Chapter 40

2.8K 87 3
                                    

Chapter 40

Aphrodite/Nadz P.O.V

Maaga akong nagising. Nandoon ang naghalo halong emosyon, ang kaba; saya; at lungkot.

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Lance. Alam kong sa mga oras na ito ay alam na n'ya ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon kapag nagkausap na kami. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang nararamdaman n'ya. 'Ako pa rin ba?' pagkatapos ng lahat ng nagawa ko, 'Ako pa rin ba?' 'Mapapatawad n'ya ba ako?' Natatakot ako sa maaari n'yang maramdaman para sa akin dahil sa tagal ng panahon na nagkalayo kami, hindi imposible na may nagbago.


Masaya naman ako dahil sa naging desisyon ni lolo. Sa wakas ay pumayag na s'yang huwag ng patayin si Athena. Nasa batas na namin na dapat ay isa lamang ang magiging anak bawat henerasyon. Iyon daw kase ang susunod na magmamana ng imperyo at hindi maari na magkaroon ng hatian. Nasunod iyon bawat henerasyon ngunit ng maging kambal ang anak ni mommy at daddy ay napagdesisyunan ng council na patayin ang isa. Ang panganay na anak ang tagapagmana at ako nga ang naunang ilabas sa amin ni Athena. Maging si lolo ay iyon na rin ang naging paniniwala.

May libro silang pinaniniwalaan at bukod sa dahilan na dapat isa lamang ang tagapagmana ay nakasulat rin daw doon na ang pagkakaroon ng higit sa isang anak ay pagmumulan ng problema. Iyon daw ang ugat ng alitan at hindi pagkakaunawaan.

Kaya naniniwala ang council na ang pagkakaroon ng higit sa isang tagapagmana ay magdudulot ng gulo sa pamamahala sa imperyo. Ito raw ang sisira sa balanse ng komunidad. Bagay na higit kong tinututulan.

At sa henerasyon na sasailalim sa pamamahala ko sisiguraduhin kong mali ang lahat ng paniniwala nila.

Nalulungkot ako sa maaaring kahinatnan ng lahat. Kung saan kami dadalhin ng agos ng buhay na ito. Nalulungkot ako para sa mga pinagsamahan namin na nasira. Sa mga ala-alang mananatiling hanggang ala-ala na lamang.

Nagpasya na akong bumangon sa kama at nag-ayos na rin dahil naisip kong bisitahin si Athena. Habang nakaharap ako sa salamin ay hindi ko maiwasang mapangiti 'Ang ganda ko talaga'. Wala na doon ang mga bakas ng pahirap bagamat may ilan pa ring naiwang peklat doon ay hindi na rin gaanong halata.

Magaling at talagang high-tech ang mga kagamitan sa laboratoryo. Ang chamber na pinaglagyan sa akin ay may mga kemikal at bitamina na s'yang tumulong sa akin upang maibalik ang normal kong lakas. Nagawa rin noong pagalingin ang aking mga sugat.

Ng makontento ako sa ayos sa aking sarili ay tinahak ko na ang daan patungo sa silid na pinagdalhan kay Athena.

Nadatnan kong pinipilit ni Athena na tumayo sa kama kaya dali-dali akong lumapit sa kanya upang alalayan s'ya.



"Huwag mong pilitin, hindi pa gaanong naibabalik ang lakas sa katawan mo." sabi ko at muli s'yang inalalayan papahiga sa kanyang kama.


"Gusto kong uminom." mahina n'yang sabi kaya agad akong lumapit sa pitcher at ikinuha s'ya ng tubig.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" agad kong tanong matapos n'yang uminom.

Nginitian n'ya muna ako bago sumagot "Ok na ako. Medyo pagod lang. hehe~ nakakapagod palang matulog noh?" pagbibiro n'ya pa at hindi ko napigilan ang aking sarili, agad ko s'yang niyakap at naiyak.



"Na-miss kita" bulong ko sa tenga n'ya.

"Ikaw talaga. Syempre namiss din kita" sabi n'ya at kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay alam ko na umiiyak s'ya.




"Oo nga pala, nand'yan si Lance." sabi ko ng magbitaw kami mula sa pagkakayakap.

"Nagkita na kayo? Nagkausap na kayo?" masaya n'yang tanong at malungkot ko lang s'yang inilingan.



"Hindi ko alam kung paano ko s'ya haharapin." pag-amin ko sa kanya.


"Basta mo lang s'ya lapitan"

"Pero paano kung hindi n'ya pa ako napapatawad? Paano kung may iba na? Paano kung~ "



"sshhhhh~ ikaw lang ang nag-iisip n'yan. Kaya nga s'ya nandito kase hinanap ka n'ya. Kase gusto ka n'yang makasama."



"Pero kase paano kung hindi n'ya pa ako napapatawad? Ako yung pumatay sa mama n'ya. Ako 'yong dahilan kung bakit s'ya maagang naulila"


"Look Aphridite, ikaw 'yon at hindi s'ya. Ikaw 'yong hindi mapatawad ang sarili at hindi si Lance. Sa tingin mo ba susugal s'ya sa wala makita ka lang kung hindi ka pa n'ya napapatawad? Kung hindi n'ya pa nakakalimutan ang nakaraan?"

Sana nga ganoon ang nararamdaman ni Lance, na napatawad na talaga n'ya ako at nakalikutan na n'ya ang nakaraan.

Gusto ko s'yang makausap pero hindi ko alam kung papaano; kung papaano ko s'ya haharapin. Gusto ko s'yang makasama, pero hindi ko alam kung 'yon rin ba ang gusto n'ya.

Gusto kong magsimula muli, pero kailangan ko munang buuin ang sarili ko.


"Saan mo nga pala balak tumuloy kapag maayos ka na? Babalik ka ba ng Pilipinas?" tanong ko na lang sa kanya.


"Hmm.. Hindi ko pa alam eh, wala naman akong babalikan doon. Siguro hahanap na lang muna ako ng pwedeng maging boyfriend para hindi naman ako lonely diba? haha!!!" biro n'ya pa na sinabayan n'ya ng pagtawa kaya hindi ko na rin napigilan ang mapatawa.


"Sira ka talaga! Sa L.A at Cali madaming malanding lalaki, for sure makakakita ka dun" biro ko sa kanya.


"Ayyy!!!! Gusto ko British!"

Nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan ng biglang may nurse na pumasok.


"Goodmorning ma'am" pagbati n'ya sa amin ni Athena, at tinanguan naman namin s'ya. "The patient need to take her medecine." sabi n'ya at iniabot n'ya ang 2 tablet na nasa tray kasama ang tubig.

"Thank you!" sabi ni Athena matapos n'yang inumin 'yong gamot.

Ilang saglit lang ay nagsabi na si Athena na gusto muna n'yang matulog dahil ramdam n'ya ay inaantok s'ya. Naiintindihan ko naman 'yon dahil iyon daw 'yong side effect noong gamot na ininom n'ya.






Nag-iisa na lamang ako ngayon sa aking kwarto. Ang dami-daming tumatakbo sa aking isipan at litong-lito na ako.


Gusto ko munang buuin ang sarili ko. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari at natatakot akong harapin iyon.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama at pumunta sa closet ko. Maliit na bag lamang ang aking kinuha dahil ilang damit lamang ang dadalhin ko.



Marahas akong napabuntong hininga. HETO NA NAMAN!










Happy reading ^_^
ENJOY!!!

BTW NEXT UPDATE IS EPILOGUE :)

- KhimmythelostBaeBy

Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon