Chapter 10
Third Person P.O.V
Punong-puno ng mga estudyante ang buong corridor, nanghahaba na rin ang leeg ng ilan sa mga ito makasulyap lamang sa tampok ng usapan, Iba't ibang ekspresyon ang makikita sa mukha ng isa't isa ang iba ay puno ng paghanga, ang iba'y pagkainggit, may ilang nainsecure at karamihan ay natuwa.
Taas noong naglalakad ang kambal sa gitna ng pasilyo ng paaralan, ang mga atensyon na kanilang nakukuha ay hindi na bago kaya naman normal na ang lahat sa kanila, kahit saang lugar naman sila magpunta ay agaw atensyon na ang ganda nila, nakadaragdag na din ang pagiging kambal nila,
Ilang hakbang na lang mula sa kinaroroonan nila papunta sa kanilang classroom ng mapahinto sila dahil biglang may humarang sa daan nila,
Isang lalaking di lalayo sa edad nila na may hawak ng bulaklak ng rosas na mukhang sa garden din lamang ng paaralan nila kinuha ang nakangiting naglahad ng kamay habang iniaabot ang bulaklak sa kambal,
"Ako nga pala si Liam, kayo yung transferee diba?" presko at confident na sabi nito, Isa si Liam sa sinasabing Heartrob ng campus, kaya naman madaming babae ang nakaramdam ng inggit sa kambal, dahil ang lalakeng hanggang pantasya lang nila ay kusang lumalapit sa mga bagong salta.
tipid na ngumiti si Athena at inabot ang kamay ng lalaki, samantalang halos mapunit na ang pisnge ni Aphrodite sa pagkakangiti,
napasinghap pa ang ilan ng makita ang ngiting iyon, parang isang mahika na napasailalim sila ng spell nito, kakaibang paghanga ang agad na dumaloy sa sistema ng karamihan,
parang dyosa pang nagliliwanag ang tingin nila kay Aphrodite,
dahil sa reaksyon na yun ay walang pagaalinlangang hinawakan ni Liam ang kamay ni Aphrodite at kusang ishi-nake hands sa kanya
ng maghiwalay ang mga kamay nila ay agad na winagwag sa hangin ni Aphrodite ang kamay nyang nahawakan at walang pagaalinlangang kumuha ng sanitizer sa bag nya't diring-diring inihaplos sa sariling kamay,
laglag ang panga ng lahat at naiwan silang tulala, walang makapaniwala sa mga nangyari at parang hindi pa tapos magproseso ang lahat ng naganap.
maging ang grupo nina Lance na isa sa nakasaksi sa naganap ay hindi rin makapaniwala, kaniya kanya sila reaksyon at bawat isa'y may sariling naglalaro sa isipan.
"whhooaahhh!!!" komento ni Stephen dahil maging sya'y wala ring masabi.
"snob!"
Iling na lamang ang naitugon ni Lance at sinundan ang kambal,
"NADZ!!!" sigaw nya sa dalawa pero walang lumingon, parang binging walang naririnig na nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad,
"BLACK!!!"
"RED!!!"
sigaw nya pang muli, ngunit sa pagkakataong ito ay nakaangat na ang mga paa nya sa sahig at may sumasakal na sa kanya sa kuwelyo,
"DON'T YOU EVER DARE TO CALL US AGAIN THAT WAY, WE'RE NOT RED AND BLACK WHEN WE'RE OUTSIDE" simple lang ang mensahe pero ang paraan ng pagkakabitiw ng bawat salita ay napakadiin, napakabagal na para bang talagang isinasaksak sa kanyang isipan upang hindi nya kailanman malimutan,
marahang pagtango lamang ang kanyang nagawa bago sya bitawan ni Aphrodite, tulad ng ginawa nya kanina ay agad syang naglagay ng sanitizer,
ng muling magtama ang kanilang mga mata ay iba na ang ekspresyon nito,
sunod-sunod na paglunok ang kanyang ginawa ng makitang nakangiti na ang kaharap, wala na ang bakas ng babaeng nagbigay sa kanya ng kaba at nagpatuliro sa kanyang sistema,
BINABASA MO ANG
Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]
Tajemnica / Thriller-Chasing The Gangster Princess Magsisimula pa lang ang tunay na kwento. May magbabalik, Hindi lang isa Kundi dalawa. 'Paano kung ang babaeng minahal mo ay maging dalawa?' Makikilala ba ng puso ang totoo sa nakikita ng mapanlinlang na mga mata? O kak...