga regalo nila.
"Para sa nag-iisang tunay na prinsesa namin. I love you bb." sabi ni Kuya Lee.
May binigay naman si Kuya Ren na card, binuksan ko ito at ang nakalagay
to: Kristal Iryx
HAPPY VALENTINE'S DAY BB TALTALINO.
fr: Kuya Kristan Ren at Kuya Kristian LeeNapangiti ako pero napansin ko si Mama na nagpupunas ng mata nya. Umiiyak ba sya? Binulungan ko sila Kuya at tumingin din sila kay Mama.
"Sigurado ako namimiss na niyan si Papa." sabi ni Kuya Lee. Matagal na kasing patay si Papa. Naaksidente si Papa na labis ikinalungkot ni Mama, kaya kung dati maya-maya nagpapatawa sya pero ngayon paminsan-minsan na lang.
Kaya sila Kuya na ang tumatayong Ama ng bahay namin. Kaya ang OA nila magreact sa boyfriend at manliligaw thingy.
"Tingin ko, gusto rin nya ng Dutch Mill." agad naman akong binatukan ni Kuya Ren.