Chapter 41
Dedicated to my friend @malds_rp
Lance P.O.V
Nagising ako sa isipin na kailangan kong makausap si Nadz. Pakiramdam ko ay kapag hindi ko pa s'ya nakausap ay literal na malalagutan na ako ng hininga.
Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. Saglit pa akong napangiti ng pagharap ko sa salamin doon ay nakita ko ang gwapong gwapong si ako. 'Hehehe^_^'
Lumabas ako ng silid na'yon suot ang pamatay kong ngiti. Ang mga staffs and crues na aking nakakasalubong ay binabati ko rin ng goodmorning. May kakaiba sa pakiramdam ko ngayon, napakasaya ko at hindi ko alam kung bakit.
Dahil hindi ko naman alam kung saan si Nadz tumuloy kagabi ay inuna ko ng puntahan ang silid kung saan dinala si Margaux kahapon.3 sunod sunod na katok ang aking ginawa bago ko muna binuksan ang pinto. Isang nahihimbing sa pagtulog na si Margaux ang aking nadatnan doon kaya naman hindi ko na s'ya inabala pa. Saglit lang akong namalagi doon dahil ilang minuto lang ang nakakalipas ay nagpasya na akong uliin ang buong hotel sa pagbabakasakaling makita ko si Nadz.
Sinimulan ko ang paghahanap sa firstfloor at wala akong nakita doon ni anino ni Nadz, ganoon pa man ay hindi ako nawalan ng pag-asa, ngayon pa ba kung kailan ilang silid na lang ang pagitan naming dalawa?
Nasa ika-tatlong palapag na ako at wala pa rin akong nakikitang Nadz, sa laki ng hotel na ito ay nakakaramdam na rin ako ng pagod.
Hindi ko na magawa pang ngumiti tulad ng kanina. Panay pag ngiwi na lamang ang tangi kong nagagawa.
'Nasaan ka na ba kase Nadz? Gustong guto na kitang makita'.
Mahigit 3 oras na akong naghahanap at ramdam ko na ang pagsuko, kaya naman dumiretso na ako sa lolo ni Nadz na ilang bodyguards pa ang aking nilampasan bago ko ito makausap.
"Sir please, let me talk to your grand daughter." Pakiusap ko pa sa lolo ni Nadz. Palagi n'yang sinasabi sa akin na hayaan ko muna itong magpahinga, na magkakausap rin kami, na maghintay lang ako. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ako patuloy na maghihintay?
"I told you, If she already want to talk with you, she'll do it by herself."
"But sir..." naputol ang usapan namin ng biglang bumukas ang pinto at iluwa noon si Nadz na may dalang dalawang maleta. "Aalis na naman ba s'ya?'
Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha at bahagya n'ya pang nabitiwan ang kanyang mga dala.
Hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman n'ya. Nakaguhit sa kanyang mukha ang labis na pagbigla, sumisigaw ng pagkalito ang kanyang mga mata at nandoon pa iyong bahagyang bubuka ang kanyang bibig tapos ay biglang titikom. Bibigkas s'ya ng ilang salita ngunit wala namang tinig na malilikha.
'Anong nangyayari Nadz?'
"Where are you going?" tanong sa kanya ng kanyang lolo.
"I'm leaving." tipid na sagot nito at muling inayos ang mga gamit na kanyang nabitiwan kanina.
Dali dali akong tumayo at hinabol s'ya ng magmadali itong umalis. Hindi ko na nagawa pang makapagpaalam sa kanyang lolo dahil inunahan na ako ng kaba. Ang bilis ng pagtibok ng aking dibdib ay padoble ng padoble. Palakas ng palakas dahilan upang mahirapan na rin akong huminga.
Naghahalo halo ang kaba at takot na aking nararamdaman.
"Huwag mo na naman sana akong iwan Nadz.'
BINABASA MO ANG
Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]
Mystery / Thriller-Chasing The Gangster Princess Magsisimula pa lang ang tunay na kwento. May magbabalik, Hindi lang isa Kundi dalawa. 'Paano kung ang babaeng minahal mo ay maging dalawa?' Makikilala ba ng puso ang totoo sa nakikita ng mapanlinlang na mga mata? O kak...