Chapter 15

2.9K 90 1
                                    

  ISANG NGISING nag-uuyam ang binigay ni Jecka kay Brent, matapos marinig ang mga sinabi nito.

"Nonsense Brent. Tulad din ng sinabi ko, walang nakakaalam sa inyo kung ano ang pinagdaanan ko. Kaya walang sino man ang pwedeng magdikta sa'kin kung kailan ko dapat kausapin ang sinasabi niyong ina ko." Aniya at binawi ang kamay na hawak ng binata. Kasabay ng mabilis na pagtayo.

Akmang tatalikod na ang dalaga ng magsalitang muli ang binata.

"Ganiyan ka ba katigas? Kaya ka nabubuhay sa kalungkutan dahil sarado ang puso mo." Wika ni Brent habang nanatiling nakaupo.

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Jecka at sumagot.

"Dahil hindi mo alam ang mabuhay sa kalungkutan. Kaya 'wag mong husgahan ang pananaw ko." Aniya at nagmamadaling lumakad.

"Jecka Wait!" Sigaw ng binata.

Halos takbuhin na niya ang dalampasigan. Ngunit mas mabilis ang pagkilos ni Brent kaya't naabutan siya nito.

"Jecka please listen to me!" Wika ng binata at pinigilan siya sa braso.

"Ayoko! Ayokong makinig! Kasi pag nakinig ako baka maawa ako sa kaniya!" Histerikal ng dalaga na naglalandas na ang masaganang luha.

Pilit na hinawakan ni Brent ang magkabilang balikat niya upang magkaharap sila.

"Please listen, kailangan ka niya ngayon konti nalang ang natitirang oras niya at..." Naudlot ang iba pang sasabihin ng binata ng muling magsalitan si Jecka.

"Ayoko Brent! Kasi ganiyan din siya noon bago umalis, sabi niya babalikan niya ako maghintay lang ako. Ginawa ko naman, araw-araw umiiyak ako, araw-araw hinihintay ko siya pero hindi na siya nagpakita. Hindi ko na kailangan ng ina! Hindi na." Humahagulgol na ang dalaga.

Tila nakiki-ayon ang karagatan sa hinagpis niya. Mistulang tumatangis din ito sa bawat hampas ng alon. Pati ang pag-ihip ng malamig na hangin na animo'y humuhuni sa pagbugso ng kaniyang pusong naninimdim ng mga oras na iyon.

"Ayoko Brent..Ayoko.." Parang batang humihikbi si Jecka sa binata.

Halos madurog ang puso ni Brent sa nakikitang mga patak at butil ng luha ng dalaga.

Masuyo niyang hinawi ang mga hibla ng buhok nito na sumasayaw sa ihip ng hangin at pagkaraa'y sinapo niya ang magkabilang pisngi nito.

"Paano mo malalaman ang dahilan ng lahat kung sarado ang puso mong pakinggan siya? Marami din siyang dahilan kung bakit naghintay ka ng matagal. She needs you, more than anyone else." Malumanay na wika ng binata. Habang nakatitig sa luhaang mata ni Jecka.

Lalong bumalong ang mga luha ng dalaga pagkarinig ng mga salitang binitawan ng binata.

Sunod-sunod na iling ang ginawa niya, sa pagitan ng paghikbi.

"Enough, my dear. Give in." Patuloy ni Brent.

"Hindi ko kaya..Hindi." Paos na boses ng dalaga.

Dala ng matinding awa ay tuluyan ng niyakap ng binata si Jecka. Marahan niya itong inihimlay sa kaniyang malapad na dibdib. Habang masuyo niyang hinahagod ang likod nito.

"Pakawalan mo na lahat ng hatred sa puso mo." Aniya.

Hindi na napigilan ni Jecka at tuluyan ng bumigay ang tatag niya. Kaya't mahigpit na rin siyang yumakap sa binata. Binuhos niya ang lahat ng sakit na matagal na niyang ini-inda, ang sugat na sariwa pa rin mula pa sa mura niyang isip at puso buhat sa nakalipas.

"Kailangan ka niyang makausap para malaman mo ang lahat sa likod ng pag alis niya. Wala ng panahon Jecka, anumang oras ay pwede na siyang m-mawala." Tila hirap na hirap na wika ng binata.

Dahan-dahang nagtaas ng paningin ang dalaga at maang na tumititig sa kaniya.

"A-anong m-mawala?" Kunot nuong tanong niya.

"Malalaman mo kung kakausapin mo na siya ngayon. Please?"

Pikit matang tumango ang dalaga. Na labis namang kinaliwanag ng mukha ni Brent.

...

KANINA PA nakatitig si Jecka sa pintuan ng cottage ng ina. Hindi niya alam kung kakatok ba siya o aatras nalang palayo. Ngunit nandoon si Brent sa likuran na nakatingin.

"Knock the door Jecka." Pagbibigay ng lakas nito sa kaniya.

Tatlong banayad na katok ang ginawa niya at ilang saglit pa ay nagbukas ang pinto.

"J-jecka anak!" Masayang bulalas ni Carmela.

Nais na sana niyang yakapin ang anak, ngunit nangangamba siyang magalit o ipagtulakan na naman siya nito. Minabuti nalang ni Carmela na patuluyin ang dalawa.

"Tita, kamusta na po pakiramdam niyo?" Tanong ni Brent.

"Maayos na hijo, salamat." Napadako ang tingin nito kay Jecka.

Ramdam naman ni Brent na kailangan nang magkasarilinan ang mag-ina.

"I think i have to go." Akmang tatalikod na ang binata ng hawakan siya bigla ni Jecka.

Napatingin si Brent sa dalaga. Tila nangungusap ang mga mata nito habang hawak ng mahigpit ang kamay niya. Muling tumulo ang mga luha habang nakatitig sa kaniya ng diretso.

Masuyong pinunasan niya ang magkabilang pisngi nito.Isang tango at ngiti ang ginawa niya bilang tanda na nandoon lang siya sa tabi nito.

Pagkaraan ay humarap ito kay Carmela.

"B-bakit hindi ka bumalik? N-nangako ka diba? Alam mo bang naghintay ako." Panimula ni Jecka na nababasag na ang tinig at bumubukal ang luha.

"Binalikan kita anak, pero ayaw ka nilang ibigay. Tinago kana ng lolo at lola mo. Paulit ulit akong umaasa na makukuha kita, pero sadyang mailap ang pagkakataon. Kahit nakakulong na ako ay tumatawag pa rin ako. Nagbabasakaling makausap man lang kita." Umiiyak na din si Carmela.

"Nakulong? Nakulong ka?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

Pinid ang mga labing tumango tango si Carmela at sinimulang magkwento.

Habang nakikinig si Jecka ay parang nais niyang mamuhi sa sariling ama. Ganoon din sa lolo at lola niya.

Samantala, tahimik lang na nakikinig si Brent habang hawak ang kamay ni Jecka. Ramdam niya sa bawat pag higpit ng hawak nito sa kaniya, ang hinagpis ng damdaming nakapaloob dito ng mga oras na iyon.

"Kung pwede ko lang ibalik ang lahat, ginawa ko na. Dobleng sakit na hindi man lang kita nasubaybayan sa paglaki mo." Patuloy ni Carmela.

Unti-unting naliliwanagan at nabibigyang kasagutan ang maraming katanungan ni Jecka.

Bugso ng matinding damdamin at pananabik ay inabot niya ang ina upang yakapin.

"M-mama.." Hikbi ng dalaga habang mahigpit na tangan ang ina.

Bawat isa sa kanila ay ninanamnam ang init ng yakap na iyon.

"Wala akong kakampi ma'. Ikaw lang." Mariing sambit ni Jecka sa ina.

Simula ng lumisan ang kaniyang ina at mapunta siya sa pangangalaga ng mga abuelo at abuela, ay hindi na rin niya naramdaman ang tunay na pagmamahal. Dahil parehong abala ang mga ito sa kaniya-kaniyang propesyon. Maging ang kaniyang ama na tuluyan na siyang kinalimutan, habang kasama na nito ang bagong pamilya. Tanging taga pag alaga at mga kasambahay lang ang nakasama niyang lumaki. Mabuti na lamang at may mga kaibigan siyang laging nakakasama.

Wala siyang idea sa kinasadlakan ng ina. Ang kaalamang laging pinapaunawa sa kaniya ng lolo at lola niya ay isang walang kwentang asawa at ina si Carmela. Lumaki siyang nakatanim sa isip at puso ang hinanakit at galit.

"Palagi mo akong kakampi anak. Masaya na akong makita at mayakap ka uli, anak. Mahal na mahal kita." Puno ng kasiyahang wika ng ginang. Ngunit kasabay noon ay ang pagsapo nito ng dibdib.

"Mahal na mahal din kita ma'....Mama!" Napasigaw si Jecka ng dahan-dahang lumungayngay ang ina sa kaniyang mga bisig.

Mabilis ang mga kilos na ni Brent at dali-dali niyang pinangko ang ginang.

"Brent!" Takot na takot si Jecka habang papalabas sila ng cottage.

Mabilis na naitakbo ng hospital ang ginang.

...

HILAM ang mga luhang nakatunghay si Jecka sa ina. Maraming mga aparatong nakakabit dito. Nandoon na din ang mga magkakaibigan.

"We need to bring her in a proper hospital." Untag ni Brent sa katahimikan.

"Agree, maselan ang kondisyon niya at tanging operasyon lang ang kailangan niya." Dugtong ni Uno.

"Bakit kung kailan kami nagkita saka naman may ganitong sakit ang mama ko?" Garalgal na tinig ni Jecka.

"Girl, god has a plan for everything. Magtiwala ka lang." Pag aalo ni Pinky.

"Tumawag na ako kay kuya Almond, and as he instructed as soon as possible, tita Carmela should given a proper attention. Hindi biro ang coronary artery deasease. Dapat na siyang maoperahan. At si kuya na mismo ang hahawak kay tita." Pahayag ni Berry.

"Aayusin ko na ang pag transfer ni tita." Ani ni Brent at lumabas na ng kwarto.

Sa hospital kung saan isang cardiologist si Almond ang pagdadalhan kay Carmela. Nang malaman nila ang sakit ng ginang ay agad na naisip ng mag asawang Uno at Berry na ang nakakatandang kapatid ni Berry ang maging doktor nito.

Mabilis na nailipat at nailuwas ang ina ni Jecka dahil na rin sa tulong ni Brent. Walang oras at minuto na hindi ito nakakaalay sa dalaga.

"How did you convince Jecka?" Tanong ni Uno habang nasa canteen sila ng hospital.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ng binata.

"I made a deal with her." Aniya.

"Deal? Anong deal?" Takang tanong ni Miko.

Malungkot na sinabi ni Brent ang kasunduan sa pagitan nila ng dalaga.

"Uh-oh..Bakit ganoong klase ng kondisyon ang ginawa mo?" Nanghihinayang na wika ni Ferdz.

"Wala ng oras at kailangan ng magmadali." Parang may bikig sa lalamunan na tugon ng binata.

"So paano na ang lahat? Ganoon nalang 'yon?" Tanong muli ni Uno.

Hindi nakaimik si Brent sa tanong ng huli. Kilala siyang man with honor in terms of making agreement. Ngayon, sa unang pagkakataon ng desisyon at pangako niya ay tila naguguluhan din siya.

Tutol ang puso ang niya, ngunit hindi nagpapadaig ang isip niya sa pangangatwiran. Ano nga ba ang dapat niyang sundin?

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon