SPECIAL CHAPTER

78 5 2
                                    

Rose's POV
"Uy sabay tayo magpapirma sa mga teacher. Busy sila Athena at Deanne e." sabi ni Iryx sakin pagdating na pagdating ko. Ano ba 'to? Excited?

Yes, kailangang magpapirma ng attendance. Arte noh?

Day 1 ng Foundation Day ngayon at kalahati lang ang bilang ng tao sa classroom ngayon. Nakita kong lumapit samin si Luigi. Etong lalaking 'to, nararamdaman kong napakalandi.

Halata namang may something dito sa dalawa simula pa lang nung una, ayaw lang mag-aminan. Ewan ko dito sa dalawang 'to, ang daming alam.

Nang makarating na si Luigi, pumagitan ako sa kanila at hinarangan si Iryx. "Anong kailangan mo? Hindi! Hindi!" sabi ko kay Luigi.

"Muntanga. Dali tabi na." sabi ni Iryx. "O anong kailangan mo?" tanong nya.

"Sama ako sa inyo, wala akong kasama e." sabi ni Luigi.

"So option lang ako kasi wala kang kasama?"

"Ay, grabe hindi. Wala nga akong kasama kaya ikaw naisip kong isama."

"Ah ganun ba?" sabi ko habang nakatingin sa palad ko. Mabuti pang kinausap ko na lang yung kuko ko. "Bahala nga kayo dyan, kagulo nyo." dagdag ko kaya natawa sila. Nilagay ko na yung bag ko sa upuan at nanguha ng attendance sheet sa may teacher's table.

Tinignan ko yung kailangan papirmahan ngayong araw, lima ang kailangan. "King-ama aabot ng 10:30 ng gabi?!" sigaw ko nang makita yung pinakadulong part.

"Ay shit oo nga. Pero siguro pwede namang hindi na pumunta sa Coronation Night, grabe naman masyado ng gabi yun." sabi ni Iryx

"Sasamahan naman kita." sabi ni Luigi kay Iryx. Para-paraan din 'tong si Luigi e. Sarap ipalamon sa buwaya.

"Wala akong tiwala sayo." sabi nito sakanya, humarap sakin si Iryx. "Rose, manonood ka mamaya ng Coronation night?"

"Bakit ikaw ba?" tanong ko sakanya, ginaya ko pa yung pagkakatayo nya.

"Depende kung sasama ka or kung sino pa yung sasama. Sasama ka nga?" sabi nya.

Ginaya ko yung boses nya, "Depende kung sasama ka." napa-facepalm naman sya kaya natawa ako.

"Jusko po. Ano kasi?"

"Ano kathi? Hahaha." Ang sarap mang-inis ng mga tao.

Nakita kong kinalabit nya si Luigi. "Luge o, sabi ni Rose kathi daw." agad naman hinampas ni Luigi si Iryx. Pareho naman silang may problema sa letter-S, nagtutuksuhan pa. Akala ata nakakaunlad yun sa ekonomiya.

"Hindi naman ako yung tinutukso, ikaw. Pinapasa mo sa'kin."

"Maglalandian na lang ba kayo dyan o sisimulan na natin ang magpapirma?" sabi ko sa kanila.

Kinuha nila yung bag nila saka kami lumabas. May balak din pala silang umalis e.

"Sa'n tayo magsisimula?" tanong ni Luigi. Ano ba namang tanong yan? Hindi yata marunong magbasa itong batang 'to.

Bumaba kami ng building at pumunta sa may Booth section.

"Una sa puso mo tapos dadaan sa bituka ang ending sa bibig mo. Obvious ba? Malamang sa Booth muna. Yun ang nakalagay sa attendance sheet boy!" pambabara ko sakanya at saka nya tiningnan yung attendance sheet. Napatango nalang sya habang tumatawa.

"Hard mo 'te." sabi ni Iryx saka ako hinampas.

"Nahawakan mo?" sabi ko kaya lalo silang natawa. Bakit sila tumawa? Aba ewan ko sa mga yan, mga green minded e. Puro lumot.

Nakarating na kami sa Booth section, unang-unang booth na nakita namin ay yung kila Athena at Deanne. Pastries yung kanila kaya puro matatamis, jusko buti walang pula. I hate red kasi, you know neon orange is my paboritong color. Pucha ang ew, kadiri.

Modern EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon