Habang papunta ako sa intersection na meeting place namin ni Nathan, kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka magalit sya, kaibigan ko sya kaya ayokong mangyari yun.
To: Bullynate
Oi bully !
6:57 AM
[sent]
Papunta na ako. Mwehe.
6:58 AM
[sent]Nagreply naman agad sya.
Fr: Bullynate
O bat kinder? :P HAHAHAHA
6:48 AMNakita ko siyang nakatayo sa may kanto, nakatingin siya sa phone nya kaya 'di niya ako napapansin.
"Psst. Nathan!" tawag ko sa kanya. Nagulat siya kaya bigla niyang tinago yung phone nya.
Ngumiti sya. Jusko, ganyan pa rin kaya magiging ngiti mo sa'kin pag sinabi ko na sayo.
"Tara na?" tumango ako at kinuha niya yung folder na hawak ko. Habang naglalakad kami papuntang sakayan, naaalala ko yung mga sinabi nila Kuya.
"Nga pala, may sasabihin ako."
"May sasabihin pala ako."Natawa kami kasi sabay kaming nagsalita. Jynx.
"Ikaw na mauna. Shorter's first." sabi niya.
"Ang bully talaga." natahimik ako sandali at inisip muna ang sasabihin ko. Katotohanan. I sighed, "Nathan, kasi ano... ano... yun nga.... hindi ko kayang ibalik na katulad ng dati yung feelings mo." I looked down.
Hindi siya tumingin sa'kin. "Halata naman. Sabihin mo dun sa mayabang na osong yun, congrats. Nagpustahan kasi kami kung sino pipiliin mo, syempre kinampihan ko na yung sarili ko kahit alam kong talo."
"Okay lang kung... magalit ka sakin. maiintindihan ko." sabi ko.
"Wala naman akong karapatang magalit nang dahil lang sa siya ang pinili mo. Buti nga sinabi mo kaagad. Ako ang dapat magsorry, ang akala ko kasi papaasahin mo rin ako, katulad ng iba, kasi pumayag kang sabay tayong pumasok ngayon. Alam kong sya yung gusto mo pero hindi ko inaasahan na maririnig ko yun galing sayo. Akala ko makikita ko nalang kayong magkasama tapos ako patuloy na umaasa. Okay na, hindi na ako aasa." Sakit nun ah.
"Alam mo namang special friend ka sakin. Ayaw kitang saktan pero kahit saan mo tignan masasaktan pa rin kita. Sorry."
"Kinder hindi mo kailangang magsorry," tumawa siya. "ganda mo.kasi, yan tuloy nagkaroon ng kaagaw. Hindi ko rin namang inaasahang gugustuhin ko ulit na maging tayo. Siguro noong mga panahong magkasama tayo, ayaw kitang pakawalan. Kuya mo pa nga nagpush sakin na kantahan ka daw, walangya yung Kuya mo." natawa ako sa sinabi niya. "Siguro pagdating sayo, yung motto kong 'study first', walang effect."
"Ayy jusko. Nasabi ko na bang thank you?" umiling siya. "Yun, thank you nga pala sa lahat. Sa lahat ng ginawa mo para sakin. Bully."
Tumingin siya sakin at ngumiti. "Wala yun Kinder. Gusto ko ang mga ginagawa ko kaya 'di mo kailangang magpasalamat."
"Huwag ka namang masyadong mabait, nakakaguilty." ngumiti lang siya. Nakasakay na kami nang maaalala ko na may sasabihin rin siya. "Ano nga pala ang sasabihin mo dapat kanina?"
"Onga pala, gusto ko lang ibalita na... nakapasa ako. Sa Ateneo na ako magka-college." pinakita niya yung email sa phone nya. Eto pala yung tinitingnan niya kanina. Nakwento nya sa'kin na nanguha sya ng entrance exam sa ADMU, sigurado namang makakapasa siya e.
Kung ngayon yung labas ng mga results, yung kay Athena rin kaya? Sa ADMU rin niya kasi gustong mag-senior-high. Malalaman ko rin 'yun mamaya.
Ngumiti ako habang binabasa yung email. "Woah Congrats Bully. Sabi sayo e, makakapasa ka. Matalino kasi ako, I mean ikaw pala."
Inakbayan niya ako. Awkward. Agad din naman niyang inalis yun. "Salamat, salamat. Hepa tayo mamaya."
"Ay, ay! Oo nga, siguro 'pag bumalik ka na dito sa Bataan, englishero ka na tapos malilimutan mo na magkamay kapag kumakain tapos magkakaroon ka na rin ng breyshesh (braces). Tapos pepeymus ka pa la-"