Chapter 12

3.3K 90 0
                                    

  "THAT'S NICE! You look good together. Very promising ang career mo Jecka, lalo na at nakikilala kana sa modeling industry. Umaarangkada na ang beauty mo." Nakangiting wika ng reporter.

Pilit na ngumiti si Jecka kahit na nang-gigil na siya kay Brent. Binigyan muna niya ito ng isang palihim at matalas na tingin, bago sumagot.

"Naku, mother Miles, were in the stage of getting to know each other pa po. And about sa modeling ko, ito na po ang huling pagpopose ko, dahil wala naman po akong balak na i-pursue." Paliwanag ng dalaga.

" Bakit naman? I mean, maganda ang simula mo at isa ka sa pinaka magandang mukha na pwedeng sumikat kahit sa pag aartista." Muling tanong nito.

"Accident by luck lang po ang nangyari sa'kin kaya ako nandito. I'am a business woman at para po sa'kin ay hindi ko linya ang popularity." Patuloy niya.

"Well, sayang naman. Aabangan ko nalang ang love story nyo ni Brent." Anito.

"Let see, Miles at ipapaalam ko sa'yo. Mauuna na kami." Paalam ni Brent dito at ginanap ang kamay ni Jecka.

"Salamat sa inyong dalawa." Ani ni Mother Miles. Habang nakasunod ng tanaw sa dalawang papalayo.

May pagmamadali ang bawat hakbang ng dalaga. Gustong-gusto na niyang bawiin ang kamay mula sa pagkakahawak ng binata.

Nang sa wakas ay narating na nila ang cottage ni Jecka, pag pasok sa loob ay agad niya binigyan ng sampal si Brent.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Pati ako dinadamay nyo sa mga kasinungalingan n'yo ng Sofia na 'yon!" Nagpupuyos sa galit na singhal niya sa binata.

"I'm sorry if i lied. Pero hindi ko babawiin ang mga sinabi ko." Matatag na sagot nito sa kaniya.

"Saang parte ng kasinungalingan mo ang wala kang balak na bawiin huh?!" Lalong umiinit ang ulo ni Jecka.

"Hindi kasinungalingan, Jecka. Dahil totohanin kong ligawan ka." Maigting na bigkas ni Brent.

Maang na napatingin si Jecka sa binata. Parang nabingi siya ng panandalian.

"Hindi ako ang tipong madaling sumuko. Bahala ka kung anong gusto mong isipin, but i intend to make it this true." Anito at walang lingon na tumalikod palabas.

Isang malalim na pagbuga ng hangin ang pinakawalan ng dalaga. Taas-baba ang dibdib niya sa inis.

...

KINABUKASAN ABALA ang lahat sa pictorial. Habang si Jecka ay hindi makapaniwalang magsusuot siya ng two piece na pinatungan lang ng citro. Kaya aninag pa rin ang buong katawan niya.

"Ang sexy mo naman ms. Jecka!" Puri ng stylist nila.

"Thank you." Kiming tugon niya.

Ilang pose ang solo niya habang nasa mismong dagat, at mayroon din grupo sila kasama ang mga sikat na personalidad. Kakaibang experience at saya ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Self-fullfiling sa tulad niyang kulang sa self-confidence. Pero ngayon ay nakikipag sabayan sa mga kilalang tao.

"Miss Jecka, this time po ay babasain ang buong katawan niyo. Then doon po kayo sa tubig magpo-pose." Wika ng assistant photographer.

Sunod-sunuran lang ang dalaga sa pinagagawa sa kaniya.

Eksaktong naka-pose na ang dalaga nang dumating ang buong barkada kasama sina Brent at Gwel.

"Omg! Parang pang-fhm ang dating!" Bulalas ni Pinky habang nakatanaw sa kaibigan.

"The real beauty really comes out." Ani ni Berry.

Sina Uno, Miko at Ferdz naman ay napa-letter o ang mga bibig. Habang ngiting-ngiti lang si Gwel.

Samantalang tila nababato-balani naman si Brent sa nakikita. Sobrang sexy ang itsura nito. Basa ang buong katawan ng dalaga na naka black two-piece at nakapagkit ang suot na citro sa makinis nitong katawan. At ang mapang akit nitong mukha na may mga butil pa ng tubig.

Pakiramdam ni Brent ay tila nag-aanyaya ang itsura nito ngayon. Kakaiba at nakaka-dagdag ng init ang aura na pinamamalas ng dalaga ng mga oras na iyon.

Nang umahon ang dalaga ay nagmamadaling lumapit si Brent at kinuha ang hawak na tuwalya ng personal assistant.

"Ako na." Aniya.

Tumango lang ito at ngumiti sa kaniya.

Nagtaka pa si Jecka ng salubungin siya ni Brent, ito din ang nagpatong ng tuwalya sa balikat niya.

"Ano na naman ang eksena mo?" Bulong niya sa binata habang naglalakad sila papunta sa gawi ng mga kaibigan.

"They are watching us, my dear." Ganting bulong ni Brent sa dalaga.

Nakamasid ang mga napapangiting mga staff dahil sa ginawi ng binata.

"Ang sweet naman ni sir Brent." Tukso sa kanila ng ilang staff ng society magazine.

Alanganing ngumiti lang si Jecka.

"Hi, girl you're so..." Agad na naudlot ang bati ni Pinky ng makalapit sina Jecka at Brent, galit na pumiksi mula sa pagkaka-akbay ang dalaga.

"Hindi ka dapat nag abogado, dapat sa'yo artista. Tama na pwede ba? Tantanan mo na ako." Mariing wika ng dalaga kay Brent.

Tahimik naman na nakikinig lang ang lahat.

"Hindi ako umaarte, Jecka. At tulad ng sinabi ko sa'yo, hindi ako ganoon kadali sumuko." Matigas naman na sagot ng binata.

"Ah, guys please calmn down. Wag n'yo sabayan ang init ng panahon. And were here to enjoy." Sabat ni Berry.

"Pagsabihan mo 'tong kaibigan mo, Berry." Ani Jecka kay Berry at nagmamadaling tumalikod.

"I think may world war three, diyan muna kayo." Ani ni Pinky at hila-hila si Berry.

"I got to go, surfing muna ako." Paalam din ni Gwel.

Nang maiwan ang mga lalaki ay saka nag-usisa si Uno.

"Santong brasohan talaga ang ginagawa mo, attornery Lorenzo." Natatawang iling ni Uno.

Sinabi ng binata ang tagpong naganap kung bakit lalong naghihimutok sa galit si Jecka.

"Basta mga abogado talaga agressive and possesive." Nakangising wika naman ni Miko.

"Nagmamadali ka masyado, bro." Hirit naman ni Ferdz.

"Paninindigan ko na mga bro. Inuumpisahan ko palang lahat." Aniya at seryosong sinundan ng tingin ang daang tinahak ng dalaga.

"Galit na galit si Jecka. You need to tamed her first." Ani ni Miko.

Tumatango-tango lang ang binata sa sinabi ni Miko.

Habang nagpupuyos naman ng kalooban si Jecka sa cottage niya, kasunod ang dalawang kaibigan.

"Bwesit! Antipatiko! Mayabang!" Inis na wika ni Jecka.

"Girl, easy lang. Bakit ba galit na galit ka?" Takang tanong ni Pinky.

"That bastard, alam niyo bang nagpa-interview kahapon at sinabing we're exclusively dating? And now, heto na naman siya pinangangalandakan sa lahat na we're sweet?! He is sick!" Napapasapo sa nuo ang dalaga.

"Why don't you give him a chance na maging friends kayo ulit?" Nanantiyang wika ni Berry.

"I don't think so. 'Wag na natin siya pag usapan lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kaniya." Sagot ni Jecka.

Nagkatinginan lang sina Berry at Pinky sa sinagot ng dalaga. Masyado talagang matigas ang paninindigan nito.

Ilang sandali pa ang lumipas at nang makapagbihis na rin si Jecka ay sabay-sabay na silang lumabas ng cottage.
Sakto namang papunta na rin sina Uno at Brent upang sunduin sila para kumain ng lunch.

"Shine, mabuti naman at lumabas na kayo."Salubong nito sa asawa.

Akmang lalagpasan na ni Jecka si Brent ng humarang ito sa dadaanan niya.

"Jecka, can we talk please?" Masuyong tumitig ito sa kaniya.

"Please din Brent, tantanan mo muna ako pwede?" Balewalang humakbang muli ang dalaga.

"Ang hirap sa'yo, masyado kang sarado sa lahat ng gusto kong sabihin sa'yo." Salubong na ang kilay ng binata.

"There you are again. Nonsense." Aniya at pagkaraa'y bumaling sa mga kaibigan.

"Mauna na kayong mag lunch, nawalan na ako ng gana." Inis na pumihit siya pabalik ng cottage.

"Aj wait!" Tawag ni Gwel.

Napalingon naman si Jecka.

"Let's have a lunch please? Gutom na ako." Anito at ngumiti sa kaniya.

Agad namang nag iba ang timplada ng dalaga at gumanti rin ng ngiti kay Gwel.

"Sorry girl's, i've changed my mind. I'm gonna take my lunch, but with Gwel. Anyway, magkakasama-sama pa naman tayo in the next day." Sinadyang lambingan ni Jecka ang pagkakapit sa braso ni Gwel.

"Una na kami, guys." Paalam ni Gwel at tumango sa mga nandoon.

Nagugulumihanang nagkatinginan nalang ang mag-asawang Uno at Berry, ganoon din Pinky.

Habang tikom ang bibig at madilim ang mukha ni Brent habang tinatanaw ang dalawang papalayo.

Isa lang pinapangako niya sa sarili at iyon ay ang mapalapit kay Jecka.

...

SAMANTALA, lumipas ang maghapon at dumating din sa resort ang mag-asawang Marjorie at Chris, dahil na rin sa imbitasyon ni Brent. Ngunit mas nagulat sina Berry at Pinky sa kasama nito.

Ang ina ni Jecka na si Carmela. Ayon kay Marjorie, kina-umagahan bago sila magtungo sa resort ay dumaan muna sila sa flower shop ng dalaga. At kasalukuyang nag aabang ito kay Jecka. Narinig niyang nagtatanong ang ginang sa mga tauhan ng dalaga at walang makapagsabi kung nasaan ito. Kaya na-curious siyang tanungin kung sino ito. Nang makapag usap sila ay napag alaman ni Margie na ito ang mommy ni Jecka. Kaya't hindi siya nagdalawang isip na isama ito ngayon.

Agad na binati ng mga magka-kaibigan ang ginang. Hindi din sila makapaniwala na nandito ito.

"Ang lalaki niyo ng lahat, si Berry at Uno pala ang nagkatuluyan." Masiglang wika nito.

Napabaling ng tingin si Carmela kay Brent.
Agad namang napansin ni Berry.

"Tita, siya po si Brent. Kaibigan din namin at ang may ari nitong resort.

"Nice to meet you po, tita." Magalang na bati ng binata.

"Nice to meet you din, hijo." Ganti ng ginang.

Habang sa hindi kalayuan ay natanaw na ni Brent ang paparating na sina Jecka at Gwel.

Unti-unting nangungunot ang nuo ni Jecka habang papalapit sa mga kaibigan. Isang pamilyar na bulto ang nakikita niya. Hanggang sa tuluyan na silang makalapit.

"J-jecka, anak." Bati ni Carmela sa dalaga.

"Bakit ba hanggang dito nasundan mo ako? Paano ka nakarating dito?" May bahid pagkairita na tanong niya.

"Ah, Jecka kami ang kasama ng mommy mo, hinahanap ka kasi niya at tamang nagkita kami sa shop mo." Alanganing ngumiti si Margie.

Walang anumang tugon sa dalaga, bagko's ay isang matalim na tingin ang binigay niya sa kaniyang ina.

"Kailangan lang talaga kita makausap kahit konting oras lang. A-anak parang awa mo na." Garalgal na tinig ng gina at hinawakan siya sa kamay.

Agad na pumiksi ang dalaga, at galit na nagsalita. Ngunit pilit pa rin siyang hinahawakan ng ina.

"Don't call me 'anak' dahil para sa'kin patay kana! At hindi na kita kailangan, ang kapal ng mukha mo magpakita pagkatapos ng lahat!"

Parang nauupos na kandila ang ginang at biglang nanghina ang mga tuhod nito, kaya't unti-unting nabuwal ito sa pgkakatayo. Mabuti na lamang at maagap si Brent na nasalo ito. Halos lahat ng mga kaibigan niya ay natatarantang daluhan ang kaniyang ina.

Mapait na ngumiti ang dalaga.

"Ayan, tama yan magsama kayong parehong artista. Kung sa tingin mo maawa ako sa ginagawa mo, pwes nagkakamali ka! Kaya umalis kana dito dahil sa pagkakaalam ko loaded na ang resort." Pakli ng dalaga.

Hindi naman makatiis si Brent sa naririnig at nakikita.

"Sorry to interrupt, Jecka but i think hindi tama ang ginagawa mo. Tungkol sa pag stay ni tita Carmela, walang problema. Kahit sa sarili kong cottage ibibigay ko." Mariing wika ng binata.

"Wow nakahanap ka ng kakampi huh? Sabagay, magkakasundo ka kayo tiyak, dahil pareho niyo akong pinepeste." Matalas pa ring wika ng dalaga na hindi man lang natinag.

"Girl, stop being unreasonable." Ani ni Pinky.

"Huwag kayong maniwala sa walang kwentang ina na yan!" Nagpupuyos na sigaw ni Jecka.

"Paki dala nalang si tita sa cottage ko mga bro." Ani ni Brent at Marahas na hinaklit si Jecka.

"Ano ba?! Makikialam ka na naman?!" Pilit na binabawi niya ang braso mula sa pagkakahawak nito ngunit animo'y bakal ang kamay ng binata.

"Halika, para matuto kang gumalang sa sarili mong ina!" Galit na wika ng binata at walang anu-ano ay hinila siya papalayo sa kinaroonan nila.

"Brent! Nasasaktan si Aj!" Sita ni Gwel.

"Shut up! Back off! Dahil tuturuan ko lang siya ng tamang asal." Puno ng awtoridad na baling ng binata kay Gwel.

"Who the hell are you..." Naputol pa ang sasabihin ni Gwel nang sumabat si Miko.

"Let them be, pare. Hindi sasaktan ni Brent si Jecka." Anito.

Kaya't walang nagawa si Gwel kundi sundan nalang ng tingin ang dalawa.

Habang naglalakad ay panay ang piglas ng dalaga, ngunit nagsasayang lang siya ng lakas, dahil hindi nagpapatinag ang binata.

"Ano ba nasasaktan na ako!" Galit na sigaw ng dalaga.

"Shut up Jecka!" Ganti ni Brent na mas malakas pa ang tinig. Mabuti nalang at wala gaanong tao sa direksyong tinutungo nila.

Kahit na labag sa kalooban ay sumunod nalang ang dalaga sa binata.
Isang connecting door ang pinasukan nila. Bahagyang nagulat ang dalaga dahil napakaganda at maayos ang loob ng silid.

"Now, Alyanna Jecka Suarez! Mag uusap tayo sa ayaw at sa gusto mo." Madilim na mukha ng binata at binitawan siya.

"Stop being arrogant! You brute! Sino ka para manghimasok sa buhay ko?!" Galit na tinulak ni Jecka si Brent at Akmang bubuksan niya ang pinto ng muli siyang haklitin ng binata at sa pagkakataong iyon ay hinapit na rin siya nito sa beywang.

"I'm gonna show you brute i'am!" Dumadagundong na tinig ng binata.

At walang patumanggang sinakop ang nakaawang niyang labi.

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon