-CHAPTER FOURTEEN-

75 2 0
                                    

Luigi's P.O.V.

Kanina pa ako naglalakad pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta. Nasa UP kasi ako ngayon para kumuha ng UPCAT. Ang nakalagay lang sa papel ko Building A, saan naman yun? Nahihiya rin naman akong magtanong kahit gwapo ako, kasi mas gwapo sila. Takte naman, baka malate ako nito. Bahala na nga.

Nangalabit ako ng lalaki, mas matangkad sya sakin at medyo payat. Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko alam yung mukha nung lalaki, paki ko sa mukha nya? "Pre, excuse. Pwede bang magtanong?"

Lumingon sya sakin, nakasalamin sya kaya mukhang masungit yung itsura. May hawig sya kay-- tang*na, pati dito makikita ko mukha nun? Alam kong malaki ang mundo, kahawig lang Luigi. Huwag kang assuming.

Nakakunot lang ang mga kilay nya na parang naghihintay ng itatanong ko. "Alam mo ba kung saan yung Building A?"

Tinuro nya lang ang mismong kinatatayuan ko at humarap na ulit sa mga kausap nya. Pipe ba sya? Hindi man lang ako sinagot ng maayos, nakakabadtrip. Lahat na lang ng kamukha ng Tukmol na yun laging nambabadtrip sakin.

Paalis na ako ng madinig ko yung usapan nung lalaki kanina at ng mga kaibigan nya. "Kenzie bakit di ka na nagsalita?" Kenzie? Lumingon ako sa kanila at ang Kenzie na tinutukoy nila ay yung lalaki kanina. Pamilyar yung pangalan, pangbabae kasi. Babae nanaman ang naisip, magbabago na nga kasi e.

"Baka bakla sya. Ayos yun, pang-beauty queen ang tangkad nya." bulong ko.

Naglakad na ako sa nakaassign na room sa'kin, hindi kalayuan sa pwesto noong barkadang tinanungan ko kanina. Dito lang pala yun bakit kasi walang pangalan? Edi sana hindi na ako sinungitan ng baklang yun.

Pagtingin ko sa room, puno na at ang bakante na lang ay yung harap. Seriously? Mga duwag ba sila para hindi umupo sa harap? Tss akala ko pa naman mga promdi ang weak sa Manila yun pala sila mismo.

Pumasok na ako at buong tapang na pumunta sa nag-iisang bakanteng upuan, bandang gitna sa may harapan. Ang yabang pa ng lakad ko ng bigla kong mabasa yung nakasulat sa board.

Note: If ever you pass this entrance exam, don't be one of those who sit on the first row. Thank you.
P.S This school is not consenting late comers.

Bigla akong nahiya sa nabasa ko, kaya pala walang umuupo sa may harap dahil para yun sa mga late na katulad ko. Ang gwapo ko para mapahiya ng ganito. Umaga pa lang ang dami nang kamalasan, may darating pa ba?

Dahan-dahan akong umupo, ayokong gumawa pa ng ingay na kukuha pa sa attention nila. Maupo lang sa pwestong to, kahihiyan na.

Lumingon ako sa kanan ko, sigurado late din to kasi nasa first row din sya. Akala nyo ako lang ang gwapong nale-late? Hindi noh!

Ngumiti ako sakanya pero tanging busangot na mukha lang ang pinakita sakin. Tang*na! Ako na nga nagpapakafriendly, ako pa sinungitan. Hindi sya kawalan.

Tumingin na lang ako sa kaliwa, ngingiti na sana ako nang bigla kong makita kung sino ang nasa tabi ko. Sa halos anim na taon na nakasama ko sya, paanong hindi ko masasaulo yung built at yung buhok nya? Hindi ko inaasahan na makikita ko sya dito. Sa lahat ng oras at lugar, bakit dito pa? Hindi ko sinasabing wala syang karapatan dito pero hindi ako makakapagconcentrate!

Mag-iisang taon na rin simula nang huli kong usap sa kanya. Sa loob ng isang taon na yun iniiwasan nya ako. Ako naman, hiyang-hiya sa mga nangyari. Worst Fieldtrip! Bakit kasi hinayaan ko lang na hawakan ni Allyson yung kamay ko? Bakit hindi ako nag-react? Nakakainis kasi, isang linggo akong naghahabol sa kanya pero wala. Anong interpretasyon nyo dun? Lalaki ako, may needs. Kailangan ko rin ng kalandian pero pinagsisihan ko na pinairal ko yun. Pinagsisihan ko rin na tinitigan ko lang syang umalis na wala man lang ginawa o sinabi, hindi ko alam na ganun pala kahirap. Alam kong nasaktan ko sya, sobrang nasaktan. Kaya nga pagkatapos ng Worst Fieldtrip na yun, hindi ko na sinubukan pang lapitan sya. Madaming nagbago sa kanya, mostly sa itsura nya. Kung tinatanong nyo kung gusto ko pa rin sya, hindi ko alam, hindi ko sigurado. Pero sa sitwasyon ngayon, kinakabahan ako.

Modern EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon