Chapter 11

3.2K 92 1
                                    

  "GWEL, DADAAN MUNA ako sa petal's, may kukunin lang ako." Ani ni Jecka kay Gwel habang nagmamaneho ito.

"Walang problema, Aj. Kahit ano susundin ko, remember sabit lang ako sa lakad mo." Nakangiting baling nito sa dalaga.

"Ano ka ba 'wag mo ngang sabihin yan, kaya kita sinama para makapag-enjoy ka din. Maganda kasi doon, tiyak magugustuhan mo." Sagot ng dalaga.

Ngayon kasi ang tungo ni Jecka papuntang batangas, sa resort ni Brent kung saan gaganapin ang pictorial. Naisip niyang isama si Gwel upang makapag-enjoy din ito habang nandito pa sa pilipinas.

"I'm really excited." Halatang hindi na ito makapag hintay.

"Tiyak na lalo kang ma-excite pag nakita mo na 'yong place." Nakangiting dagdag ni Jecka.

Ilang sandali pa ay narating nila ang flower shop. Pag pasok pa lang ng dalaga ay sinalubong na siya ni Arida. Kasunod din niya si Gwel.

"Mama, tamang-tama at nandito 'yong babaing naghahanap sa'yo noong nakaraan. Mabuti nalang tumawag ka, kaya sabi ko antayin ka nalang." Ani ni Arida.

"Nasaan ba siya?" Takang tanong ng dalaga.

"Nasa waiting area." Turo nito.

Agad na pumunta si Jecka sa waiting area ng shop. Nakatalikod ang babae at nakatingin ito sa mga display niya sa estante, hindi makita ng dalaga ang mukha nito. Kaya't nilapitan nalang niya.

"Yes, hinahanap mo daw po ako..." Magalang na bati niya ngunit hindi na napatapos ng dalaga ang sasabihin ng humarap ang naturang babae.

"J-jecka." Garalgal na tinig nito.

Agad napalis ang ngiting nakapaskil sa labi niya ng mapagtanto kung sino ang naghahanap sa kaniya. Tila umahon ang inis at galit sa dibdib niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Kasing lamig ng yelo ang tinig niya.

"A-anak pwede ba tayo mag usap? Kahit sandali lang?" Pakiusap ni Carmela sa anak. Gustong-gusto na niya itong sugurin ng yakap, ngunit nag aalangan siya.

"Wala kang anak dito, kaya 'wag mo akong tawaging 'anak'. Matagal ng patay ang mga tinuring kong magulang. At ulila na ako sa pagkakaalam ko." Matigas na pahayag ng dalaga.

"Parang awa mo na, Jecka. Kahit saglit lang." Anito at nangingilid na ang luha.

Mapait na umiling ang dalaga.

"Wala akong panahon, bumalik kana sa pinanggalingan mo." Pagpihit niya palabas ay nakatingin at nakikinig pala sina Arida at Gwel.

Halatang nagulat din ang mga ito.

"Let's go Gwel." Kaswal na wika niya sa binata.

"Pero Jecka.." Nag aalangan na napatingin ito sa ginang na tumutulo na ang luha.

"I said let's go." Mariin na pagkaka bigkas ng dalaga.

Wala nagawa si Gwel at sumunod nalang kay Jecka na malalaki ang hakbang papalabas.

Habang nasa sasakyan ay walang kibo ang dalaga. Tinuon nya ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Napansin naman ni Gwel ang walang kibo ni Jecka, ayaw naman niyang mag usisa kaya hinayaan na lamang niya ito. Base sa nakita at mga narinig niya tiyak na malalim ang pinaghuhugutan nito.

...

SAMANTALA, sa resort ay nauna na ang ibang mga modelo, pati na rin ang buong team ng society magazine na mag-sasagawa ng shoot-pictorial. Bawat modelo ay may kanya-kaniyang cottage room. Pati na ang nakalaan na tutuluyang cottage ni Jecka. Sinadyang malapit sa cottage na personal ni Brent, dahil iyon talaga ang inilaan ng staff niya. At syempre pa dahil na rin sa instruction ng binata.

"Wow! This is paradise!" Bulalas ni Gwel ng matanaw ang dagat ng resort. Animo'y kristal ang mga pinong puting buhangin.

"See? Maganda diba? Marami ding available na water activity dito." Ani ni Jecka na bahaya ng nakangiti.

Bago tuluyang pumasok ay hinawakan ni Gwel ang isang kamay ng dalaga.

"I don't know what you are going through right now, but please try to smile often." Anito at masuyong hinaplos ang makinis niyang pisngi.

Parang gustong pumatak ng luha ni Jecka, ngunit pinipigil niya, bagkus ay ngumiti nalang siya.

"Thank you, Gwel. Hindi pa ako handang pag usapan ang tungkol sa kaniya. Pero salamat sa pang unawa." Aniya at saka yumakap sa binata.

Lingid sa kaalaman nila kanina pa nakamasid ang tila nagliliyab nang pares ng mga mata. Kuyom ang mga kamao at nais nang hilahin ni Brent si Jecka. Inaabangan pa naman niya ang pagdating nito, pero siya ang na-sorpresa dahil hindi ito mag-isa. Kasama nito si Gwel. Kitang-kita niya paano maglambingan ang dalawa. Tila nais sumabog ng dibdib niya sa panibugho. Pagkaraa'y madilim ang mukhang tumalikod papalayo si Brent.

...

DAHIL maraming turista at ilang araw nalang ay anibersaryo na ng resort, madaling napuno ang mga umuukopa sa cottage. Nahirapan sina Gwel na kumuha ng sarili niyang cottage.

"Miss. Jecka pasensiya na po talaga kasi naka-reserved na po talaga lahat ng room's." Ani ng receptionist kay Jecka.

"May problema ba?" Wika ng isang tinig.

Halos sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig.

Kaswal na tiningnan ni Jecka ang binata. Napaka-fresh nitong tingnan sa suot na walking shorts at body fit na t-shirt.

"Pare, nice to see you again." Bati ni Gwel at inabot ang palad sa binata.

"Nandito ka din pala, pare." Aniya at tinanggap ang pakiki pag kamay nito.

"Hindi siya makakuha ng available room." Sabat ni Jecka.

Ngumiti si Brent sa kaniya at nagwika.

"Punuan kasi ngayon, pero don't worry pwede naman siyang maki-share kina Miko at Ferdz. Bukas ay nandito na din sila for annivesary."

"Ay salamat naman. Akala ko mapupurnada pa 'yong bakasyon ko dito." Relieved na wika ni Gwel.

"Ipapahatid ko nalang siya sa cottage." Dagdag pa ng binata.

"Salamat." Kaswal pa rin na tinig ng dalaga.

Dumating ang mag-aassist kay Gwel upang ihatid na ito sa naturang kwarto.

"See you later, Aj. Rest muna tayo then later sabay na tayong mag lunch ha? Tiyak bukas busy ka na." Paalam ni Gwel kay Jecka.

Hindi naman nakaligtas kay Brent ang mga titig nito sa dalaga.

Isang ngiti lang ang naging sagot ng dalaga.

"Mauna na rin ako." Baling ni Jecka kay Brent.

"Ihahatid na kita." Ani ng binata.

"I can manage. Para namang hindi ako nagpabalik-balik dito noon. " Malamig na turan niya at tumalikod na.

Ang buong akala ng dalaga ay hindi na ito mangungulit, ngunit ng nasa hallway na siya patungo sa nakalaang cottage niya ay bigla nitong hinawakan siya sa braso.

"Ano ka ba? Hindi ka ba makaintindi?" Gigil na pakli niya sa binata.

"I told you Jecka, hindi ko maipapangakong lulubayan kita. Bakit ba masyado kang aloof sa'kin? Natatakot ka ba sa maaring mangyari pag dumikit ako sa'yo?" Anas nito at inilapit pa mukha sa mukha niya.

Naniningkit ang mga matang nagsalita ang dalaga.

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Brent. Parang hindi ikaw 'yong dating Brent na nakilala ko. Ikaw ang hindi makatanggap sa sarili mo na ang isang dating naghahangad na mapansin mo ang babalewala sa'yo ngayon." Matapang na sinalubong ng dalaga ang masuyong mga titig nito.

"Mali ka jecka, maling-mali. Dahil ang gusto ko lang ay maibalik ang dating pagkakaibigan natin, kung nakinig at pinagbigyan mo lang akong masabi ang lahat, hindi tayo hahantong sa ganito." Ani ni Brent at marahang tinanggal ang pagkaka-hawak sa braso niya.

"Kung wala ka nang sasabihin pa, gusto ko nang magpahinga." Akmang hahakbang na siya palayo ng nilapitan sila ng dalawang entertainment press.

"Mr. Brent Lorenzo! Finally, na-spotan din namin ang kagwapuhan mo." Wika ng baklang reporter.

Namukhaan agad ni Jecka ang naturang reporter dahil sikat din itong taga hatid ng mga kaganapan sa mga natatanging personalidad. Isa din ito sa mga nag-interview sa kaniya noong gabi ng fashion show ng adam's.

Dahil marami ang mga kilalang personalidad ang nasa resort ngayon kaya din ito nandoon. At may mga popular na sexy actress ang kasama sa pictorial ng naturang magazine, kaya hindi nakapagtatakang nagkalat din ang mga entertainment press.

"Oh hi miss. Jecka." Bati ni Miles.

Nakangiting tumango naman ang dalaga.

"Magka-kilala pala kayo?" Anito at nagpalitan ng tingin sa kaniya.

"Oh, yes kasi common friend namin si Berry Monreal." Sagot naman ni Brent.

"Oh i see. Wait baka pwede namin makuha ang reaksyon mo about the rumors between you and Sofia Lee? Ayon sa kaniya you're just friends? How true is it?" Tanong nito.

Nais na sanang tumalilis ng dalaga, dahil wala naman siyang kinalaman doon, ngunit naramdaman niya ang Pag hapit ni Brent sa beywang niya. Nais niyang magprotesta ngunit pareho silang mapapahiya sa harap ng batikang showbiz reporter.

"There's no something between me and Sofia. Nagkataon lang na lumalabas kami kasi we become friends ng ma-ifeatured din siya ng society magazine." Sagot ng binata.

"Pero ayon sa mga source ay naging kayo?" Pangungulit nito.

"No, were not. And besides hindi siya ang nililigawan ko." Makahulugang wika ng binata.

Tila nais mapasinghap ni Jecka sa tinatakbo ng usapan.

" Wow, can you please give us a clue kung sino? O baka naman nasa harapan ko na ang sagot?" Umandar ang pagiging intregero nito at ngumiti ng makahulugan sa kanila.

"Magaling ka talaga, Miles. Yes, Jecka and I are exclusively dating and sana sagutin niya ako." Bumaling ang binata sa kaniya at nginitian siya ng pagkatamis-tamis.

Parang nagkulay suka si Jecka at nais niyang murahin si Brent. Ngunit pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil sa kaharap.  

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon