Chapter 4

3.7K 161 1
                                    

Lance P.O.V

Patuloy lang ako sa paglalakad sa corridor ng walang tiyak na destinasyon, hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling isipan ang mga paa ko o talagang wala lang ako sa huwisyo ngayob?


Diretso lang akong naglalakad sa pasilyo kasabay ng paglalakbay ng aking isipan, ng marating ko ang may parteng dulo ng aming paaralan ay huminto rin naman ako,




Bakit nga ba ako nandito?

Ano bang dahilan?

Saan ba ako dapat pupunta?


-Hindi ko alam, Ewan.


Napagpasyahan ko na lamang na pumunta sa rooftop upang doon magpahangin, baka doon ay magawa kong huminga ng walang sumasakal sa akin,


Habang tinatahak ko ang hagdan pataas ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba, Isinawalang bahala ko na lamang iyon at tumuloy na ako sa paghakbang.


Ilang metro ba ang layo ko sa mga boses na nagtatalo at rinig na rinig ko sila?



"Please, stop nasasaktan na ako."

"Diba sabi ko pumunta ka sa kwarto ko kagabi?"

"Im sorry... Si ahh--"

"Tigilan mo ko sa mga dahilan mo, sinabi ko na sayo noon kahit anong gawin mo hindi ka magiging sya, Kahit kailan hindi ka magiging masaya."

"No, Its not true, naging tahimik ang buhay ko ng mawala sya."

"Talaga??? Masaya ka na nyan?"

"Tama na, ahh..--"




Kaagad napakunot ang noo ko, Ano bang pinaguusapan nila? Hindi ko sila nakikita pero kilala ko ang mga boses nila


Isinawalang bahala ko na lamang ang mga narinig ko at muli na akong bumaba, gusto kong makaramdam ng kapayapaan pero kahit saang lugar ako magpunta ay hindi maiwasan na may maganap na ingay.



Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa harap nya, sa harap ng puntod nya, nagsisindi ng kandila sa tabi ng bulaklak na dala ko.



"Nadz." mahina kong bigkas sa pangalan nya habang hinahaplos ang lapida na pinagukitan ng pangalan nya,



"Galit ka ba saken?" bagama't yun pa lang ang nasasabi ko ay sabay sabay na agad nagsipagbuhusan ang mga di maubos ubos na luha sa aking mga mata,



"Sorry kung naging duwag ako, sorrt kung nadala ako ng galit ko." muli na namang nanumbalik sa akin ang mga pangyayari ng araw na yun,



"Kung sana di kita tinalikudan, kung sana... Kung sana..." hindi ko na naman napigilan na muling sisihin ang sarili ko.


Sya ang pinakatama at mali na naging desisyon ko,

"Oh, pumupunta ka pa pala dito, Akala ko'y tuluyan ka ng nawalan ng pakeelam." kaagad kong pinunasan ang aking mga luha at blankong humarap sa kanya,


Napatingin naman ako sa pulang rosas na dala-dala nya, sya pala yung palaging bumibisita kay Nadz,


"Wala ka na don'g pakeelam." kaagad na akong tumayo at nagpaalam kay Nadz, ayoko sa lugar na may presensya ng isang Shean Inigo Min, Wala namang nangyaring alitan sa pagitan namin, pero alam ko, galit sya saken at ako ang sinisisi nya,


"Minsan kailangang magpanggap para sa mga bagay na gusto mong maganap." sabi pa nya habang nakatalikod ako at naglalakad papalayo sa kanya


Puno na ng katanungan ang isip ko at ayoko ng dagdagan pa, may mga bagay na di mo na dapat pa binibigyan ng pansin,


Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng magring ito,


"Hello!"


"Mamaya ay may flight ka papuntang barcelona, may urgent meeting doon at ikaw ang magiging representative ng association." bagamat hindi ko alam kung tungkol saan ang maaaring pagmeetingan ay hindi ko na nagawa pang magtanong, mamaya naman ay malalaman ko rin.


Ibinaba ko na lamang ang tawag at dumiretso na lang ako sa headquarters, kung saan kami tumutuloy upang magayos ng gamit ko para mamaya.







Goodmorning guys!!! Pahabol na update, haha may pasok pa ako pero nagawa ko pa ding magtype, Dagdag na update para sa twist nextweek!!!

wala man lang nagbovote o comment.

- Ingat kayo sa pagpasok.

Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon