PARANG NAIS NANG TUMAKBO papalayo ni Jecka pagkarinig ng games na gagawin nila.
Hindi nagtagal ay may limang staff din ang may mga hawak na candy lipstick. Bawat isa ay nakatakip, tanging ang partner na lalake lamang ang dapat sumagot, hindi din ito dapat turuan ng kaparehang babae. Tanging paglalagay lamang ng candy lipstick ang gagawin ng mga ito.
"Okay couples, we are given you a six set of flavoring or candy lipstick. The first pair of couple who got a three correct answer will be the winner." Ani ng host.
"Ayosin mo manghula Brent." Banta ni Jecka sa binatang naka-ngisi.
"I'll do my best, my dear." Sagot naman ni Brent.
"Dapat manalo tayo, Tarzan." Ani naman ni Berry kay Uno.
"Dapat lang, Shine. Magaling ata' ako sa lasahan." Natatawang biro ni Uno sa asawa.
Muling nagsalita ang host.
"Ready couples, one, two..three go!" Hudyat nito.
May pagmamadaling inaabot ng bawat isa ang unang candy lipstick ng staff na naka-assign sa kanila.
Agad na pinahid ni Jecka sa labi ang unang binigay. Wala namang inaksayang segundo ang binata at agad na inilapit ang bibig sa labi ng dalaga. Unang tikim niya ay hindi niya makumpirma ang lasa, kaya't muli niyang sinimsim ang labi nito.
Hiyawan naman ang mga manunuod, lalo na ang mga kaibigan nila.
"Oh my god!" Impit na tili ni Pinky habang nakatingin kina Brent at Jecka.
"Ayos!" Panabayang wika nina Miko at Ferdz habang nag-aapiran pa.
u
Nagdidiwang ang dalawang pilyo dahil sila ang may pakana ng pagkaka-pareha ng dalawa.
Samantala, naiiling at nangingiti na lang si Gwel habang nanunuod.
"Ano ba Brent?!" Gigil na tanong ng dalaga, paano'y hindi pa rin nito nahuhulaan kung anong flavor ng candy ang pinahid niya.
"Ma'm, bawal po magsalita." Wika ng staff na nakalaan sa kanila.
"Milk syrup!" Sigaw ni Uno.
"One point for ma'm Berry and sir Uno." Nakangiting anunsyo ng host.
Pangalawang apply ay ganoon muli ang ginawa nina Jecka at Brent.
"Dark honey chocolate!" Sigaw naman ni Brent.
"Wow, sir Brent and ma'm Jecka got one point!"
Hanggang sa muling nakahula si Uno. Ngunit hindi nagpatalo ang mag-asawang Chris at Marjorie dahil nakakuha din ng isang puntos ang mga ito.
Tila nawala naman ang tensyong bumabalot kina Jecka at Brent, dahil parehong atat na manalo sila. Parehong natatawa sila pag mali-mali ang nasasagot nila. Panay naman ang hiyawan at tuksuhan ng mga audience.
Parehong my tag dalawang puntos na ang pares na Brent at Jecka, Uno at Berry. Isang candy lipstick nalang ang natitira kaya't unahan nalang kung sino ang makakahula.
Sabay-sabay na dinukwang ng mga parehang lalake ang bibig ng mga babae.
Nang ilapat at lasahan ni Brent ang labi ni Jecka ay umasim at nasira ang mukha ng binata.
"Ang asim." Anito at natatawa. Dahil hindi niya makuha ang lasa ay muli niyang sinakop ang labi ni Jecka.
Dumadagundong na sa kaka-hiyaw ang mga nandoon dahil unahan na ang labanan.
"Dali, baka matalo tayo." May pang gigil na wika ni Jecka.
Ilang sandali pa at sumigaw na ni Brent.
"Citrus lime!"
"We have a winner! Sir Brent and Ma'm Jecka got the last flavor!" Announce ng host.
Dahil nadala ng sitwasyon ay nagyakap ang dalawa na wala sa loob nila.
"Nanalo lang may pag-embrace na?" Tudyo ng mag asawang Uno at Berry.
Saka naman biglang pasok ng realidad sa isip ni Jecka. Kaya't natitilihang kumalas siya sa pagkakayakap kay Brent.
"Nahiya tuloy!" Muling hirit ni Uno.
Isang irap lang ang tinugon ni Jecka. Kaya't lalong napahalakhak si Uno.
Muli silang tinawag ng host upang ibigay ang kanilang prize.
"Ang galing ni sir Brent, sanay sa tasting and licking." Pilyang wika ng host niya.
Ang premyo nila ay isang romantic candle light dinner.
Nang matapos ang programa ay inulan ng tuksuhan sina Jecka at Brent, lalo na sa mga kaibigan nila.
Lingid naman sa kanilang kaalaman ay sinadya ang pagkakasali nila bilang pares. Pati ang host ay ka-kuntsaba nina Miko at Ferdz. Sadyang naunahan lang sila ni Pinky na ipagpares ang dalawa. Wala rin alam si Brent sa plano ng mga ito.
"I think, ibigay nalang natin ang prize kina Berry at Uno, or kina Chris at Marjorie." Wika ni Jecka habang tinitingnan ang gift certificate.
"Bakit naman? Sa inyo yan eh, alam mo girl, pinaghirapang hulaan ni Brent yan." Nakangising sagot ni Pinky.
"Oo nga naman! Ang hirap kaya ng ginawa niyo." Tudyo din ni Miko.
Nakangiting nakatingin lang si Brent sa kaniya.
"Besides, maybe this time mapag usapan niyo na ang hindi n'yo pagkakaunawaan. Tama na ang world war three." Sabat pa ni Marjorie.
Hindi kumibo ang dalaga. Pilit niyang kinakapa ang damdamin kung may pagtutol ba siyang nararamdaman. Sa pagkakataong iyon ay tila may nag uudyok sa bahagi ng utak niya na ituloy ang pakikipag-dinner dito.
Maya-maya ay lumapit naman si Carmela na inaalalayan ni Gwel.
"Congrat's sa inyong dalawa." Nakangiting bati nito sa kanila.
Parang walang narinig si Jecka at balewalang tumingin ito sa ina. Pagkaraan ay bumaling ito kay Brent.
"Ikaw na maghawak niyan, bukas pa naman ng gabi 'yan. Mauuna na ako sa inyo." Aniya at tuloy-tuloy na naglakad.
Ilang beses niyang narinig na tinawag siya ng mga kaibigan ngunit hindi niya pinansin.
Tila nais ng mawalan ng pag asa ni Carmela sa nangyayari. Kailangan na talaga niyang makausap ang anak dahil nauubusan na siya ng oras. Kaya't isa nalang ang naiisip niya, ang lumapit sa mga kaibigan ng anak.
...
MAHIHINANG katok sa ang pumukaw sa kamalayan ng ni Jecka. Patamad siyang bumangon upang pagbuksan kung sino man ang nasa labas.
Bahagyang nagulat ang dalaga ng mabungaran niya si Brent.
"Hindi ako magtatagal, may sasabihin lang ako." Anito sa kaniya.
May pagtatakang niluwagan niya ang pagkaka-bukas ng pinto.
"Hindi ba gusto mong tantanan na kita? Pwede bang mag deal tayo?" Seryosong wika nito.
Lalong naguluhan si Jecka sa sinasabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Balik tanong niya.
Sinipat nito ang relong pambisig bago sumagot.
"Ngayon na natin i-avail ang dinner prize natin. You still have one hour to prepared. Pagkatapos ng gabing ito, maybe hindi na kita kukulitin o ano pa man. Basta pumayag ka sa kondisyong sasabihin ko." May halo dng lungkot ang tinig ng binata At ng salubungin ang tingin niya.
Biglang nakadama ng hindi maipaliwanag na damdamin si Jecka sa narinig. Kahit hindi malinaw sa kaniya ay isang tango ang nagsilbing pag-sang ayon niya.
"Thank you. Babalikan kita after one hour." Anito at tumalikod na papalabas.
Naiwang napapaisip ang dalaga. Mabilis na mga kilos ang ginagawa niya upang mag-gayak sa dinner nila ng binata.
...
PUNO ng paghangang pinagmamasdan ni Brent si Jecka. Isang floral spaghetti beach dress ang suot nito na pinaresan ng isang cute flip flops. Kaswal na kaswal ang itsura ngunit nakakaakit.
"Magtitigan nalang tayo?" Untag ni Jecka sa binata.
Kanina pa siya nakatayo sa harapan nito.
"Sorry, let's go." Ani ni Brent at inilahad ang palad.
Nag-aatubiling abutin ng dalaga ang palad nito.
"Pagbigyan mo na ako. This is my night, ipabaon mo na ang mga sandaling hindi ka masungit sa'kin." Bagama't nakangiti ay may lungkot na naka-sungaw sa mga mata nito.
Parang tinusok ng kung anu ang puso niya at nakadama siya ng kakaibang lungkot sa mga pahiwatig na salita ng binata. Kaya't marahan niyang inabot ang kamay nito.
Sa pagdaop ng kanilang mga palad ay parehong nakadama ng kakaibang init at sensasyon ang dalawa.
Mahigpit na hawak ni Brent ang malambot na kamay ni Jecka. Kung pwede lang sanang ganito na lang sila. Ngunit ngayong gabi ay isusugal niyang muli ang puso, at bahala na ang tadhana. Sapagkat may isang taong labis na nangangailangan ng tulong niya.
Ilang sandali pa ang lumipas at narating nila ang pinaka-garden ng resort. Tanglaw ang mga munting ilaw sa puno. May isang lamesa ang nasa gitna. May center piece na bulaklak ng daffodils, at may kandilabrang natatanglawan ng tatlong kandila.
Pagkaupo ng dalaga ay umihip ang malamig na simoy ng hangin na nakakadagdag sa romantic scenery ng lugar.
"Ano bang nakain mo at napaaga ang dinner na'to? Saka ano yong sinasabi mong deal?" Hindi makatiis na tanong ni Jecka.
Ngumiti lang si Brent.
"Pwede bang kumain muna tayo? As i've told you, this is my night." Aniya sa dalaga.
Hindi nagtagal ay dumating na ang pagkain nila. Pangiti-ngiti at masusuyong tingin lang ang ginagawa ng binata habang kumakain. Kabaliktaran ni Jecka na halos hindi malunok ang pagkain. Ewan ba niya at na-tetense ang pakiramdam niya.
Nang matapos kumain ay sinalinan siya ni Brent ng wine sa kopitang nakalaan sa kaniya.
"Tulad ng sinabi ko kanina, makikipag-deal ako sa'yo. Since, sagad yata hanggang langit ang inis mo sa'kin at hindi mo akong kayang bigyan ng chance na maging magkaibigan uli tayo. Sige, tatantanan na kita. Pero in one condition." Sadyang binitin ng binata ang sasabihin upang tingnan ang reaksyon ng dalaga.
"Bakit naman kailangan ko pang makipag deal sa'yo? Kung kaya ko namang iwasan ka? At paano ka naman nakakasigurong papayag ako sa kondisyon mo?" Nakataas na kilay na sagot ng dalaga.
"Simple lang, Jecka. Dahil hinding-hindi kita titigilan sa pangungulit. Once na sinabi ko ginagawa ko. Ayaw mo bang mawala ako sa sistema mo?" Aniya.
Humalukipkip ang dalaga at diretsong tumtitig kay Brent.
"Sabihin mo, anong kondisyon ang kapalit na gusto mo?"
"Bigyan mo ng konting oras ang mommy mo na makausap ka. Pakinggan mo lang ang mga sasabihin niya." Seryosong wika ng binata.
"Bakit ba ang hilig mong maki-alam?" Pakli ni Jecka.
"Bakit ba ang hilig mong humusga agad?" Mabilis naman na sagot ni Brent.
"Kahit ano, Brent 'wag lang yan. Bakit ba pinipilit niyo akong lahat?" Nag uumpisa ng bumangon ang inis sa dibdib ng dalaga.
"Because she needs you right now. Sinusugal ko ang kagustuhan kung mapalapit sa'yo, dahil mas kailangan ni tita Carmela ang oras mo." Masuyong hinawakan ng binata ang kamay niyang naka-kuyom.
"Alam mo bang walang araw na hindi ka sumasagi sa isip ko? Siguro nga, baliw na ako. Sumasaya ang puso ko pag nakikita kita. Kung pinakinggan mo lang lahat ng sasabihin ko noon, hindi sana ganito ang sitwasyon nating dalawa. Ngayong sinusubukan kong ilapit ang sarili ko sa'yo, hindi mo naman ako kayang pagbigyan." Malungkot na tumitig ito sa kaniyang mga mata.
"A-ano bang sinasabi mo?" Nagugulumihanang tanong ng dalaga.
"Sabi ng puso ko, gusto ka niya. Na mahal kana yata niya. Pero handa siyang magparaya para lang mabigyan mo ng pansin ang taong mas nararapat mong pag ukulan ng atensyon sa ngayon." Patuloy nito at mas lalong hinigpitan ang pagkaka hawak sa kamay niya.
Kumakabog ang dibdib ni Jecka ng mga sandaling iyon, tila naninikip pati ang paghinga niya.
"Kapag pumayag kang makinig sa lahat ng sasabihin ng mommy mo, pinapangako kong kahit anino ko ay hindi mo na makikita. Titigilan na kitang pestihin. Kahit sukdulan ang pagtutol ng puso ko." Mapait na tinig ni Brent.
Napamaang naman si Jecka sa naririnig. Tila may isang bahagi sa puso niya ang hindi nakiki-ayon.
"Hindi mo na ako makikita." Dagdag pa ni Brent.
BINABASA MO ANG
IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: Gracey
RomanceBRENT LORENZO, certified hunk. Mula nang mabigo sa ninanais na pag ibig ay naging mataas na ang standard pagdating sa babae. ALYANNA JECKA SUAREZ, from being timid and simple beauty, she turned into a daring and alluring woman. Ordinary beauty. No s...