REVISED. SORRY NA HAHAHA.
--
Panibagong school year nanaman para lumandi, I mean para mag-aral. Parang kahapon lang ng umakyat ako sa stage para makuha yung certificate na tapos na ako sa Junior High School. Ngayon papasok nanaman ako para sa Senior High. Nasakto pang August, medyo maulan ah. Buti hindi pa ngayon, mamaya siguro.
Hindi ko alam kung ma-e-excite, matutuwa or kakabahan ako ngayong Grade 11 na ako omygadh.
To: B.Deanne; B.Rose; Potatoge♥
Where you na? Dito na ko.
7:05 AM
[sent]May usapan kasing sabay-sabay kami papasok though kaming dalawa lang ni Deanne ang pwedeng maging mag-blockmate. ABM kasi kinuha namin, STEM naman kay Luigi tapos HUMSS naman kay Rose. Si Athena naman ABM kaso sa Ateneo nga lang, talino e.
Nag-vibrate yung phone ko, nagreply si Luigi.
Fr: Potatoge♥
pat san ka? dto ko sa may admin.
7:07 AMTo: Potatoge♥
Dito ako sa may gate. x
7:08 AM
[sent]Kung nagtataka kayo kung bakit Potatoge yung nakalagay sa contact name ni Luigi dahil yun sa binigay nya last month.
Nakasanayan ko nang salubungin yung birthday ko tuwing 12 midnight, ang saya kasi sa feeling na binigyan ka ulit ng panibagong taon.
Tumingin ako sa orasan ko, 11:46 PM pa lang. Malapit na. Medyo malamig na rin, nararamdaman ko na yung paghaba ng mga buto ko. Tatangkad na ako!
Nasa sala ako ngayon, nanonood ng Saturday Night Live para malibang. Tawa lang ako ng tawa nang may biglang kumatok. Jusko sino yun? Madaling araw na may kakatok pa? Mabilis pa naman akong matakot, sabi nila 'pag may kumakatok ng ganitong oras hayaan lang hanggang madinig mong magsalita. Malay ba natin kung sino yung nasa likod ng pintong yun.
Gigisingin ko na lang si Kuya Ren. Pumunta ako sa kwarto namin pero walang tao, nandito lang sila natutulog kanina ah? Nasaan na sila? Kinakabahan na ako.
Pumunta ako sa kwarto ni Mama pero wala rin sya. Iniwan na ba nila ako? Natatakot na akong lumabas pero kailangan, naiwan kong bukas yung TV. Nagiging horror na yung buhay ko. Okay Iryx, walang multo hindi yun totoo.
Nang lumakas na ang loob ko tumakbo ako palabas, kinuha ko yung remote-- "Happy Birthday Iryx!!"
"Ay nanay ko po nasaan!" nabato ko bigla yung remote dahil sa gulat. Kailangan talaga gugulatin? Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa kanila, sila Kuya at Mama kasama si... Luigi. Bakit sya nandito? "Gusto nyo na ba akong mamatay sa takot at gulat?" tanong ko.
"Duwag talaga." sabi ni Luigi kaya tumawa sila. Tumingin ako sakanya. Lumapit sya dala-dala ang maliit na cake. "Happy Birthday." sabi niya habang nakangiti. Sila Mama naman nanukso pa. Hindi ito yung unang beses na mapunta sya sa bahay, kilala na sya nila Mama, kilalang kilala.
"Bakit ka nandito?" hindi ko alam kung kikiligin ako o iiyak e. Lumalabas nanaman pagkamaiyakin ko, nakakainis.
"Ayaw mo ba? Sige uwi na ako." binaba nya yung cake sa maliit na mesa. Tapos naglakad papuntang pinto. Tumawa ako ng malakas.
"Good luck kung may magsakay pa sayo, mas lalong good luck kung buo ka pang makakauwi." agad syang tumigil at bumalik sa harap ko.
"Alam mo yung joke?" napansin kong pumunta si Mama sa kusina pero sila Kuya nanonood pa rin, mainis nga.
"Oo naman, Joke ba? Syempre yung mukha nyo nila Kuya." akmang lalapit sana si Kuya kaso tinawag sila ni Mama. Buti nga. Tumingin ako kay Luigi, "Bakit ka ba kasi nandito? Pwede namang bukas na e. Gutom ka ba?"