Chapter 30

2.4K 92 4
                                    

'Aphrodite at the multimedia'



Aphrodite P.O.V

Kasalukuyan kong tinatahak ang isang mahaba, makipot at madilim na eskinita.

Wala akong makita kundi dilim, tanging ang katiyakang may daan akong tinatahak ang tangi kong nagsisilbing gabay na mayroon akong mararating na hangganan.

Tahimik ang paligid na maging ang simpleng paghakbang namin ay rinig na rinig.

Kasama ang mga tauhan ni tanda --- 'lolo' ay papasukin ko ang impyerno.

'Ang impyerno sa ibabaw ng mundo'






"Hindi ko akalain na sa inyong dalawa ay ikaw ang susuko. I'M SO DISAPPOINTED!!!" matigas ang boses na sigaw n'ya sa akin.





Kahit na sobrang bilis ng pagpintig ng puso ko ay hindi ko pa rin ipinahalatang natatakot ako.

Nanatili sa aking mukha ang isang malamig ba emosyon na titiyakin kong kahit ang apoy ay posibleng magyelo.




"Hindi ako sumuko, nagkataon lang na sa aming dalawa ay wala kang ibinigay na pagpipilian.

Nagkataon lang na sa aming dalawa ako lang ang nakakaalam." sabi ko ng may kapantay na intensidad sa kanyang mga salita.

Ganito ako, Sinanay n'ya akong maging ganitong klaseng tao --- kaya kasalanan n'ya.





"Huh! Huwag mo akong bigyan ng baluktot mong dahilan, Kung sinabi mo na kaagad sa kanya, Kung pin --- " hindi ko na s'ya nagawang patapusin dahil puno ng galit ko s'yang sinigawan.







"KUNG ANO HUH? KUNG PINATAY KO NA LANG S'YA? KUNG SANA SIMULA PA LANG TINAPOS KO NA?
KUNG SANA HINDI KO NA PINATAGAL PA?
IYON BA TANDA????
SA INYONG LAHAT SA KANYA LANG AKO NAKARAMDAM NG TINATAWAG NILANG PAMILYA.
AT TANG*NA MO KUNG NASASABI MO YAN?" madami pa akong gustong sabihin sa kanya, marami pa akong gustong isigaw sa harap n'ya pero isa man sa kanila ay hindi ko na nagawa.

Malamig ang mga matang tinitigan ko s'ya. Ramdam ko ang mabilis na pagdaloy ng luha sa aking mga mata pero wala akong maramdamang kahit ano. Walang sakit, kirot, galit, saya o kung ano pang emosyon. Wala akong maramdaman, WALA NA.

Hinawakan ko ang pisngi ko na nilapatan ng mabibigat n'yang kamay.

Nandoon ang naghalong luha at dugo.

Dahil sa tilos ng dyamante ng suot n'yang singsing ay nagkaroon ako ng sugat pero dulat kanina, nanatili pa rin akong walang nararamdaman.





"Masaya ka ba sa buhay mo ngayon huh Tanda?" tanong ko sa kanya pero tiningnan n'ya lamang ako kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.






"Masaya ka ba sa buhay mo na nagiisa ka?"






"Masaya ka ba kahit wala kang matawag na pamilya?"





"Masaya ka ba dahil nasa'yo na halos lahat ng pera?"






"SABIHIN MO MASAYA KA BA???" sigaw ko sa kanya pero nag iwas lang s'ya ng tingin at sumenyas sa isa sa mga tauhan n'ya na nasa likod ko.





"Ikulong n'yo na s'ya, siguraduhin n'yo na hindi s'ya makakatakas." pagkabitiw n'ya ng mga salitang iyon ay agad na s'yang lumisan.

Hindi ko maintindihan kung bakit pero sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng lungkot sa naging pasya n'ya --- sa unang pagkakataon ay nasaktan ako dahil sa kanya.

Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon