Chapter 22

2.4K 98 4
                                    

Lance P.O.V

Nagising ako sa isang tahimik na kwarto, muli ko pang ipinikit ang aking mga mata upang i-adjust sa liwanag na tumatama rito mula sa naka-awang na bintana.

Ramdam ko ang pagkirot ng aking ulo kaya naman naihawak ko ang aking kamay rito na para bang magagawa niyong alisin ang sakit.

Ng ilibot ko ang aking paningin ay saka ko pa lamang nalaman na nasa hospital ako. Muli kong inalala kung ano ba ang nangyari.

Kaagad lumukso ang kaba sa aking dibdib ng maalala ko ang pagsabog ng eroplano na aming sinakyan. Kung hindi kaagad ako naka labas ay malamang na hindi ko na magagawa pang magmulat ng mata at posibleng iyon na ang magsilbing huling araw ko sa mundo.

Naalala ko sina Aphrodite at Athena, nasaan na kaya sila ngayon? Tulad ko ba ay nasa loob din sila ng hospital? Kung nasugatan man sila ay siguradong hindi naman gaanong malala dahil nauna sila sa paglabas.

Kahit anong lohika ang aking isipin ay hindi ko pa rin magawang alisin ang pag-aalala ko para sa kanila.

Nakahinga lamang ako ng maluwag ng makita kong bumukas ang pinto at pumasok si Athena. Inihaba ko pa ang aking leeg para makita kung kasama nya ba si Aphrodite pero wala, Nagsara muli ang pintuan na walang Aphrodite na dumadating.






"Kamusta na ang pakiramdam mo?" hindi man lang nya ako tiningnan ng sabihin nya iyon.

Maayos nyang inilalapag ang mga prutas na galing sa basket at naglalagay din sya ng bulaklak sa plorera. Naninibago ako sa kanya.

Iba ang dating ng naging tanong nya, wala akong mabakas na pag-aalala at para bang kaya nya lamang itinanong iyon dahil iyon ang dapat, na obligasyong tanungin ang pasyente na nasa hospital ng ganoon. Obligasyon at walang pag-aalala. Pagak akong napatawa sa aking isip. Tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba ako sa kanila para paglaanan nila ng pag-aalala.


Hindi ko na sinagot pa ang tanong nya at hinayaan ko na lamang ang sarili ko na pagmasdan ang kanyang bawat galaw.

Napakunot ako ng noo ng makita ko ang braso nya na may benda. Nakasuot lamang siya ng puting sando at short. May itim na knee pad rin na nakakabit sa kanya at doon ko nakita ang munting kutsilyo na nakalagay doon.

Muling napadako ang tingin ko sa kanyang braso at hindi ko napigilan na hindi kabahan. Marahil dahil iniisip ko na posibleng sya nga.

Naalala ko ang tattoo ni Nadz noon sa braso na baril at bulaklak na syang sumisimbolo sa pagiging isa sa pinaka makapangyarihang gangster noon.

Posible nga kayang sya. Pilit ko munang inalis iyon sa aking isipan, hindi ngayon ang tamang oras para isipin ko ang bagay na iyon.

Hindi pa ngayon pero gagawa ako ng paraan para makita ko ang braso nya.






"Nasaan pala si Aphrodite?" tanong ko ng mapansin kong wala syang balak magsalita.

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon nya ngunit saglit lamang dahil muli iyong bumalik sa dati.

Napakailap ng emosyon ng kambal, para bang takot na takot silang ipaalam sa iba ang kanilang nararamdaman.





"Nasa kabilang kwarto." iwas ang tingin na sagot nya.





"Pwede ko ba syang makita?" tinanguan nya lamang ako at inalalayan pagtayo.

Tatlong kwarto lamang ang pag gitan namin. Ng makita kong bubuksan na ni Athena ang pinto ay kaagad kong hinawakan ang kamay nya.

Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon