"CORONARY ARTERIES disease is where the arteries in the heart are blocked.
She needs to undergo in a bypass operation, this is a very cretical heart illness Jecka." Wika ni Almond habang kinakausap ang dalaga.
"Kapag na-operahan na ba siya at natanggal ang bara sa puso ng mama ko ay gagaling na siya?" Pagtitiyak ni Jecka.
"It depends, pero mostly basta walang serious side effects maliban sa mga pitty feelings na mararamdaman niya. Still she needs to stay in icu for two days after the operations, to monitor if the oxygen in blood arteries are doing good." Pagpapaliwanag ng binata.
Para namang nakahinga ng maluwag kahit konti ang dalaga.
"Gawin mo na ang nararapat dr. Marquez." Sabat ni Brent sa tabi ng dalaga.
"Masyado ka namang pormal, Brent. Almond nalang." Bahagyang nakangiting wika ni Almond.
"Ngayon palang ay salamat na, Almond." Ganti ni Brent ng ngiti.
Pagkatapos ng usapan nila sa pribadong opisina ni Almond ay agad isinagawa ang operation ni Carmela.
Panay ang usal ni Jecka habang nasa labas ng operating room. Suportado naman siya ng mga kaibigan. Wala ring pahinga ang mga ito. Lalong lalo na si Brent na personal pang nag aasikaso sa kinakailangan ng kaniyang ina. Nais pa nitong sagutin ang malaking halaga para operasyon, ngunit hindi na siya pumayag dahil kaya naman niya ang gastusin.
Naramdaman na lamang niya ang paghawak nito ng mahigpit sa isang kamay niya.
"Don't worry magiging okay si tita Carmela. Marami pa kayong dapat bawiin sa isat-isa." Pagbibigay lakas nito sa kaniya.
"Maraming salamat ha? Sa lahat-lahat ng naitulong mo." Ganti ni Jecka, habang nakatitig sa binata.
Tila may kakaibang damdamin ang muling nabubuhay sa kaibuturan niya ng mga sandaling iyon. Kung hindi marahil kay Brent ay hindi sila magkaka-ayos ng ina.
"Your welcome." Bagama't nakangiting sumagot ang binata ay may lungkot naman siyang nadarama.
Dahil may nabuo na siyang desisyon.
Nasa ganoong posisyon sila ng dumating si Gwel.
"Aj!" May pagmamadaling lumapit ito sa dalaga.
Agad na nagyakap ang dalawa. Halos mag-isang linya nalang ang mga kilay ni Brent.
"How's tita Carmela? Sorry ha? Ngayon lang ako nakasunod." Anito.
"Nasa loob pa, hindi pa tapos ang operation." Sagot ng dalaga.
"Don't worry everything will gonna be okay." Wika ni Gwel at masuyong tinapik ang pisngi niya.
Kinukot-kot naman ng panibugho si Brent ng mga oras na iyon. Dahil hindi niya matagalan ang nakikita ay mabilis siyang tumalilis.
Natagpuan na lamang niya ang sarili sa chapel ng hospital.
'Panginoon, hindi ko maintindihan ang plano mo para sa akin. Nang una akong nagmahal ay binawi ng isang trahedya, pero tinanggap ko ng buong puso. Dumating ang ikalawang pagkakataon ngunit nakatakda naman sa iba, pero nagpaubaya pa rin ako. Ngayong sigurado na akong muli sa nararamdaman ko, bakit parang mailap pa rin ang pag ibig sa'kin?' Piping dasal ng binata habang nakaupo.
Muling bumalik sa balintanaw niya ang una niyang pag ibig na nagwakas sa isang trahedya. Mariin siyang napapikit at mukha ni Jecka ang kaniyang nakikita.
Natapos ang halos walong oras na operasyon kay Carmela ng maayos at matagumpay, kinakailangan na lamang itong manatili sa icu upang bantayan ang mga posibleng maging komplikasyon, at masubaybayan kung maayos na ito.
Sinimulan ni Brent ang pagsanay sa sarili na dumistansiya kay Jecka. Bagama't nakaalalay siya. Hanggang lumipas ang dalawang araw at tuluyan ng nailipat sa private room si Carmela.
Hindi naman maintindihan ni Jecka ang sarili, dahil napapansin niya ang mga pag iwas sa kaniya ng binata. Pilit niyang binalewala ang nararamdaman.
"Salamat uli sa lahat, Brent." Wika ng dalaga sa binatang abala sa pagbabalat ng prutas.
Ngumiti naman si Brent, bago sumagot.
"Welcome, kasiyahan kong makatulong at dalangin ko na sana magtuloy-tuloy ang pag galing ng mommy mo."
"Napakalaki ng tulong na naibigay mo sa'min, hijo. Lalo na sa'kin. Maituturing kitang aking anghel." Mahinang bigkas ni Carmela.
"Salamat din po tita. Tulad po ng sinabi ko masaya akong nagkasama na kayo ni Jecka." Aniya na pilit pinapasigla ang tinig. Dahil ito na marahil ang huling beses niyang makikita si Jecka.
...
TULAD NANG naging pasiya ni Brent ay balik normal ang buhay niya. Subsob sa trabaho at pilit winawaksi ang kalungkutan ng puso. Nais din muna niyang pagtuunan ng pansin ni Jecka ang inang nagpapagaling pa. Nakiki-balita na lamang siya sa mga kaibigan.
Isang araw ng dumalaw ang lahat sa hospital, ay napansin ni Carmela na wala si Brent.
"Nasaan nga pla si Brent? Halos Isang linggo ko ng hindi nakikita?" Takang tanong ng ginang.
Napabaling din ng tingin ang dalaga sa mga kaibigan. Kahit siya ay nagtataka na rin. Ayaw man niyang aminin ngunit bigla din ang pagnanais niyang makita ito. Nahihiya lang siyang magtanong.
"Ah, kasi po busy siya. Naging tambak po ang trabaho niya." Alibi ni Miko.
"Busy nga siya masyado, kahit sa opisina ay hindi kami magkita." Sagot naman ni Berry.
"Namimiss ko na nga eh." Makahulugang wika ni Carmela, ngunit lihim na inoobserbahan ang anak na tila malungkot.
"Ikaw lang nakaka-miss, tita?" Tudyong tinig ni Pinky at bumaling ng tingin kay Jecka.
"Oh, bakit ganiyan ka makatingin?" Natitilihang sita ng dalaga.
"Ikaw hindi mo namimiss si mr. Lawyer?" Nakangising mukha ni Pinky.
"A-ano? H-hindi ah!" Tanggi niya pero natatarantang sumagot.
Napahalakhak tuloy si Uno sa reaksyon niya.
"Tigilan niyo ako." Nakangusong wika niya.
Tawanan lang ang lahat, maging si Carmela.
...
ALUMPIHIT si Brent habang nasa pintuan ng elevator ng hospital. Dala ang bulaklak at fruit basket para kay Carmela.
Lumipas na ang halos isang linggo at hindi na siya makatiis na hindi makita si Jecka. Kahit anong sikil niya sa damdamin ay pilit pa rin nitong hinahanap-hanap ang dalaga.
Nang nasa harap na siya ng kwartong nakalaan sa ina nito ay naulinigan niya ang masasayang tinig. Naka-awang ng bahagya ang pintuan kaya't sinipat niya muna ito ng tingin. Sina Jecka at Gwel ang nasa loob.
"Gwel, sige na ayosin mo ang pagsasalita. Huwag kang kabahan." Ani ni Carmela.
Nais na sana niyang pumasok ngunit na-curious siyang makinig.
"I know we've through in different circumtances of life, but when you came into my life, it was like i feel that i could spend the rest of my life with you. Please, will you be my girlfriend?" Titig na titig na wika ni Gwel habang nakahawak pa ng kamay kay Jecka.
Isang malapad na ngiti at tumango ang dalaga.
"Ofcourse Gwel. Yes!" Sagot nito.
Parang pinagsalukban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Brent ng mga oras na iyon. Tila nais niyang sumigaw ng hindi maari. Parang may libo-libong karayom ang tumutusok sa puso niya. Agad niyang binaba sa sahig ang mga dala-dalahan. At nagmamadaling tumalikod ang binata papalayo.
Hanggang makarating ng parking lot ay tila sasabog ang puso niya.
"This is what you want, and this is what you get!" Marahas niyang hinampas ang manibela at pagkaraan ay mapait na ngumiti.
"Oh common' Brent, Matatag kana. Hindi na ito ang unang pagkakataong nasaktan ka at nawalan." Aniya sa sarili at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.
Habang nagmamaneho ay biglang pumasok sa isip niya ang una niyang pag ibig at kung anong trahedya ang nagpahiwalay sa kanila.
...
SAMANTALA, nagtataka naman si Gwel paglabas niya ng kwarto. My isang boquet na bulaklak at basket ng prutas ang nasa pinto.
"Aj? Kanino kaya 'to galing?" Tanong nito sa dalaga.
"Hindi ko din alam." Ani ni Jecka.
"Pero sa petal's galing ang flowers." Dagdag pa niya ng makita ang maliit na tatak ng sariling flower shop.
Naging palaisipan naman sa kanila kung sino ang nag iwan ng mga iyon doon.
Parang may kabang bumundol sa dibdib ni Jecka ng titigan ang mga bulaklak. Daffodils ang mga iyon. At sa pagkakaalam niya iisang tao lang ang mahilig magbigay ng mga naturang bulaklak.
'Hindi kaya? Oh god! Si Brent!' Sigaw ng isip niya.
"Narinig ka niya tayo kanina?" Wala sa loob na bulalas ng dalaga kay Gwel at napahawak sa braso nito.
"Huh? Sino? Anong sinasabi mo?" Kunot nuong tanong ni Gwel.
"Si Brent! Siya lang ang pwedeng magbigay ng mga ganiyang flower's." Kagat labing sagot niya.
"Baka narinig niya tayo kanina kaya hindi siya tumuloy?" Dagdag pa niya, bakas ang pag aalala sa mukha ng dalaga. Kaya't dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Brent.
BINABASA MO ANG
IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: Gracey
Любовные романыBRENT LORENZO, certified hunk. Mula nang mabigo sa ninanais na pag ibig ay naging mataas na ang standard pagdating sa babae. ALYANNA JECKA SUAREZ, from being timid and simple beauty, she turned into a daring and alluring woman. Ordinary beauty. No s...