6 ako gumising, mabagal kasi ako kumilos. Tutulala pa ako at syempre, dahil ako'y isang babae marami pa akong rituals.
Nahanda ko na yung gamit at yung sarili ko. Apat lang naman ang subject ngayon at hindi naman sila strict kaya nag-PE uniform nalang ako.
At exactly 7:45 pumunta na kaagad ako sa intersection gaya ng napag- usapan namin ni Nathan.
I was about to text him nang bigla kong maalala yung text ni Luigi. Rereplyan ko na ba? Sige na nga.
To: Luge
Okay lang. Di naman ako galit, asar lang :)
7:48 AM
[sent]Totoo naman na naasar lang talaga ako pero siguro galit na. Ay ewan! Tapos nagtext rin ako kay Nathan na papunta na ako.
To: Bullynate
Hoy! Papunta na ako!
7:48 AM
[sent]He replied.
Fr: Bullynate
Kanina pa po ako nandito :)
7:49 AMDi na ako nagreply at binilisan ko na yung lakad ko, nakakahiya kasi.
Nandun na nga sya. Di nya pa ako napapansin kaya pumunta ako sa bandang likod nya at ginulat sya.
Nagulat sya pero 'di halata. "Hahaha!" Pumunta na ako sa tabi nya. "Hoy ikaw! Ang usapan natin 8 tapos nandito ka na agad ng mas maaga" sabi ko sakanya.
"Eh? Ba't ikaw? Mas maaga rin naman sa 8 yung punta mo. Tsaka nakakahiya na ikaw ang mauuna, 'di tamang pinaghihintay ang mga babae." he smiled.
I smiled back "Gentleman, perks ba yan ng pagiging boy scout sa ilalim ng pamumuno ni Barcarse?"
"Ay. Wag mo ngang banggitin yung boy scout na yan lalong lalo na yung pangalan ni Sir Barcarse! Past is past" napatawa ako ng malakas sa sinabi nya. Halatang halata na nabwibwisit sya.
"Sorry Bully. Di ko naman sinasadyang ipaalala yung ex mo." napangiwi sya sa sinabi ko. Pero sumakay na lang sya.
"Eh? Naka-move on na kasi ako." Tawa kami ng tawa.
Nakasakay na kami sa trike pero tuloy pa rin yung inisan namin.
"Ang gaganda ng mga kabatch mo, siya pa rin yung pinili mo? Wait. Lalaki nga pala hanap mo. Marami rin namang gwapo sa paligid mo."
"Di ko sila type, sya lang. Sabi mo, maraming gwapo sa paligid ko?"
"Sya lang? Da't pinakasalan mo. Oo, napakarami. Yung mga kaklase ko nga e crush nila mga kabatch mo."
"Oo. Ikaw lang. Kaya pala minsan tumitili sila pag nakikita kami." napatingin ako sa kanya sa sinabi nya.
"Anong ikaw lang? Ayan ka nanaman."
"Pafall!" sabay naming sabi. Tumawa kami sa kalokohan namin. "Tsaka bakit kailangan kasama ka sa tinitilian?""Bakit? Hindi ba ako gwapo?"
I shook my head quickly sabay sabing "Sinong nagsabing gwapo ka? Sapakin natin, napakasinungaling." tumawa ako ng malakas.
"Grabe ka Kinder, ikaw dapat ang tinatawag na Bully e. Di kita kayang sapakin."
"Oo na. Sorry na, sorry na."
Nakarating na kami sa school. At gaya ng napag-usapan. Sya yung nagbayad, libre nya.
Pumasok na kami sa school. Nauna na si Nathan, baka kasi malate sya at malayo pa ang building nila.
Nagulat ako nang makita ko si Luigi sa may gate na parang may hinihintay. Siguro hinintay nya ako para personal syang magsorry.
Umagang umaga kinikilig ako, parang kahapon lang inis na inis ako sa kanya.
Nakita nya ata ako kaya tumayo sya at lumapit. Ngumiti naman ako, nakangiti rin sya. Omg this is it.
Habang papalapit sya, dun ko lang nalaman na hindi pala ako ang tinitingnan nya. Kundi ang nasa likod ko- si Sabrina.
Si Sabrina pala ang hinihintay nya. Siguro nagpahintay sya kay Luigi kasi nakita ko na marami syang bitbit. Or baka naman si Luigi talaga ang nagpumilit na maghintay.
Breathe in, breathe out. Nakakahiya, umagang umaga ang feeler ko. Para akong bata na inagawan ng candy. Gusto kong sumigaw habang umiiyak kasi ako ang talunan.
Bakit naman ako iiyak? Kasi alam kong wala akong pag-asa? Sabi ko nga 'di ba, crush lang 'to. No big deal. Pero masakit pala talagang makita sya na may kasamang iba.
Dumiretso nalang ako sa building namin, kailangan kong mauna sa kanila. Baka bigla akong mag-out burst.
Binilisan ko na ang lakad ko. Nagside stairs na lang ako kasi alam ko namang dadaan sila sa main.
Nararamdaman kong parang naluluha yung mata ko. It can't be. Tama na yung isa o dalawang beses na iniyakan ko sya. Napatunayan ko na sa sarili ko na ang isang katulad nyang pa-fall ay hindi worth it iyakan.
So Iryx get up and dont let your tiara fall.
As soon as nakarating ako sa room, umupo na ako sa upuan ko. Ginawa ko ang mga dapat gawin. Not caring for my seatmates, environment, everything especially them.
Yes naman! Umagang umaga nilalanggam sila. 'putragis, malayo pa araw ng mga puso' I thought to myself.
Malapit lang yung upuan nilang dalawa sakin. May dalawang column at random ang upo. May apat na row kada column. Kaming tatlo ay nasa first column.
x-x-Luigi-x-x
x-x-x-Me-x
x-Sabrina-x-x-x
x-x-x-x-x
Layo nila sakin no? Konting kembot lang, reach na nila ang isa't isa. Kainis.Kung hindi ako nagkakamali, nakaupo na sila sa upuan nila. Hindi sila magkatabi- sad life. Leche.
Naramdaman kong lumingon sya sa'kin. Yes sya- si Luigi. I kept myself busy.
"Iryx, anong sagot mo sa no.3 assignment sa Calc?" tanong nya na parang walang paki kung badtrip ako o hindi.
Hello? Manhid ka ba o ano?
I simply gave him my notebook para wala nang usap. Tapos.
Binalik naman nya kaagad pagkatapos makita yung hinahanap nya. Napanatag naman ako nung 'di na nya ako kinausap.
Classes went on. Sulat lang ng sulat, yun naman ang paborito ko e.
Lunch time nang lumapit sakin si Deanne. Nafeel nya siguro na ang tahimik ko. Please wag ngayon, ayokong umiyak dito sa school.
She gently poked my arm. Di ako tumingin sa kanya. Tumuloy na lang ako sa pagkain. "Yours, okay ka lang ba? Bakit?"
I shook my head quickly. "Wala... naman. PMS." Hindi naman ako natatakot umiyak sa harap ni Deanne, pero natatakot ako na makita ng ibang tao.
'Di natin alam ang utak ng ibang tao. Pwedeng sabay ng pag iyak ko, sya namang panghuhusga ng mga tao. Kahit sino kaya kang husgahan."Weh? Dali na. Ano nga?" buti na lang at tapos na kaming kumain, tumayo na lang ako at inaya ko sya sa may labas.
'Di na sya nag-react, kaibigan ko talaga itong babaeng 'to. Nang makarating na kami sa lugar na konti lang yung tao, doon na ako simulang magkwento sa kanya. Kinuwento ko yung pangyayari kaninang umaga at yung text nya kagabi.
"... nagseselos na ako. Alam kong wala.. wala akong karapatan pero ang bigat sa pakiramdam e, parang gusto kong umi-yak." then I started to cry silently, covering my face with my hands.
Naramdaman ko na lang yung kamay nya sa may likuran ko. Buti nalang meron pang taong katulad nya.
Nang makakalma na ako, saka sya nagsalita. "Ano.. ahh di ko alam kung pa'no ko sasabihin, pa'no ba.. dalawa lang naman kasi yung choice dyan kung bakit ka nasasaktan, maaaring naiinggit ka or baka.. baka gusto mo na sya. Gusto mo na sya para sayo."
Natahimik ako sa sinabi nya. Malayong mainggit ako kasi ang pathetic ng dating para mainggit.
Paano kung gusto ko na sya? Hindi na 'to masaya.