Chapter 3

4.1K 139 2
                                    

Chapter 3

Third Person P.O.V

"Oh, God!! Im so tired" reklamo ng nakaitim na babae habang umiinom ng tubig, magtatatlong taon na ng magpalit sila ng pagkakakilanlan, mula ng maganap ang insidenteng hindi nila inaasahan at magbago ang takbo ng kanilang buhay.

Hindi naman naging masama ang buhay nila pero hindi mo rin masasabing naging mabuti,

Naging mas mapanganib ang mundo sa kanila, at alam nila sa sarili nila na sa mga oras na yun nakalubog na sa hukay ang isa nilang mga paa.

"Kasalanan mo naman yan eih, Kung sumunod ka lang sana agad sa utos edi hindi ka naparusahan ng ganyan." sabi naman ng kakambal nitong nanatiling nakatingin sa kuko nitong nilalagyan ng kyutix.

"Whatever Athena, Alam mo namang ang ayoko sa lahat eh yung inuutusan ako, I'm the boss, We're the boss kaya't wag kang papaunder sa mga batas na yan"

"No, we're not Aphrodite, Lolo is still the boss."

"Psh' That oldhag, akala nya lang yun." sabi ng babaeng tinawag na Aphrodite habang umiikot ang itim ng mata, sa kanila ng kambal ay sya ang matigas ang ulo,

walang batas batas kapag sya ang gumagawa ng trabaho, para sa kanya ay sya ang batas, sya ang reyna at sya ang masusunod.

Minsan pa nga ay nagawa nyang pasabugin ang isang kompanya dahil lamang sa bet na nun din lang nya nakilala sa bar na pinuntahan nya,

Sobra ang naging galit ng kanyang lolo noon dahil ang kompanya palang pinagkatuwaan nila ay kanila rin kaya naman todo ang parusa na natanggap nya ngayon

"Hayan ka na naman eih, tingnan mo nga yang sarili mo, puro ka sugat dahil sa mga parusa na natatanggap mo, di ka na natuto." sabi ni Athena habang nilalapitan ang kakambal, palagi na lang syang nagaalala dito dahil sa mga padalos dalos na desisyon at kilos nito,

Matigas nga kase ang ulo at napaka immature, sa edad na 21 ay wala pa rin syang ibang alam kundi ang magliwaliw sa buhay, hindi seryoso at panay pagtambay

"sus, pipitsuging bugbog lang naman ang mga natatanggap ko eih." napabuntong hininga na lamang si Athena dahil sa katigasan ng ulo ng kakambal.


"tara na nga lang kumain."



- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -



Habang naglalakad sa gitna ng mall ang kambal ay hindi maiwasan ng mga taong nakakakita sa kanila ang humanga, kitang kita ang mahahaba at makikinis nilang mga binti, bagamat pawisan ang dalawa ay hindi nun nagawang bawasan ang taglay nilang kagandahan bagkus nga ay nagsilbi pa itong asset para mahalina sa kanila ang mga kalalakihan, hindi na kase nila nagawang magbihis pa, kakain lang naman sila at wala silang pakeelam kung ano ang iisipin ng iba,

Parang modelong nagpatuloy sila sa paglalakad, chin up! Breast out! Ganyan sila ka-confidence

Parang isang artista naman si Aphrodite dahil may pagkaway-kaway pa ito sa mga tao at nagpopose pa minsan kapag nakikita nyang may kumukuha sa kanila ng picture

Maging babae ay nakikitili, palagi din kase silang lumabas sa dyaryo at magazine dahil sa kilala nga ang pamilya nila at palaging napifeature ang pagiging successful nito.

Ng marating nila ang isang restaurant ay agad na humilera sa tabi ang mga crew, maging ang manager ng restaurant ay dali-daling lumapit sa kambal upang personal na itanong kung ano ang oorderin ng dalawa.

"What's your order madam?" tanong ng manager matapos yumukod sa dalawa.

"You're the manager arent you?" mataray na tanong ni Aphrodite

"Ahh... yes madam!"

"I never thought that a manager could be a waiter now" sabi ni Aphrodite at hindi na pinansin ang iba pang crew.

Nagdirediretso na sila sa isang reserve table at saka pa umorder,

"Ang bad mo talaga Aphrodite." sabi ni Athena habang nakanguso

"Natutuwa kase ako kapag nakikita ko silang hindi magkaintindihan, nakita mo yung itsura nung manager nila? Gosh!!! Epic."

"Psh' Ikaw talaga."

Habang kumakain ang dalawa ay bigla na lang nagring ang cellphone ni Athena.

"Lolo is calling" sabi pa nito habang nakatingin sa screen ng cellphone nya,

"Psh' sagutin mo, baka magpapaparty yung matanda."

"Ang harsh mo talaga sa kanya, eih sa ating dalawa ikaw tong favorite apo nya."

"Dont worry sya din ang favorite lolo ko." sarkastikong sabi ni Aphrodite

"Haha, malamang sya lang naman ang kilala nating lolo"

"Mismo!!!"

Ng sagutin ni Athena ang tawag ng kanilang lolo ay agad na nagdilim ang kanyang aura, nangangahulugan lamang na hindi nya nagustuhan ang ibinalita sa kanya.

"Oh ansabi nung matanda?" kaagad na bungad na tanong ni Aphrodite matapos ibaba ni Athena ang cellphone nya.

"May mission daw tayo mamaya, yung bagong building na ipinatayo dun sa Barcelona."

"Oh talaga? astig yan."

"Astig ka dyan, may date kami ni Andrew mamaya."

"Andrew Vasquez? yung isa pa nating target?"

"Oo eh, gusto ko ng tapusin yun, masyadong manyak, hingan ba naman ako ng nakahubad mong picture."

"Aba! Eh manyak nga yan! Ako na tatapos dun huh!" sabi pa nito ng pa-action action, parang bata na nagkukwento ng isang magandang pangyayari,

Pero ang totoo ay may gusto lang syang gawin

"Ayoko nga, target ko yun eih."

agad na sumilay ang di kanais-nais na ngiti kay Aphrodite ng may maisip itong kalokohan.

Isang ngiti na di mo gugustuhing makita, may kung ano na naman kaseng plano na naglalaro sa isipan nya,

"Akin na lang please, itotorture ko muna."





Thank you sa pagbabasa guys!!!

comment naman kayo!!!.

Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon