Aphrodite P.O.V
"Aalis ka ba talaga Aphrodite?" tanong sa akin ni Athena na nakupo sa tabi ng aking kama. Kasalukuyan kong inaayos ang ilang mga gamit ko sa maleta.
Kailangan kong puntahan si Tanda sa Espanya para linawin ang ilang mga bagay.
Tiningnan ko si Athena at nginitian "Babalik naman ako, isa pa kasama ko si Sean."
"I'm sorry nga pala ate, hindi ko naman alam na ganoon ang magiging reaksyon n'ya eh. Hindi ko alam na makikita n'ya yung tattoo na 'yon."
"Ano naman kung nakita n'ya 'yon? Athena wala akong magagawa para doon. Bakit ka ba nagso-sorry? Wala ka namang ginagawang masama at hindi ako galit sa'yo." niyakap ko s'ya ng makita kong tumutulo na ang mga luha sa kanyang mga mata. "sshhhh, wag kang umiyak, kapag hindi kaagad ako nakabalik hintayin mo pa rin ako huh! Alagaan mo s'ya, hindi para sa akin kundi para sa'yo."
Pinunas n'ya ang kanyang mga luha at humarap sa akin "Ate ano ba'ng sinasabi mo? Isang linggo ka lang namang mawawala diba?"
ngumiti ako sa kanya ng mapait "Hindi ko kase alam kung gaano ako katagal doon. Malay mo atakihin si Tanda, ako lang mag-aayos ng burol no'n." biro ko sa kanya.
"Naman eh~"
"Basta, iingatan n'yo ang mga sarili n'yo. Kapag nagsawa ka na sa paghihintay okay lang sa'ken na sumuko ka, hindi ako magagalit." biglang bumigat ang dibdib ko ng bitiwan ko ang mga salitang 'yon.
Parang may mga karayom na unti-unting bumabaon sa aking dibdib.
Bukod sa ako lang ang nakaka alam ay ako lang rin ang nakakaramdam ng sakit.
"Huwag ka nga ateng magsalita ng ganyan, para ka namang hindi na babalik eh."
Nagpatuloy lang ako sa pagbibilin sa kanya ng mga bagay bagay dahil maging ako ay hindi ko alam ang maaari kong kaharapin pagdating ko ng Europa.
Naputol ang aming pag uusap ng biglang may kumatok sa pintuan. Sabay kaming lumingon sa direksyon noon at nakita namin ang nahihiyang si Xander na nakasilip sa may pinto.
"Ahh nakaka-istorbo ba ako?" tanong n'ya habang nagkakamot ng batok. Bakas pa rin ang pamumula ng kanyang mga mata, marahil ay dahil sa pag-iyak.
Sobra pala talaga ang nagiging resulta ng naiidulot na sakit ng pagkabigo.
Wala na ang sigla sa kanyang mga mata, ang kanyang mga ngiti ay tipid na rin at napaka limitado. Wala na ang bakas ng kahapon n'yang saya.
"Hindi naman, tapos ka na ba?" tanong ni Athena.
"Ahh.. Oo kayo na lang ang hinihintay ko." napatango na lang ako sa isinagot n'ya.
Doon ko lang din napansin ang itim na maleta na hawak n'ya.
Sabay kaming pupunta ng airport ni Xander. Magbabakasyon daw muna s'ya sa London samantalang ako naman ay papuntang Europe.
Siguro ay dahil sa nangyari kaya s'a aalis.
Nakakalungkot isipin na sobra kung makapang wasak ng pagkatao ang pag-ibig.
Ipaparamdam n'ya sa'yo ang sandaling saya at paraiso. Ang pakiramdam na buo at kumpleto ang iyong pagkatao, pagkatapos ay sisirain ka n'ya. Ang sandaling saya na kanyang ipinahiram ay sisingalin n'ya sa iyo ng sobra. Habang buhay ka n'yang sisingilin na hindi mo na magagawa pang sumaya.
BINABASA MO ANG
Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]
Mystery / Thriller-Chasing The Gangster Princess Magsisimula pa lang ang tunay na kwento. May magbabalik, Hindi lang isa Kundi dalawa. 'Paano kung ang babaeng minahal mo ay maging dalawa?' Makikilala ba ng puso ang totoo sa nakikita ng mapanlinlang na mga mata? O kak...