Aphrodite P.O.V
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa madilim na kwartong ito, Hindi ko na rin matukoy kung ano nga bang oras na o kung umaga pa ba o gabi na?
Tanging tubig lang ang ibinibigay nila sa akin, pag dating sa pagkain ay isang beses lang sa loob ng isang araw ako bigyan, o kung isang araw nga ba talaga dahil sa sobrang tagal ay hindi ko na matukoy kung umabot o lumapas na ng 24 hours.
Napatunghay ako ng biglang bumukas ang pintuan dahilan para mabigyan ako ng liwanag at ang kanina ko pang katanungan ay nabigyan ng kasagutan.
Tirik na tirik ang liwanag na aking natatanaw mula sa bintana.
"Maghanda ka, kailangan mong sumailalim sa paglilitis dahil sa kasalanang ginawa mo." matigas n'yang sabi at saglit na tumingin sa aking tabi.
Napatingin rin ako dun at nakita ko ang patay na ahas. Masama ko iyong tiningnan dahil naalala ko na naman ang sakit na idinulot ng kanyang kagat.
Inalalayan akong tumayo ng sa palagay ko'y isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ni Tanda. Natumba pa ako dahil sa namamaga ang kanan kong paa.
'Kasalanan ito ng pesteng ahas, kinagat ako.'
"Hindi mo man lang ba ako dadalhin sa hospital o clinic man lang?" tanong ko ng mapansin kong sa dati kong kwarto kami pupunta.
"HINDI" sagot nito na talagang ikinabigla ko.
Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatianod na lamang sa mga gusto nila.
* * * * *
Nakatali sa taas ang dalawa kong kamay habang napapaligiran ng mga kilalang assassin, mafias, yakuza, at ilang kilalang notirious killer.
Ang buong Lair ay napuno ng panauhin. Isang malaking kaganapan ang mangyayari ngayon para sa lahat.
Paano ba namang hindi 'Their Gangster Princess and the soon to be Empress of this Empire will be punished'
Ang suot kong puting sando ay paniguradong magiging pula na rin mamaya dahil sa sarili kong dugo.
Nakita ko si lolo at tinitigan ko s'ya sa kanyang mga mata. Nakapwesto s'ya sa gitna kung saan nakaaangat s'ya sa lahat.
"Tatlumpong hagupit sa likod, isang linggong walang pagkain, medisina at limitadong supply ng tubig."
Anunsyo ng isang lalaking nakasuot ng pang amerikanong damit. Napasinghap ang ilan samantalang ng marinig ko yun ay napabuntong hinga lamang ako.
Ang naunag tatlung hagupit sa aking likod ay sapat na para sabihin kong gusto ko ng bumigay.
Ramdam ko ang pagbaon ng matutulis na metal sa aking likod.
Inaasahan ko ng ganito pero hindi ko alam na sobra pala kapag nangyari na.
'Masakit'
'Mahapdi'
'Nakakamahid'
Sa ika pitong hagupit sa aking likod ay kumawala na ang mga luha sa aking mga mata.
Kung hindi lamang nakatali ang aking mga kamay ay malamang na kanina pa akong bumigay.
'Aarrrrggghhhhhhh" pigil kong ungol ng halos mapunit na ang aking likod. Nalalasahan ko na ang dugo na nagmumula sa aking mga labi dahil sa diin ng pagkakakagat ko dito.
BINABASA MO ANG
Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]
Mystery / Thriller-Chasing The Gangster Princess Magsisimula pa lang ang tunay na kwento. May magbabalik, Hindi lang isa Kundi dalawa. 'Paano kung ang babaeng minahal mo ay maging dalawa?' Makikilala ba ng puso ang totoo sa nakikita ng mapanlinlang na mga mata? O kak...