Chapter 10

3.2K 94 2
                                    

  "S-STOP IT, a-ano ba?!" Natatarantang tinukod ni Jecka ang mga kamay sa dibdib ng binata upang magkaroon sila ng distansiya.

"What if ayoko? Anong gagawin mo?" Lalong nanunukso si Brent at tila balewala ang mga kamay ni Jecka na nakaharang.

Nasa ganoong posisyon sila ng deretsong pumasok si Pinky sa kusina. Nagulat ito sa napasukan kaya hindi nito napigilang magsalita.

"Oops! Sorry! Akala ko walang tao." Biglang bulalas nito at pilyang napangiti.

Parang nais maglaho ni Jecka sa sobrang hiya. Hindi nya malaman kung anong isasagot at gagawin. Kabaliktaran naman ni Brent na nakangiting bumaling kay Pinky.

"Wrong timing ka."Aniya at kumindat sa dalaga.

Impit naman na tinakpan ni Pinky ang bibig, dahil sa pagpipigil ng kilig.

"Sige, alis na ako. Girl, don't worry wala akong nakita." Panunudyo nito at nagmamadaling Umalis.

Lalo namang nakaramdam ng panliliit si Jecka. Kaya may pagmamadaling tinulak niya ang binata, upang makaalis siya buhat sa pagkaka-kulong ng mga bisig nito.

Pilyong napapangiti nalang si Brent habang sinusundan ng tingin ang dalaga.

Nang makabalik sa garden ay tila kakaiba ang mga tingin sa kaniya ng mga kaibigan, ngunit pinili niyang maging kaswal. Hindi nagtagal ay lumitaw na rin si Brent. Mga mapanudyong tingin naman ang natanggap ng binata mula kina Uno, Miko at Ferdz.

Nang gabing ding iyon, ay napapayag siya ni Berry na magpose para sa society magazine. Hindi siya tinigilan nito hangga't hindi siya pumapayag.
...

MABILIS NA nasa-iayos ang mga kinakailangan upang mainterview at ma-ischedule ang pictorial na gagawin ni Jecka. Dahil summer ang theme ng naturang magazine, kinakailangang sa isang beach ito kunan.

"Grabe mama! Sobrang aligaga ang beauty mo, imagine kaliwa't kanan ang offer sa'yo?" Ani ni Arida, habang nasa flower shop sila.

Kasalukuyan kasi niyang inaayos ang mga dapat gawin ni Arida, dahil magiging busy na naman siya. Laking pasalamat talaga niya dito dahil maayos nitong napapamahalaan ang business niya.

"Last ko na itong sa society magazine, tpos stop na talaga sa mga offer. Hindi ko naman ito linya, nagkakataon lang talaga." Aniya sa assistant.

"Lalong dumami ang mga client natin, mama. Malaking tulong sa promotion 'yong nangyayari sa'yo." Dagdag pa nito.

Kibit balikat lang ang dalaga sa sinabi ni Arida.

Maya-maya ay kumatok ang secretary niya. Nagtataka siya kung bakit may dala itong isang arranged basket ng mga daffodils na bulaklak.

"Ma'am, delivery po para sa'yo." Nakangiting wika nito at inilapag sa harap niya ang basket.

"Delivery? Para sa'kin?" Kunot nuong kinuha niya ang card at binasa.

'Have a wonderful day ahead. Brent.'

Parang pumitik ang ugat sa puso niya matapos malaman kung sino ang nagpadala ng mga paborito niyang bulaklak.

"Si sir Brent po mismo ang nagpunta dito at nagpa-arranged ng mga iyan ma'm." Kinikilig kilig pang wika nito.

"Wow! Ang bongga! Alam niya ang favorite flower's mo mama." Nanunuksong tumingin si Arida sa kaniya.

Nagtaka din ang dalaga kung bakit nito alam na daffodils ang paborito niyang bulaklak.

"Ay naku, bumalik na kayo sa mga trabaho niyo, baka nagkataon lang na daffodils din ang gusto niya." Balewalang sagot ni Jecka.

"Ay mama, laging roses and tulips ang ino-order ni sir dito sa pagkaka-tanda ko" Dagdag pa ni Arida.

Umiiling-iling lang na sinulyapan ni Jecka ang mga bulaklak, humahalimuyak ang bango nito.

"I almost forget mama, may nagpuntang babae dito, yesterday hinahanap ka. Medyo may edad na rin." Ani nh Arida.

"Sino daw siya? Anong kailagan niya?" Aniya habang tinutuon ang pansin sa mga hawak ng papeles.

"Hindi niya sinabi eh, basta ask lang siya kung nandito ka. Sabi ko naman naka-leave ka pa dito."

"Next time, tanungin mo muna kung sino okay?"

"Okay, copy." Anito at nag-wave pa ng kamay bago lumabas.

Hindi na niya pinag aksayahang isipin kung sino ang babaing naghahanap sa kaniya.

...

LUMIPAS PA ANG dalawang araw at tinawagan ni Berry si Jecka, upang ipaalam ang schedule ng gaganaping pictorial.

"LORENZO's ISLAND AND RESORTS?" Kunot nuong ulit ni Jecka pagkarinig sa sinabi ni Berry.

"Yup,girl sa resort ni Brent ang location. Accessable ang place, maganda at fit din sa theme ng summer." Anito.

Biglang napaisip si Jecka, posible kayang magkita sila ng malimit ni Brent? Paano siya iiwas?

"At saka magce-celebrate ang resort ng annivesarry, tamang-tama at mag bonding uli tayo doon. Alam niyo namang memorable sa'kin ang place na iyon." Masiglang dagdag ni Berry.

"Okay, sige see you in two days." Pilit na pinasigla din ni Jecka ang tinig. Kahit nag aalangan siya.

...

PALAKAD-LAKAD si Brent sa loob ng opisina niya, nagdidiwang ang puso niya dahil natanggap na niya ang conformation na sa resort niya gaganapin ang pictorial ng summer issue ng society magazine. Alam niyang kasama si Jecka doon. Isa pa ay pinaghahandaan din niya ang gaganaping anniversarry ng resort.

Habang si Jecka naman ay nakatitig sa mga bulaklak na nasa harapan niya.
Lumipas ang maghapon at pilit na inaagaw ng mga katanungan ang kaniyang isip. Nasa malalim siyang pagmumuni-muni ng tumunog ang cellphone niya.

CALLING BRENT...

Ilang sandali pa muna ang pinalipas niya bago sagutin ang tawag.

"Did you like na flower's?" Tanong ng swabeng tinig nito.

"Anong pakulo mo at may pabigay-bigay ka pa ng bulaklak?" Mataray na tugon niya.

" Let say, it's my way of saying thank you, sa pagpapatuloy mo sa'kin when i'm drunk." Naaliw na sagot ng binata.

"Thank you. So okay na? Kung wala ka ng sasabihin pwede bang putulin na natin ang pag uusap na 'to." Malamig pa ring wika niya.

"Masyado ka namang nagmamadali. I just wanted to hear your voice." Anito.

"Huh! Are you kidding? Bakit hindi mo tawagan 'yong singer mong girlfriend? Mas maganda boses noon kaya nga naging singer diba?" Pakli niya sa sinabi nito.

Isang magaan na tawa ang pinakawalan ni Brent sa kabilang linya.

" I like your sense of humor. But, hindi kasi para sa'kin ang maganda niyang boses. Kaya pinaubaya ko na siya sa mga fans niya. We're just broke up more than a week."

Bahagyang natigilan si Jecka sa narinig. Pagkaraa'y muli siyang nagsalita.

"Hey, who's asking? Hindi ko tinatanong. Pero tsk, pity you my dear attorney Lorenzo, naiwan ka na naman ng isang famous." Aniya at nilakapan ng mapang uyam na tinig.

"I'm just saying my dear miss. Suarez. And contrarty to your opinion, ako ang nang iiwan sa kanila." Naaliw si Brent sa tinatakbo ng usapan nila ng dalaga. Kahit pa nag uuyam ang mga salita nito.

"Oh, grabe hindi ka talagang mayabang. Anyway, this conversation is really consuming my precious time. Goodbye." Matalas na sagot niya.

" Ayaw mo talaga akong kausap, but i really enjoy taking with you. And hindi ko pala ma-ipapangako na hindi tayo magkikita at mag uusap sa darating mga araw. Bye my dear." Masaya at makahulugang wika ni Brent, bago tuluyang nawala sa linya.

Napapatulalang binaba ni Jecka ang hawak ng cellphone.

"Anong 'my dear?!' Kapal ng mukha!" Aniya ng matauhan sa narinig.

Ngayon pa lang ay tila kinakabahan na siya sa maaring maganap sa kanila sa pictorial ng resort nito.

Hindi niya alam na ang pangalawang 'plano' ay magaganap sa pagtatagpo nila sa paraisong resort..  

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon