Chapter 23

2.4K 85 4
                                    

Lance P.O.V

Dali dali kong tinungo ang kwarto ni Aphrodite dahil alam kong nandoon si Athena at pabalibang ko itong binuksan.





"Sabihin mo sa akin kung sino ang nasa likod nito? May kinalaman ba ito sa misyon natin?" gigil kong sabi at nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nya pero agad din iyong nabura. Matalim nya akong tiningnan at humalakhak. Naiinsulto ako sa ginagawa nya, pakiramdam ko ay isa akong tanga sa paningin nya.





"Ano bang akala mo sa sarili mo Lance? At tsaka misyon? naririnig mo ba ang sarili mo? eh ni hindi mo nga alam kung ano talaga ang misyon natin. Ang alam mo lang kailangang iligpit si Alfred Wattson pero alam mo ba ang dahilan? HINDI! kaya huwag kang umasta na alam mo ang lahat dahil wala ka namang alam." iniiwas na nya ang paningin nya sa akin at muling ibinalik kay Aphrodite na ngayon ay nakaratay pa rin sa kama sa hospital.

Nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib, totoo naman ang sinabi nya, wala talaga akong alam pero kung umasta ako ay parang ako ang naagrabyado samantalang si Aphrodite ang tunay na napahamak.

Pakiramdam ko ay naging bastos ako dahil sa ginawa kong pagtataas ng boses at marahas na pagbubukas ng pinto, ako itong may kailangan pero kung umasta ako ay dinaig ko pa ang aking hinihingan.






"Im sorry, hindi iyon ang intensyon ko." sabi ko at umupo sa tabi nya.






"Nalaman ko kase sa Dean na sa ating lahat ay kami lang ni Aphrodite ang naapektuhan at alam ko na sinadya iyon para sa akin o para sa kanya, nadala lang ako ng emosyon dahil tulad mo hindi ko rin mapapalampas ang ginawa nila." nailang ako ng bigla nya akong titigan. Seryoso lang sya at titig na titig sa aking mga mata, hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon, kung iiwas ba ako o makikipagtitigan.






"Bakit ba feeling ko concerned na concerned ka sa amin ng kakambal ko?"






"You two remind me of someone, someone who's near in my heart." diretsya kong sabi. Hindi nya pa rin inaalis ang pagkakatitig sa aking mga mata at bigla na lang syang ngumiti.

Pansamantalang huminto ang aking mundo ng makita ko ang mga ngiti n'yang iyon, totoo at magandang tingnan. Isa sa mga ngiting bihira kong makita sa kanila.

May kung anong humaplos sa aking puso at nakaramdam ito ng init na binalot ng lamig. Kakaiba at nakakapanibago.






"It's Nadz right? What If Lance nalaman mo na ako pala s'ya anong mararamdaman mo? Would you got mad at me?" seryoso nyang tanong sa akin.

Hindi ko alam kung bakit n'ya itinanong iyon pero biglang may bumundol sa puso ko.

Ano nga ba'ng mararamdaman ko kung sakali man? Matagal ko ng hinihiling na sana isa nga sa kanila si Nadz pero ni minsan ay hindi ko naisip ang posible kong maging reaksyon kung sakali mang malaman ko na totoo.

Tatanggapin ko sya, Oo pero paano? With open arms? Magpapa-party ba ako o ano? Hindi ko alam, hindi ko napaghandaan.






"Siguro papakasalan ko kaagad s'ya." hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko dahil ang totoo'y hindi ko talaga alam. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata kaya natawa na lang ako sa naging reaksyon nya.






"Grabe ka Lance, kasal agad?"






"Bakit ikaw ba s'ya?" biglang seryoso kong tanong sa kanya. Bigla syang nagiwas ng tingin at hindi na sinagot ang aking tanong.






"Athena dala na namin yung mga baril na kailangan mo -oops! Lance nandyan ka pala" hindi na natapos pa ni Xander ang sasabihin nya ng makita nya ako.






Binigyan ko lang s'ya ng nagtatakang tingin "Para saan yung mga baril?" tanong ko.






"Tatapusin yung mission, nandito rin daw kase sa Palawan si Alfred Wattson."



tiningnan ko naman si Athena ng marinig ko ng sinabi ni Xander "Ano ba'ng itsura ni Alfred Wattson Athena?" tanong ko dahil sa totoo lang ay hindi ko pa talaga s'y nakikilala.




"He's an oldhag, at mid 50's and a typical business man look." simpleng sagot nya.






Maraming nagsasabi na mapanganib daw ang mundong pinasok namin pero paano pa kaya ang mundong ginagalawan nila Athena at Aphrodite? Paano pa kaya sa mundo nilang mas malawak sa mundong ginagalawan namin?

Habang pinapanood ko si Athena na nag-aayos ng mga gagamiting baril ay hindi ko mapigilang mapaisip.

Paano ba sila lumaki? Paano nauwi sa ganito ang buhay nila?

Naging gangster ako noong first year highschool lang ako, nakilala ko sina Tyler, Xander, Steve at Stephen hanggang sa nakita na lang namin ang sarili namin na lumalaban eh sila kaya paano sila nauwi sa ganito?







"Kung tititigan mo lang ako at hindi tutulong sa pag-aayos nito mabuti pang lumayas ka na lang sa harap ko" napabalik lang ako sa huwisyo ng bigla syang magsalita. Dali-dali kong dinampot ang baril sa kanyang tabi at nilagyan ng bala.






"Tutulong nga ako!"





"Xander nasaan pala sina Stephen at Chescka?" tanong ko






"Naghahanda sila para sa mga trapped"





"trapped???" nagtatakang tanong ko sa kanya.






"Oo, Bukas na bukas daw ay susugod tayo sa mga Wattson, diba Athena?" tumango lang si Athena at nanatiling nakatingin sa baril na hawak nya.





"Athena ang mga Wattson ba ang may kagagawan sa nangyaring pagsabog?"





"Hindi, kaya kailangan nating magmadali dahil pagkabalik na pagkabalik ng Maynila, sisiguraduhin kong wala ng araw na sisikat sa kanya."









Stephen P.O.V

"Chescka pahinga muna tayo" sabi ko habang naupo sa isang bench malapit sa may malaking puno. Kanina pa naming pinagaaralan ang pasikot sikot ng magiging venue bukas.

Ng makita kong lumapit s'ya sa akin ay agad kong hinila ang kanyang braso upang maupo sa akin.





"Ano ba!" singahal nya at napangiti na lang ako. Marahan kong hinalikan ang kanyang balikat paakyat sa leeg.





"Akin ka lang Chescka, ikaw at ang katawan mo akin lang."

"Ohh yes Stephen, sa'yo lang"







"Ano kayang mararamdaman ni Xander kapag nalaman nya ito?"

Tatlong taon na mula ng may mamagitan sa aming dalawa. Sa mata nilang lahat ay si Chescka at Xander, pero ang totoo kaming dalawa talaga.

Sabi nga nila mas masaya maglaro ng apoy kapag walang nakatingin, walang magsasaway at walang pupuna.

Hindi ko alam kung paano kami nauwi sa ganito. Ang alam ko lang ay mahal ko s'ya at ginamit kong oportunidad ang pagkakataon para mapasa akin sya.






"Kapag nalaman nya kalimutan na natin ang isa't-isa." madiing sabi n'ya "Alam mong hindi kita mahal at si Xander lang, kahit sabihin pang sa'yo ako ay hindi mo makukuha ang puso ko."


Marahas ko s'yang itinukak sa puno at gigil na isinandal dito.








"Kahit anong gawin mo wala ka ng magagawa, ipinagbili mo na ang kaluluwa mo sa demonyo ---ipinagbili mo na ang kaluluwa mo sa akin."











- Happy Reading ^_^


Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon