Third Person P.O.V
"Athena, Ako na bahala kay Andrew Vasquez huh! Ikaw na yung sa Barcelona." sabi ni Aphrodite habang nakaharap sa salamin at inaayos ang sarili, naghahanda na kase silang kambal para sa mission nila ngayong gabu, 3oras mula ngayon,
Nanatili namang nakasimangot si Athena habang isinusuot ang boots nya, hindi man lang nya nagawang tapunan ng tingin ang nagsalitang kakambal,
Nagtatampo kase ito sa naging desisyon ng kakambal, Napakatigas talaga ng ulo
"Ui, Ano na?" pukaw pa ni Aphrodite ng hindi man lang ito tumugon sa kanya
"Eih gusto ko magkasama tayo eih."
"Hindi nga pwede, mahahalata tayo ni tanda."
"Kaines naman eih.." sabi pa ni Athena habang padabog na isinara ang pinto. Umiling iling na lang si Aphrodite, alam naman kase nya ang dahilan kung bakit gusto ng kakambal nya na magkasama sila, gusto lamang nito na protektahan sya samantalang malaki na sya at kaya ng protektahan ang sarili,
Kaya nga sya palaging kumikilos ng magisa at palaging sumusuway sa utos para lamang mapatunayan sa lolo at kapatid nya na kaya nya.
Hindi na lamang pinansin pa ni Aphrodite si Athena at umalis na din sya,
Kaagad naman syang nagtungo sa hotel na pagkikitaan nila ni Andrew Vasquez,
Isang anak ng kilalang pamilya si Andrew Vasquez na hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na may gusto ito sa kanya.
Lumipas ang 30minuto ngunit ni anino ay walang Andrew Vasquez na nagpaparamdan
"Ako itong babae, pero ako pa ang pinaghihintay.. Mamatay na sya." reklamo ni Aphrodite at nagpasya ng umalis,
kaagad naman nyang idinial ang number ni Athena at hindi naman sya nabigo ng sagutin ng kakambal ang telepono
Sa kabilang banda ay hindi magkamayaw si Athena sa pagmamadaling matapos ang mission nya, patayin ang apo ng isang kilalang yakuza sa Japan ang naging mission nya, hindi naman naging mahirap kay Athena ang naging laban, masyado lang talaga silang mararami kaya natagalan sya,
Ng matapos ang mission ay dumiretso na sya sa isang hotel and restaurant
Habang naghihintay ng order ay inilinga linga nya muna ang kanyang ulo upang igala ang kanyang paningin
Halos mabato sya sa kinauupuan nya ng makita nya ang isang lalaki na aburido sa di kalayuan
Hindi nya maipaliwanag kung ano nga ba yung tila paru-paro sa kanyang tiyan
Sa unang pagkakataon ay bumilis ang tibok ng kanyang puso
"Here's your order ma'm" sabi ng waiter na para namang hindi narinig ni Athena dahil hindi na nawaglit pa ang paningin nya sa lalaki, hindi nya maipaliwanag kung bakit pero pakiramdam nya ay nasa ulap sya ng mga oras na yun.
"Ma'm excuse me but here's your order madam" ulit pa nung waiter na nagpabalik naman sa katinuan kay Athena, akmang aalis na yung waiter ng pigilan ito ni Athena sa pamamagitan ng paghila sa laylayan ng damit nito
"Excuse me, but do you know his name." sabay turo sa kinaroroonan nung lalaki na hanggang ngayon ay kunot na kunot pa rin ang noo.
"Im sorry, but I dont know him madam." magalang na sagot nung waiter bago ito umalis ng tuluyan.
Susubo na sana sya ng pagkain ng biglang mag-ring ang phone nya, nakita nya ang caller id ni Aphrodite kaya naman walang pagaalinlangan nyang sinagot ang tawag
BINABASA MO ANG
Chasing The Gangster Princess [TCQIAGP 2]
Mystery / Thriller-Chasing The Gangster Princess Magsisimula pa lang ang tunay na kwento. May magbabalik, Hindi lang isa Kundi dalawa. 'Paano kung ang babaeng minahal mo ay maging dalawa?' Makikilala ba ng puso ang totoo sa nakikita ng mapanlinlang na mga mata? O kak...