Chapter 26

2.3K 89 2
                                    

Aphrodite P.O.V

Ramdam ko ang katahimikan ng paligid, nakakabinging katahimikan na para bang wala ng iba pang tao sa mundo kundi ako.

Ilang oras na ba ang lumipas mula ng manggaling dito si Athena?

'isang minuto?'

'dalawa?'

'isang oras?'

'dalawang oras?'

ewan, hindi ko na alam.

Gustong-gusto ko ng magmulat ng mga mata pero hindi ko magawa. Ang aking katawan ay ayaw makisama sa gusto ng aking isipan. Nararamdaman ko pa rin ang hapdi mula sa aking mga sugat sa katawan.

Ang ulo ko ay kumikirot, pumipintig na sa sobarang sakit ay gusto kong magmulat.

Naaalala ko pa ang sinabi n'ya kanina. "Please wake up Aphrodite, sige ka matatapos namin ang misyon na wala ka. Gusto mo ba yun huh?" ang babaeng iyon talaga hindi marunong gumalang, sinabi ko ng tawagin n'ya akong ate eh.

Muli ko tuloy naalala kung paano namin nalaman na kamabal kami, na magkamag-anak pala kami, na magkapatid kami.

Ang araw na iyon ang isa sa hindi ko inaasahang pangyayari sa buhay ko. Bukod sa hindi ako handa ay talagang ako'y nabigla.

Nakakamanghang isipin na lumaki akong mag-isa, malungkot at walang kasama pero ang totoo pala ay mayroon pa naman akong pamilya.

Kaya pala madali kong napasok ang mundo ng mga gangster, kaya pala mayroon akong ganoong abilidad. Kaya pala.

Habang inaalala ko ang pangyayaring iyon sa aking buhay ay bigla na lamang naiba ang paligid.

Bigla'y napunta ako sa madilim na lugar. Sobrang dilim na wala akong ibang makita. Kahit pa ang bulto ng sarili kong katawan ay hindi ko maaninag.

Inihakbang ko ang aking mga paa at ng mailapat ko ito sa sahig ang doon ko lamang nalaman na pigil ko pala ang aking paghinga.

Nang bumuga ako ng hangin ay kasunod na niyon ang mabilis na pagpintig ng aking dibdib. Kinakabahan ako at natatakot. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng madilim na dimensyon na ito.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad kahit pa tanging dilim lamang ang aking nakikita. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. May hangganan pa ba ang lugar na ito?

Tiyak kong mahigit ilang oras na akong naglalakad dahil nakakaramdam na ako ng pagod, tumatagaktak na ang aking pawis sa noo at habol ko na ang aking hininga.

Malapit na akong bumigay, konti na lang ay matutumba na ako. Napaluhod na ako sa gitna ng dilim at pumikit ng mariin.

'Bakit ba ako nandito?' kung anoman ang sagot ay hindi ko alam.

Nang magmulat ako ng mata ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Nakaramdam ako ng saya at galak, doon ko lamang napatunayan na mas magandang pagmasdan ang liwanag. Pakiramdam ko ay may gumuhit na pag-asa sa akin.

Kahit pagod ay tinakbo ko ang pagpunta sa liwanag na iyon, parang bata na nakangiti kong sinalubong ang liwanag.

'Bagay na hindi ko na lang sana ginawa' nakakapanlambot, nakakapanghina at nakakaubos ng enerhiya.







"AAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!" sigaw ko dahil sa pinaghalo-halong emosyon.

Nababalot ng dugo ang paligid, ang mga katawan na wala ng buhay ay nagkalat.

Ang katawan ni Athena na magkahiwalay ang ulo at katawan.

Si Tanda na basag ang mukha at mahirap ng makilala.

Si Daddy na may nakatusok na katana sa dibdib.

at kahit si mommy na matagal ng patay ay nandoon ang katawan, may lumalabas na uhod sa kanyang mata at umaagos na dugo sa kanyang bunganga.

Hindi ko napigilang mapahagulgol. Hindi ito totoo. Ayoko nito! Hindi ang pamilya ko.

Napalingon ako sa likod ng marinig kong may mga kadenang nagkakalansingan. HINDI!!!! napaatras ako palikod dahil sa sobrang takot.

Si Lance ang may dala noong kadena na nababalot ng dugo. Demonyo s'ya, hindi s'ya si Lance.

Malademonyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi ng makita n'ya ang aking takot. Paatras lang ako ng paatras ng biglang matumba ako sa kawalan ng balanse.

Agad akong napatayo ng makita ko ang aking mukha. Ang mga bangkay na nagkalat sa paligid ay mukha ko lahat ang nakalagay. Wala sina mommy, daddy, lolo at kahit si Athena, ako lang lahat.

At lalo akong napasigaw ng hindi na si Lance ang aking nasa harapan kundi ang sarili ko na.

Ang sarili ko hawak ang aking ulo.

Nagising ako na hawak ang aking dibdib. Parang totoo ang lahat, nanginging pa ang aking mga bisig dahil sa takot, hindi pa rin bumabagal ang pagpintig ng aking dibdib.






"Aphodite!!!" sigaw ni Sean at patakbong niyakap ako. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha at ramdam ko ang higpit ng kanyang mga yakap. Ng kumalas na s'ya sa akin ay pinunasan n'ya ang aking pisngi. Doon ko lamang nalaman na umiiyak na pala ako.






"Bakit?" nagsusumamong tanong n'ya. Hindi ko magawang magsalita. Nagpatuloy lamang sa pag-agos ang aking mga luha at basta na lang ako umiling at muli s'yang niyakap.






"sshhhh!!! tahan na, panaginip lang yun okay? I'm here don't worry." pagpapatahan n'ya sa akin at hinaplos ang aking likod.

Para akong batang nakasumpong ng kakampi. Pakiramdam ko ngayon ay ligtas ako. Ng ipikit ko ang aking mga mata ay nakita ko na naman iyong imahe ng eksena kanina. Nakakatakot pumikit.






"Ano ba'ng nangyari?" tanong sa akin ni Sean.






"Wala, masama lang ang naging panaginip ko." 'bangungot' simpleng sagot ko.







"Kamusta ka na pala? Na-comatose ka daw sabi ni Athena kaya nagmadali akong pumunta dito. Labis mo akong pinag-alala alam mo yun?" dahil sa sinabi n'ya ay noon ko lang naalala na hindi ko nga pala alam kung gaano na ako katagal natulog.







"Okay lang, gaano na ba ako katagal dito?"








"isang linggo at 2 araw ka ng tulog kaya I'm sure magdamag ka n'yang gising." biro pa n'ya na tinawanan ko lang.

Siguro nga, siguro nga ay magdamag akong mananatiling gising dahil hinahabol ako ng bangungot.

"Ah Sean pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo?" diretso sa mga matang tanong ko sa kanya. Seryoso ako sa bagay na hihilingin ko sa kanya, kaya sana pumayag s'ya.








"Oo naman." nakangiti n'yang tugon sa akin.








"Hanapin mo naman si Tyler at sabihin mong ayusin n'ya ang ilang mga bagay."







"Tyler???" takang tanong n'ya.









"Tyler Montenegro."










Pagkatapos ng naging usapan namin ay agad ko ng pinuntahan ang kinaroroonan nina Athena.

Nahirapan pa akong tumakas sa mga nurses sa hospital dahil sa higpit ng siguridad.









Happy Reading Guys! ^_^

'stay tuned for next update'

Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon