Lance P.O.V
Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng halikan ako ni Aphrodite pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin lahat, nararamdaman ko pa rin ang bilis ng pagpintig ng aking dibdib, ang labi nya sa labi ko at ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ng aking sistema, may kung ano sa akin na hinahanap-hanap sya, gusto ko sya, gusto ko syang makasama...haixt!!! nababaliw na yata ako sa kanya.
"Magkano po sa puting rosas manang?" tanong ko sa ale na nagtitinda ng bulaklak,
"P 850.00 na lang sa 'yo pogi." ngumiti lang ako sa ale at tumingala sa kalangitan, bughaw na bughaw ang kulay ng langit, ngiting-ngiti ang araw at masasaya ang mga ibon na nagliliparan sa alapaap.
'Nagtataksil na ba ako sa 'yo Nadz kung hinahanap hanap ko na ang halik ng iba?' hindi ko masabi na si Nadz ang iniisip ko ng halikan nya ako, dahil alam ko sa sarili ko na hindi, nagustuhan ko yun kahit hindi iniisip ang taong mahal ko.
Bukod sa nararamdaman ko ay gumugulo din sa isip ko ang sinabi ni Aphrodite,
Nalilito ako sa mga kinikilos nya, kakaiba at ang hirap basahin.
'Gusto ko ako lang.' Ng sabihin nya yun ay para akong nahipnotismo at agad na napatango, hindi ko na naisip pa ng mga sandaling iyon ang kahulugan ng kanyang mga salita, 'ngayon lang'
Para akong napunta sa wisyo ngayon ng alalahanin ko ang nangyari tatlong araw ang nakakalipas, ginugulo nya ang isip ko at nililito nya ang puso ko sa kanyang mga kilos at salita.
"Pogi, ito na ang bulaklak mo, tapos ko ng i-arrange paniguradong matutuwa ang nobya mo dyan dahil pinili ko talaga iyong mga bagong pitas na bulaklak." nginitian ko lang ng magaan ang ale, hindi ko alam kung napansin nya ba ang lungkot ko dahil bigla na lang nawala ang ngiti nya.
"Bibisitahin ko nga po yung babaeng mahal ko, kaso patay na po sya,"
"Naku! Pasensya ka na iho huh!"
bibisitahin ko ngayon si Nadz sa sementeryo, hindi ako pinatutulog ng konsensya ko dahil pakiramdam ko nga ay nagtaksil ako,
'dahil sa simpleng halik nagkakaganito ako. leche!'
Ipi-nark ko ang kotse ko sa may guard house at nilakad ang papunta sa puntod ni Nadz,
ilang hakbang na lang ang layo ko ay agad na din akong napahinto ng makita ko ang isang bulto ng babae na matamang nakatingin sa puntod ni Nadz,
kitang kita ko ang pagbakat ng ugat sa kanyang kamay dahil sa higpit ng pagkakakuyom ng kanyang kamao,
Sa kabila ng ilang hakbang naming pagitan ay ramdam ko ang tensyon at galit na namumuo sa kanyang pagkatao
Nagbuntong hininga muna ako bago nagpasyang lumapit sa kanya ngunit laking gulat ko ng tumayo sya at naglakad papalayo,
muntikan na akong matumba dahil sa panghihina ng aking tuhod ng malinaw kong makita ang kanyang mukha,
bagamat natatakpan ng malaking salamin ang kanyang mata ay kilalang kilala ko sya,
hindi man nya ako nakita ay ramdam ko ang lakas ng epekto nya sa akin, napahawak ako sa aking labi ng muling manumbalik ang ala-ala na kanina lang sa akin ay gumugulo,
'Anong ginagawa ni Aphrodite dito sa puntod ni Nadz?'
Ng lumapit ako sa puntod ni Nadz at haplusin ang lapida nito ay naramdaman kong basa ito,
tinitigan ko pa ang kamay ko na na may ilang basa, 'luha nya ba toh?'
Athena P.O.V
BINABASA MO ANG
Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]
Mystery / Thriller-Chasing The Gangster Princess Magsisimula pa lang ang tunay na kwento. May magbabalik, Hindi lang isa Kundi dalawa. 'Paano kung ang babaeng minahal mo ay maging dalawa?' Makikilala ba ng puso ang totoo sa nakikita ng mapanlinlang na mga mata? O kak...