'Cassandra at the multimedia'
Tyler P.O.V
Sabi nila may mga bagay talaga na mahirap makuha, mga pangarap na mahirap maabot at mga taong hindi talaga mapapa saiyo gaano mo man ito kagusto.
Ang sakit pala talagang makita ang katotohanan, nararamdaman ko na naman noon pa dahil sa paulit-ulit na pagsampal sa akin nito pero bakit iba pa rin ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Mas malala kase ito, mas mahapdi at mas makirot.
"AAAHHHHHHHH!!!!!!!" sigaw ko at buong lakas kong sinuntok ang puno ng niyog na nasa aking harpan.
Hindi ko maramdaman ang sakit na idinulot nito sa aking kamay dahil mas nabgingibabaw pa rin ang kirot sa aking dibdib.
Ginawa ko naman ang lahat noon mapasa akin lang si Nadz pero bakit hanggang ngayon ang layo-layo n'ya pa rin? Ang dulas dulas n'ya na ang hirap n'yang mahawakan.
'Ginawa ko ang lahat noon' tama ginawa ko nga talaga. Sa sobrang pagkadesperado ko ay nagawa ko yun kay Margaux. Kaya ba hindi pa rin mapunta sa akin si Nadz ay dahil sa naging kasalanan ko?
Mali ba ang magmahal? 'nagmahal lang naman ako, pero bakit parang ang hirap?'
Naglakad na ako pabalik ng rest house na tinutulyan ko. Puno pa rin ng madaming tanong ang isipan ko. Mga tanong na hindi ko alan kung magkakaroon pa ba ng kasagutan.
"Ano ba???" biglang sigaw ng isang babaeng nasa harapan ko.
"Problema mo?" sabi ko at nilampasan na lang s'ya.
"Hoy!" sigaw n'ya,
naplingon ako sa kanya habang hawak ang batok ko.
"Bakit mo ako binato?" seryoso kong tanong sa kanya. Wala ako sa mood para makipag laro sa mga kapritsuhan n'ya. Mukhang bratinella na palaging nakukuha ang gusto.
"Binunggo mo ako tapos sasabihin mo sa akin anong problema ko? Naka-katol ka ba?" malakas n'yang sabi habang dinuduro-duro ako.
Nabunggo ko pala s'ya. Mukhang hindi naman malakas dahil hindi ko naman naramdaman. Maarte lang talaga siguro ang babaeng ito.
"Okay, sorry! Kuntento ka na?" sarkastiko kong sabi sa kanya at tumalikod na.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng bigla s'yang sumampa sa likod ko. Hindi ko napaghandaan ang naging kilos n'ya kaya naman nawalan ako ng balanse at natumba kami sa buhangin.
Nasa ilalim ko s'ya at ako ang nasa ibabaw. Nararamdaman ko sa aking katawan ang kanyang dibdib dahil sa suot n'yang two piece kaya agad akong tumayo pero hindi ko pa man naiituwid ng maayos ang aking tindig ay bigla na n'ya akong hinila kaya napasubsob ako sa kanyang mukha.
Doon ko lang naamoy ang alak sa kanyang hininga. 'tsk' lasing pala ito eh'
"Miss tumayo ka nga d'yan" sabi ko habang pilit inaalis ang kanyang kamay sa aking braso. Ang higpit ng pagkakahawak n'ya. 'may sa tarsier yata ito.'
Bigla s'yang tumawa kaya nagtataka ko s'yang tiningnan "Iyan naman ang gusto n'yo diba? Yung naka ibabaw kayo sa'ming mga babae. HAHAHA!" lumuwag ang pagkakahawak n'ya sa braso ko at bigla na lang s'yang umiyak.
"Bwiset kayong mga lalaki kayo. Hindi kayo marunong makuntento. Porket ba hindi namin maibigay ang gusto n'yo hahanapin n'yo na kaagad sa iba?" itinayo ko s'ya at niyakap.
BINABASA MO ANG
Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]
Mystery / Thriller-Chasing The Gangster Princess Magsisimula pa lang ang tunay na kwento. May magbabalik, Hindi lang isa Kundi dalawa. 'Paano kung ang babaeng minahal mo ay maging dalawa?' Makikilala ba ng puso ang totoo sa nakikita ng mapanlinlang na mga mata? O kak...