Lance P.O.V
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi nya, totoo naman bakit pa ba ako magtataka?
Hindi ko alam kung makakaramdam ako ng inis, galit o kahihiyan ng marinig ko ang tawanan ng 2 grupo na kanina lang ay sumailalim sa laban sa underground. Kung laban mo nga bang matatawag dahil para lamang silang naglaro at nagpalipas oras.
Hindi seryoso ang naging laban nila ngunit ang mga manonood ay paniwalang paniwala, maging ako ay muntik na ring bumigay. Ganoon sila kagaling manlinlang.
Umupo ako sa sofa sa harap nila at isa-isa silang tiningnan si Athena naman ay umupo na din malapit sa naging pwesto ko.
"Anong ginagawa mo dito Lance?" tanong sa akin ni Athena kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.
"Gusto daw kayong makilala ni Boss." sinamaan ko ng tingin si Maximillian ng sya ang sumagot at ginantihan nya lang ako ng isang hindi kanais nais na ngiti.
"Oh talaga? Sino daw ba sa aming dalawa?" napakunot ang noo ko sa sinabi nya, 'aming dalawa???'
"Athena ano bang ingay yan?" bigla silang tumayo at nagyukod ng ulo ng makitang bumaba ng hagdan si Aphrodite.
"Empress!" sabay sabay pang sabi nila, lalo lang akong naguluhan. Sino ba talaga si Empress sa dalawa?
Hindi naman sila pinansin ni Aphrodite at nagtuloy tuloy lang sa pagbaba. Ng mapatapat sya sa akin ay blangko nya lamang akong tiningnan at muling inilipat kay Athena ang atensyon.
"Anong ginagawa nya dito?" tanong nya kay Athena bagamat alam kong ako ang tinuyukoy.
"Gusto daw tayong makilala eh" hindi na naman nagsalita si Aphrodite at tumango lamang.
"Sandli!" sabi ko ng mapansing papaalis si Aphrodite. Napalakas pa yata ang pagkakasabi ko dahil lahat sila ngayon ay sa akin nakatingin.
" Bakit Empress ang tawag nila sa'yo hindi ba't si Athena si Empress?" tanong ko at itinuro pa si Athena.
"HAHAHA!!! Paano mo naman nasabing ako?" tumatawang tanong ni Athena kaya naman pakiramdam ko ay napaka inutil ko ngayon, nanliliit ako sa kanila at hindi ko alam kung saan ba ako dapat lumugar.
Naduduwag ako dahil iniisip ko ngayon na sana pala ay isinama ko si Xander, ganoon ang epekto nila sa akin.
"Alam mo Lance sumigaw lang si Max na 'Empress may bisita ka!" at nauna lang akong bumaba pero wala akong sinabi na ako si Empress, Isa pa nakita mo ba silang nagyukod ng ako ang dumating?" sarkastikong sabi ni Athena si Mmax naman ay tumatango tango lang,
"Eh bakit ka nga nandito?" tanong sa akin ni Aphrodite kaya muling napunta sa kanya ang atensyon ko, iba ang aura nya nagayon seryoso sya bagaman walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha, hindi gaanong malamig ang kanyang boses pero talagang nakakakilabot.
"Gusto nga daw kayong makilala boss" nakangising sabi ni Mia.
"Oh e bakit hindi ka pa umaalis ngayong kilala mo na kami?" sarkastiko nyang sabi. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang, hindi ako welcome sa lugar nila.
"Kung ganoon ay kayong dalawa ang boss nila?" parang tangang tanong ko, nasa harap ko na at obvious na obvious ang sagot ay itinanong ko pa.
"HINDI"
"huh???"
"Ang 'Alpha Black Stone' ay sa akin at kay Athena naman ang 'Lion Knight Armor' ngayong alam mo na may tanong ka pa?" nabigla ako ng si Aphrodite ang sumagot,ang inaasahan ko ay si Athena ang syang sasagot sa akin.
Aphrodite P.O.V
"Kamusta ang training nyo?" tanong ko sa kanila ng makaalis na si Lance.
Para syang tanga na may pasama sama pa sa ABS at LKA para lang malaman kung sino ba ang boss nila. Ano naman ang pakeelam nya doon?
"Maayos naman po Empress, sa tingin ko ay mas maganda pa din kapag walang nanunuod dahil mas naipapakita namin ang tunay naming kakayahan, kumapara kanina sa underground na kontrolado ang bawat kilos namin sa isa't isa." tinanguan ko lang si Max sa sinabi nya, totoo naman na mas magaling sila kapag sila-sila lang pero ang kailangan nilang matutunan ay ang pagkontrol sa kakayahan nila at sa tingin ko ay tama lang ang nangyari kanina.
"Kaya ko kayo pinagte-training ng mabuti ay dahil isasama ko kayo sa mission namin. Hindi ko maintindihan kay tanda kung bakit kailangan pa kayong isama." sabi ko sa kanila. Napailing na lamang ako ng maalala ko ang sinabi ni Tanda ng tumawag sya sa akin.
Magsama daw ako ng 2 grupo ng mga gangster para maging back up at makatulong namin sa mission. Hindi naman na iyon kailangan pero masyado syang mapilit.
"pffttt... Lord Hermes will surely curse you to death kapag narinig nya ang tawag mo sa kanya. tumatawang sabi ni Mia.
"shut up! Jeremiah"
"Guys kailangan na nating bumalik sa headquarters walang kasama si Kaycee" agad na sabi ni Max ng bumalik sya sa loob matapos sagutin ang tawag sa kanyang cellphone.
"Oh Maximillian tinamaan ka?" nakangisi kong tanong sa kanya at narinig ko naman ang tawanan ng mga kaibigan nya.
"Mauna na kami Empress" lalo lang akong natawa sa sinagot nya.
"Athena mauuna na akong umuwi sa'yo sa mansyon." pamamaalam ko kay Athena na ngayon ay nasa banyo pa at naliligo.
"Hintayin mo na ako, mabikis lang akong maligo." sigaw nya sa loob ng banyo.
"May dadaanan pa ako, gabi na rin."
"sige na! huwag mo na ang i-lock ang gate."
Habang naglalakad ako papalabas ng subdivision ay agad akong napangiti. Kanina ko pang hinihintay na mapatapat kami sa wala masyadong tao at hindi kapansin pansin na tabi.
Sandali akong huminto at nagbuntong hininga bago sinipa ang pader sa aking tabi at sinugod ang babaeng kanina pang sumusunod sa akin.
"Aa-aacckk, bitiwan mo ako" nanghihinang sabi nya ng lalo ko pang higpitan ang pagkakasakal sa kanya.
"Bakit mo ako sinusundan huh Franchescka?" tanong ko sa kanya.
"Wa-ala napadaan lang ako, a-ackkk bitiwan mo ako, nasa-asakal ako." pinindot ko ang pressure point sa kanyang may pulso bago ko sya pinakawalan.
"Anong ginawa mo sa'ken? Bakit di ko maigalaw ang kamay ko?" nanlalaki ang mga tanong nya sa akin.
Ngumiti lang ako bago ko sya tinalikuran
"Ang ahas gumagapang ng walang kamay at paa, nakakapagtaka lang na naiiba ka eh ahas ka rin naman na tulad nila." sabi ko pa at iniwan syang nagiisa.
Ilang minuto lang ay alam kong babalik na sa dati ang kamay nya.
Wala naman akong dadaanan pa, sinabi ko lang iyon kay Athena dahil kanina ko pang napapansin na nagmamanman ang babaeng yun.
Hindi ko na sya pinilit pang magsalita kahit sabihin pa ng iba na 'Ang isda nahuhuli sa sariling bibig' dahil hindi naman iyon isda.
Bukod sa pagiging ahas ay isa syang hipon.
Happy Reading ^_^
Todo plug lang kahit wala pa eh no? Yan may ilang hint at clue na sa chapter na ito para sa next story na 'Angel's Hell University'
Kilala nyo na din ang ilang maagiging character.
Naguguluhan na ba kayo? ako din gulo gulo na ang isip ko. hihi ^_^
Add me on facebook: https://www.facebook.com/kimangelica.romero.5
follow me on Instagram: @Khimmythelostbaeby
follow me on twitter: @WTF_Kimangelica
BINABASA MO ANG
Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]
Mystery / Thriller-Chasing The Gangster Princess Magsisimula pa lang ang tunay na kwento. May magbabalik, Hindi lang isa Kundi dalawa. 'Paano kung ang babaeng minahal mo ay maging dalawa?' Makikilala ba ng puso ang totoo sa nakikita ng mapanlinlang na mga mata? O kak...