Chapter 27

2.4K 91 8
                                    

'Athena and Lance at the multimedia'

Athena P.O.V

"Ano'ng ibig sabihin nito Dad?" sigaw ko sa kanya. Nasa isa kaming private room sa rest house ni Dad dito sa Palawan, si Aphrodite naman ay nanatili lang na tahimik sa katapat na upuan.

Hindi ko pa rin maintindihan ang lahat ngayon, para kaseng ang hirap i-process.




"Ano ba'ng hindi mo maintindihan sa nangyari?" balewalang sabi n'ya. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. May kung anong lamig na bumalot sa aking puso.

Kung kausapin kami ni Dad ay parang hindi n'ya kami anak. Isang utusan, alalay, tagasunod, yun lang kami sa kanya.

Minsan ko ng pinangarap ang maranasang mahalin n'ya bilang anak pero hanggang doon na lang nga talaga, hanggang pangarap na lang.

Kasabay ng pagmulat ng aking mga mata ay ang mabilis na pagdaan ng bala sa aking harap.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Aphrodite, 'bakit n'ya ginawa yun?'





"Ano ba'ng akala mo sa amin huh? Laruan mo? Ang galing mo.. Ang galing galing mo." sigaw ni Aphrodite at lumabas ng silid. Agad ko namang inalalayan si Dad na ngayon ay may tama sa braso dahil sa ginawa ni Aphrodite.

Kumuha ako ng first aid kit sa banyo at ginamot ang braso n'ya.





"Alam mo bang ang Lolo Hermes mo din ang nagtrain sa akin para maging malakas? At hindi rin ako nagkamali na ipagkatiwala kayong dalawa sa kanya. Look at the two of you now! You're more stonger than me when I was in your age."





"Ibig pong sabihin..." hindi ko magawang tapusin ang gusto kong sabihin dahil hindi ko alam kung paano ko bibigkasin, ang hirap buuin ng mga salita na gusto kong sabihin.





"Yes, Alfred Wattson is just one of my people. Your lolo use him to be a bait for the two of you to have an opponent."







"Kung ganoon hindi totoo na isa s'yang threat sa underground. Hindi rin totoo na posibeng ipapatay nya ang pamilya natin? Ginamit lang s'ya ni Lolo para magkaroon kami ng mapage-ensayahuhan ni Aphrodite?" nanlalaki ang mga matang tanong ko.








"Sort of." simpleng sagot n'ya.

So for all those times na hina-hunt namin si Alfred Wattson, sa tuwing mangangalap kami ng impormasyon at sa tuwing gagawa kami ng hakbang ay manipulado na ang lahat. Grabe ang galing nilang magpanggap.

Matapos kong gamutin si Dad ay lumabas na ako ng silid. Nagpunta ako malapit sa dagat at tinanaw ang papalubog ng araw.

Napaka romantiko daw ng ganitong tanawin para sa mga taong nagmamahalan, pero para sa akin ay isa itong simbolo ng katapusan.

'KATAPUSAN' ng mga bagay at pangarap na pinilit mong buuin at abutin. Isang 'katapusan' na nagsasabing wala kang nagawa. Na hanggang doon na lang talaga at bukas ay may panibago na namang pagsubok na dapat kaharapin.

Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko alam kung ano pa ba ang silbi ng buhay ko. Mamamatay rin lang naman ako pero bakit kailangan ko pang mabuhay? Bakit kailangan pang sa ganitong paraan?










"Ang lalim nun ah!" napalingon ako sa likod ng marinig kong may magsalita.

Agad sumibol ang kaba sa aking dibdib at hindi ko maintindihan kung ano ba ang dapat kong gawin.











Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon