Athena P.O.V
Dinala ko sila sa school na pag-aari ni Aphrodite, sa 'Angel's Hell University' habang naglalakad ay nagyuyukod pa rin ng kanilang mga ulo ang mga estudyanteng nakakakita sa amin ngunit wala na akong panahon pa para pagtuunan sila ng pansin.
"Bakit ba tayo nandito? Akala ko ba may sasabihin ka?" puno ng pagtatakang tanong ni Lance ngunit halip na sagutin ko ang kanyang tanong ay hindi ko s'ya pinansin.
Sa loob loob ko ay nag iipon ako ng determinasyon at lakas ng loob upang maharap sila mamaya, kinakabahan ako sa maaari nilang -- niyang maging reaksyon.
Ng matapat kami sa pinto kung saan nakalagay ang note na 'Enter and your dead' ay agad na kaming huminto.
Bago ko tuluyang buksan ang pintuan ay nagbuntong hininga muna ako, dahi alam ko na sa oras na pumasok na kami sa loob ay kailangan kong sabihin sa kanila ang totoo.
Agad akong umupo sa isang single sofa at sila naman ay umupo katapat ng sa akin.
Hindi ko alam kung ako lang ba sa aming tatlo ang nakakaramdam ng tensyon, si Lance ay iginagala lamang ang paningin ng may pagtataka, nakita ko pang nakatitig s'ya sa isang portrait ni Aphrodite kung saan pulang pula ang suot nitong dress na halos magkulay dugo na. Blangko ang mga mata at wala man lang mabakas na ngiti. Ang larawan na iyon ay nandito na bago pa man kami magkita. Nasa bandang 15-16 ang edad doon ni Aphrodite ngunit ang kanyang ekspresyon ay hindi na normal, walang kulay ang kanyang pagkatao kundi pulos dilim, dilim na kinakatakutan ng lahat na kanyang kinasanayan.
Si Tyler naman ay nakatungo lamang at tila ba malalim ang iniisip, s'ya itong agresibong malaman kanina ang ilang kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan ngunit tila ba ngayon ay may puzzle s'yang binubuo na kailangang pag-isipan, na para bang nagtatagpi tagpi s'ya ng sagot sa sarili nya'ng katanungan.
"3 years ago ng muntikan akong maaksidente dahil sa pagtawid ko sa may intersection then he came, -- - I mean my dad came." panimula ko na s'yang nakaagaw sa mga atensyon nila. Hindi sila nagsalita basta lamang sila nakatingin sa akin kaya nagpatuloy ako.
"That night was the most painful part of my life. It was hell for me." unti unti ng namumuo ang mga luha sa aking mga mata kaya sandali akong huminto upang mapigilan ko ang pagtulo nito.
"My boyfriend rape me and made others believe that I have an affair with his cousin." pagkasabi ko noon ay tumingin ako kay Tyler, hindi ko na napigilan pa ang pag agos ng aking mga luha.
Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha at ang kanyang mga mata ay unti unti na ring namumula.
Ng akmang magsasalita s'ya ay agad ko na s'yang inunahan
"Hindi ko alam kung bakit n'ya nagawa yun at gusto kong malaman, hanggang ngayon nasasaktan ako dahil hindi ko matanggap na nakaya n'yang gawin
sa'kin yun. Mahal ko s'ya eh, mahal ko sya~" humahagulgol kong binitawan ang mga salitang 'yon.Totoong hanggang ngayon ay gusto kong malaman ang dahilan, na hanggang ngayon ay patuloy akong nasasaktan.
"I'm sorry Margaux!!!" biglang sabi ni Tyler at lumuhod sa harap ko.
Umiiyak s'ya at gustuhin ko mang samahan s'ya sakit ay hindi ko magawa dahil maging ako ay may sariling sakit na dinaramdam.
"DAMN!" rinig ko pang sabi ni Lance ba hindi ko alam kung kanino pinapatungkol.
"Until dad came,dinala n'ya ako sa Spain dahil sabi n'ya ay nandoon ang kapatid ko, na nandoon ang kakambal ko kaya sumama ako at isa pa wala na akong dahilan para manatilli pa rito." pagpapatuloy ko sa kwento.
"Ang ibig mong sabihin si Aphrodite si Nadz at ikaw si Margaux?" tanong ni Lance na hindi ko na sinagot dahil alam kong hindi man ako magsalita ay alam na n'ya, na sa loob ng kaunting oras ay nabuo na n'ya ang ilang mga kasagutan at pangyayari.
"Ilang buwan ang itinagal ko doon pero wala akong kakambal na nasilayan, humihinga ako pero pakiramdam ko ay hindi ako buhay. Hanggang isang araw ay dumating si Nadz --Aphrodite na walang malay, 2 buwan s'yang nacoma at ng magising s'ya at makakuha ng sapat na lakas ay nagpasya kaming kalimutan ang lahat.
Kambal naman kami kaya pinag isa namin ang aming mukha at nagpalit kami ng personalidad. Pangalan, edad, magulang at ng kung ano pa. Okay ang lahat noon hanggang sa bumalik kami dito." mariin akong pumikit at buong tapang na tinanong si Tyler.
"BAKIT NAGAWA MO SA'KIN 'YON?" hindi ko na naman napigilan ang aking mga luha. Patuloy na naman silang umaagos na para bang wala ng katapusan, kung mayroon man ay parang dagat na hindi ko matanaw ang hangganan.
"Patawarin mo ako, si Chescka ang nagsabi sa akin na gawin ko 'yon, mahal ko lang si Nadz kaya ko nagawa. I'm sorry, I'm sorry Margaux mahal ko lang talaga si Na- - " hindi na n'ya natapos pa ang kanyang sinasabi dahil sinuntok na s'ya ni Lance. Ang dugo ay agad umagos sa kanyang may bibig ngunit hindi n'ya yun ininda.
"TARANTADO KA!!! IKAW RIN BA ANG MAY KAGAGAWAN NG PAGSABOG NG BUILDING NOON KUNG NASAAN SI NADZ?" sigaw ni Lance habang kinukwelyuhan si Tyler.
"Hindi ako ang may kasalanan nun, parehas kaming nakatali noon at Chescka ang nagplano ng lahat, sinira n'ya kami, sinira n'ya tayo." Si Chescka??? gusto kong itanong kung ano ang dahilan pero wala akong mabakas na boses mula sa aking sarili.
Nakita ko na lamang ang paulit ulit na pagsuntok ni Lance sa sementong pader, kahit nagdurugo ang kanyang mga kamao ay patuloy pa rin s'ya sa pagsuntok.
Dali dali ko s'yang nilapitan at niyakap ng mahigpit. "Lance, please stop it!" pagsusumamo ko sa kanya, niyakap n'ya ako pabalik at doon umiyak sa aking balikat.
"I don't want to lost her, Not again.. Pleas not again" ramdam ko ang sakit sa bawat salitang kanyang binibitawan.
Ang swerte swerte ni Nadz -- Aphrodite dahil adami ang nagmamahal sa kanya, madaming umiiyak sa bawat pagkawala nya at madami ang nangungulila. Samantalang hindi ko man lang 'yon maramdaman.
Gustong gusto kong maranasan ang pakiramdam na ako naman ang aalagaan, na ako naman ang papahalagahan, na ako naman, na ako naman ang mamahalin.
"Sshhh... Don't worry Lance, hahanapin natin s'ya. Hahanapin natin si ate."
Ilang minuto ang lumipas at nanatili lamang kami sa ganoong sitwasyon. Nalimutan ko na rin na nandito pa si Tyler.
Ng tumayo na kami ay parang may iisang utak na nagdidikta sa amin, na kahit walang salitang mamutawi ay nagkakaintindihan kami.
Pumunta kami sa headquarters at inihanda ang ilang kagamitan, hindi namin alam kung saan namin iyon gagamitin ngunit hahanapin namin si ate.
Hindi ko alam kung ano ang tadhanang naghihitay sa amin ngunit kahit ano pa man iyon ay wala na kaming pakeelam. Ang mahalaga ay makita namin si ate.
"Happy Reading Guys ^_^"
BINABASA MO ANG
Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]
Mystery / Thriller-Chasing The Gangster Princess Magsisimula pa lang ang tunay na kwento. May magbabalik, Hindi lang isa Kundi dalawa. 'Paano kung ang babaeng minahal mo ay maging dalawa?' Makikilala ba ng puso ang totoo sa nakikita ng mapanlinlang na mga mata? O kak...