Chapter 39

2.5K 76 0
                                    

Chapter 39

Lance P.O.V

Dali-dali kaming lumabas ng marinig namin ang nagpapanic na sigaw ni Nadz, 'Damn! What Happened to her?'

Muli kaming nagbalik sa laboratoryo kung saan kami nanggaling kanina. Doon ay natagpuan namin si Nadz na nagpapanic habang hindi mgakaintindihan kung ano ang dapat gawin.

Paikot-ikot s'ya sa kama na kinahihigaan ng kanyang kakambal. Kaagad nanlaki ang aking mata ng makita ko ang kasalukuyang sitwasyon ni Margaux.




"Tanda! Sabihin mo, anong nangyayari sa kanya?" nagpapanik na tanong ni Nadz. Lumapit pa s'ya sa kanyang lolo at kinuwelyuhan ito.






"SABIHIN MO, ANONG NANGYAYARI SA KANYA?" sigaw pa ni Nadz kasabay ng pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.

Ramdam ko kung gaano kahigpit ang pagkakakuwelyo n'ya sa kanyang lolo maging ang gigil at diin ng pagkakahawak n'ya dito dahil na rin sa pagbakas ng mga ugat sa kanyang kamay. Kitang kita ko kung paano balutin ng sakit at galit ang kanyang namumulang mga mata.

Ang kanyang lolo naman ay nanatiling walang imik at tikom ang bibig. Tinitigan n'ya sa mga mata si Nadz, hindi naman gaanong malamig ang titig na kanyang ipunukol ngunit nanatili itong blangko. Wala akong mabasang emosyon, kahit katiting ay wala talaga.







"SABIHIN MO!!!" sigaw ni Nadz ng mapansin na walang balak na magsalita ang kanyang lolo. Ang sakit na mababasa sa kanyang mata ay dumoble, ang galit kanina ay napalitan ng panlulumo at ang pagod sa kanyang ekspresyon ay dumagdag.

Nakakahabag na makita ang babaeng aking minamahal sa ganoong sitwasyon. Nakadadagdag pa sa bigat na aking nararamdaman ang isipin na wala akong nagawa.

Sunod sunod na pag-ubo ang ginawa ni Margaux ngunit nanatili itong pikit at tulad kanina ay patuloy ang pag-agos ng dugo sa kanyang binig.

Taranta namang binitiwan ni Nadz ang kuwelyo ng kanyang lolo at lumpit muli sa kinaroroonan ni Margaux. Nandoon iyong hindi n'ya maintindihan ang dapat gawin.

Kung hahawakan n'ya ba sa balikat o yayakapin. Bahagyang hahawakan n'ya ang mukha nito at pupunasan sana ng dugo ngunit sa huli ay magpapasya s'yang huwag ituloy.

'Natatakot s'ya' iyon ang totoo. Hindi n'ya alam ang dapat gawin at natatakot s'ya na ang kaunting maling kilos n'ya ay makapagpalala sa sitwasyon ni Margaux.







"Lolo, parang awa mo na! tulungan mo ako. Iligtas natin si Athena." humahagulgol na sabi pa ni Nadz habang nakaluhod sa harap ng kanyang lolo.

Agad kong iniiwas ang aking paningin kay Nadz dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili na maawa. Nahahabag ako para sa kanya at hindi ko matiis na manatiling nakatitig lamang.

Wala akong ibang magawa kundi ang mag-iwas ng paningin. Iyon lamang at wala na.







"How about you? The whole empire wouldn't accept two heirs. It's her, who deserve to died." sabi ng kanyang lolo at yumukod upang haplusin ang kanyang pisngi. Mababa at malumanay ang tinig ng bitiwan n'ya ang mga salitang 'yon.







"I don't care lolo, I will rule the empire and I know that Athena won't mind about that. Just please spare my twin's life. She's my sister, OUR family infact." sabi n'ya at patuloy pa rin s'ya pag iyak.







"It's just you that I'm thinking apo."







"Lolo please!". bahagyang natigilan ang kanyang lolo at miya miya pa ay malalim na nagbuntong hininga.






"Just leave this two traitor in me!" sumusukong sabi ng kanyang lolo na ang tinutukoy pa ay sina Stephen at Chescka. Tinanguan naman s'ya ni Nadz at niyakap ng mahigpit.





"Just... Just please lolo, Don't kill them."










+ + + + +









Ipinasok si Margaux sa isang silid na may lamang ilang gamit pang medisina. Mukha iyong clinic ngunit hindi rin naman nalalayo ang itsura noon sa isang tipikal na silid pahingahan dahil sa isang malaking closet na naroon. May personalize mirror din na halatang ipinasadya para sa mga pag-aayos ng sarili. Ang motif ng kwarto ay purple at halatang babae ang gumagamit.






"Let's leave her here now! The doctor will take her her, don't worry."







"But lolo, "







"Aphrodite you still need to rest. You can still visit her ofcourse and you!" turo n'ya pa sa katabi n'yang bodyguard.






"Accompany this young man to the guestroom."








"But sir, I wan't to talk to your granddaughter." Lakas loob kong sabi. Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Nadz. Marahil ay noon n'ya lang napansing muli ang aking presensya. Hindi ko tuloy napigilan na makaramdam ng kirot sa dibdib sa isiping nakalimutan n'ya ako. Na hindi man lang ako sumaglit sa isip n'ya.








"No! Make her rest first, before you talk to her."







"but sir!" protesta ko pa.








"NO!!!" pinal n'yang sabi at nauna ng maglakad papalayo, binigyan lang ako ni Nadz ng nakikisimpatyang tingin at malungkot na ngumiti.


Sa huli ay wala rin akong nagawa. Sumama na lamang ako sa inutusang bodyguard ng lolo ni Nadz. Sa silid kung saan ako unang tumuloy nila ako dinala. Naalala ko pang ito ang silid na pinagdalhan sa akin ng isa sa mga staff dito. Marahil ay kaya n'ya ako kilala ay dahil nangongolekta pala si Nadz ng mga litrato ko.

Napangiti ako sa isiping iyon. Siguro ay mga malulungkot at nakasimangot kong litrato ang palagi n'yang nakukuha dahil ang mga panahong 'yon ay ang mga panahon na nangungulila ako sa kanya. 'Hay Nadz! Mahal na mahal mo talaga ako noh?'

Hindi ako makatulog, alas dos y media na ng umaga ngunit gising na gising pa rin ang aking diwa. Bumangon ako sa kama na nagusot na ang kobre kama dahil sa pagikot ikot dito at nagtungo sa may estante doon. Nagpatas ang mga sikat na cd ng mga movie doon. Organize na organize ang pagkakalagay. Kanya kanya ng hilera ang mga action, classic at lovestory na movie, may ilan ding cd na mukhang kuha sa mga teatro. 'hhmmm... kanino kaya ito?'

Pinili ko ang isang CD ng action movie at inilagay ko sa DVD na nakakabit sa flat screen t.v dito sa kwarto.

Nangangalahati na ako sa aking pinapanood ngunit wala pa rin akong maintindihan. Wala doon ang aking focus, hindi kaya napapagod si Nadz? Kanina pa kase s'yang tumatakbo sa aking isipan.

'haixxt!!!'

napabuntong hininga na lamang ako sa ka-kornihan kong naiisip.


Kapag nakausap ko na s'ya sisiguraduhin kong hindi na s'ya makakawala pa.

Pinatay ko na ang movie na nagpe-play at muling nahiga sa kama. Pinatay ko ang lahat ng ilaw at tumitig sa kisame na tanging dilim lamang ang nakikita. Hinayaan kong tumakbo ng tumakbo sa aking isipan si Nadz.


Sa Ganoong paraan ay nagawa kong makatulog.





Thanks for reading ^_^
ENJOY!!!

- KhimmythelostBaeBy

Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon