-CHAPTER THREE-

101 3 0
                                        

Natapos na ang klase. Break time ngayon. Parang 'di ko yata kayang dumaldal ngayong araw na 'to. Masyadong mabigat yung pakiramdam ko.

Kinuha ko na lang yung phone ko para magbasa. Nakita ko na may 2 unread messages.

Tiningnan ko kung sino. Yung isa galing kay Luigi tapos yung isa kay Nathan. Parehong GM. Di ko naman sila tinetext e.

Binuksan ko muna yung kay Nathan.

Fr: Bullynate
Good Morningg :)

You'll never know once' worth until she is gone and with her special someone.

-Nathan
8:31 AM

Jusko. Ang drama naman ng nilalang na 'to. Wala ba 'tong klase?

Nireplyan ko sya.
To: Bullynate
Ang drama mo po! Hahaha wala ka bang klase?
9:03 AM
[sent]

Binuksan ko na yung message ni Luigi. I mean yung GM ni Luigi. Tch.

Fr: Luge
good morning!!

d mo kailangan ng wattpad pra kligin. nandto lng nman ako xd.

txt?

gm.
bored!
8:53 AM

Wow! Feeler lang ba ako o talagang para sakin yun? Ayokong umasa. Masakit dude.

Dinelete ko na lang yung message. Wala namang kwenta e. Naiinis pa rin ako sa kanya.

Nag-vibrate phone ko. Nagreply ata si Nathan. Pero nagulat ako nung si Luigi yung nagtext.

Fr: Luge
iryx! wrinkles mo lumalabas! haha.
9:05 AM

Bigla akong napatingin sa paligid pero di ko sya nakita. Konti lang naman kami sa loob ng room.

Fr: Luge
bulag! bobo!
9:06 AM

Lalo akong nainis sa reply nya. Gusto ko sanang replyan at sabihing 'genius mo e, malandi nga lang' pero magmumuka naman akong bitter. Kaya mananahimik nalang ako.

Good girl ako. Nawalan na ako ng ganang magbasa. 'Di ko makuhang kiligin sa oras na ito. Siguro pag nag 10:13 kikiligin na ako!

Nagulat ako nang biglang sunod sunod yung pagvibrate ng phone ko. Ayy may nagflood. Sino pa ba? Edi yung hayop na paasa!

Palibhasa de-keypad at hindi touch screen phone nya kaya ang lakas makaflood. Aish.

24 messages from Luge.

Dali dali kong in-off yung phone ko. Jusko. Galaxy Y na nga lang tapos sisirain pa nya.

Naramdaman kong tumabi sya sakin. Save me! Please!

"Iryx ang snob mo naman. Famous!" sabi niya na mukang nagpapakachill.

'If I know, wala ka lang malandi sa oras na 'to. Kaya ako ang napili mo kasi alam mong may crush ako sayo.'
Gusto ko sanang sabihin yun sa pagmumuka nya kaso parang ang bastos ko naman.

Guys! Respeto naman sa malalandi! Sabihan nyo na akong bitter, anong magagawa ko totoo naman.

"Hay nako! Humanap ka ng kausap mo, yung matino tsupi." I said while gesturing him na umalis.

"Ikaw, pwede kang kausap?" he grinned.

Yung hormones ko pumalakpak sa kalandian nya. Ayy! Dapat mainis ka Iryx.

I looked at him, serious face. "Ano ba talagang gusto mo? Away o gulo?"

"Ikaw."

Noong sinabi nya yun, bigla akong kinabahan. Aba naman.

Modern EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon