FINALE

5.6K 145 14
                                    

  "JECKA!!!" Sigaw ng tinig sa di kalayuan.

Agad na napalingon ang dalaga sa pinang-galinan ng tinig.
Bahagyang napangiti siya ng makitang kumakaway si Pinky sa kaniya.

Marahan siyang naglakad patungo sa kinatatayuan ng kaibigan.

"Kain na tayo girl. Kanina ka pa namin hinihintay." Anito at hinila siya.

"Sorry akala ko mauna na kayo eh." Sagot niya habang nasunod dito.

Parang fiesta ang dami ng pagkaing nasa mahabang mesa na nakalaan sa kanila. Iba't-ibang pagkain ang naroroon, kaya hindi niya maiwasang magtanong.

"Ang daming pagkain, anong meron?"

Napangiti naman si Berry.

"Celebration nating lahat kasi okay kana. Simula ng dumating ka wala pa tayong bonding. Paran thank's giving na rin." Sagot ni Berry.

"Anak, mahal na mahal ka talaga nitong mga kaibigan mo.Talagang nagsadya pa silang lahat upang mabisita ka." Nakangiting wika ni Carmela.

"Salamat ulit sa inyong lahat." Aniya.

"Ops! Bawal mag-emote. Kain na ang daming Pagkain." Ani Miko.

Lalong natigilan ang dalaga ng makita ang ilan sa mga pagkaing nasa harapan niya. Steam lapu-lapu, roasted chicken at veggies.

"M-may ganitong food na bang seni-served dito sa resort?" Maang na tanong niya.

Sa hindi mabilang na pagkakataon na pumunta at namalagi siya sa resort ay ngayon lang yata niya makakain ang mga iyon dito.

Ang mga pagkaing madalas iluto ni Brent sa kaniya!

"Baka meron na ngayon lang." Natatawa at inosenting wika ni Ferdz.

Hindi kumibo at alanganing ngumiti nalang siya. Nang tikman niya ang mga pagkain ay talagang lalong kumakabog ang dibdib niya. Pati timpla ng lasa pareho!

'Stop it Jecka! Praning kana talaga.' Saway niya sa sarili habang nakain.

Matapos kumain ay agad na nagpaalam ang dalaga sa lahat. Okupado ng mga bagay na konektado kay Brent ang nasa isip niya.

"Girl, baka maisipan mong dumaan sa dulo ng beach, may magandang fire dance show doon, try mong puntahan." Pahabol ni Berry ng tumayo na siya.

Tumango at tipid na ngumiti lang dalaga bilang pagsagot.

Hindi niya pinagkaabalahang pagtuonan ng pansin ang sinabi ni Berry. Dahil parang naninikip ang dibdib niya ng mga oras na iyon. Gusto niyang mapag isa. Kaya't lakad takbo ang ginawa niya.

Sa kahabaan ng mga puting buhangin at hindi crowded na bahagi napadpad si Jecka. Hinihingal siyang napaupo sa buhangin.

"Nasaan kana ba? Nakakainis ka! Miss na miss na kita!" Napalakas na bulalas niya.
Ngunit tanging hampas lang ng alon at ihip ng malakas na hangin ang naririnig ng dalaga.

"Brent!!!!!!" Ubod ng lakas niya sigaw habang nakatingin sa madilim na karagatan. Nanghihinang napaupo siya na Kasabay ng pagtulo ng luha niya.

Ilang minutong pinakawalan at hinayaan ng dalaga ang damdamin upang maibsan ang bigat na nadarama. Pagkaraan ay nanlulumong tumayo si Jecka. Hilam ang mga luhang naglakad siya na hindi alam kung saan ang tungo.

Mahabang paglalakad ang ginawa niya hanggang marinig ng dalaga ang mga palakpakan at hiyawan. Nang magtaas siyang ng paningin ay natanaw niya ang umpukan ng mga tao na napapaligiran ng mga nagbabagang apoy.

Naisip niyang ito marahil ang fire dance show na tinutukoy ni Berry, kasabay ng tugtuging akma sa kilos at galaw ng mga naka~bikining dancer. Saglit na tumigil at pinanuod ng dalaga ang pagsasayaw at exhibition ng mga ito. Bahagyang naaliw siya sa pinamamalas na galing ng bawat mananayaw.

Habang nalilibang ang dalaga, nabigla pa siya ng pumunta sa gawi niya ang isang dancer at hinila siya sa pinaka-gitna. Alanganing sumunod ang dalaga. Napapalibutan ng mga manunuod at siya lang ang nasa gitna habang naka-hilera ang mga fire dancer. Sa gulat ni Jecka nahati sa dalawa ang formation at bumulaga sa kaniya ang isang napakalaking hugis pusong mga maliit na kandila na naka-formed sa buhangin. May mga sariwang petals din ng bulaklak at kung hindi siya nagkakamali ay mga talulot iyon ng daffodils.

Ngunit ang higit na nakapagpabigla sa kaniya ay ang taong nakatayo nasa gitna ng puso. At sa harapan dito ay ang maliit na bonfire. Literal na nagliliyab ang paligid habang nakangiting nakatitig ito sa kaniya. Nanginginig at tutop niya ang bibig sa pagpigil ng impit na iyak.
Isang dancer na lalaki ang umalalay sa kaniya papunta sa malaking puso.

Nang abutin ni Brent ang kamay niya ay tuluyan ng napahagulhol ang dalaga. Lalo pa ng yakapin siya nito. Dama niya ang init at pananabik sa bawat higpit ng yakap ng binata.

"B-brent!" Aniya at mariing pumikit.

"Twinkle." Anito.

Ganoon din si Brent habang dinadama ang init ng katawan ng dalaga. Sa loob ng mahigit na dalawang buwan na palihim lang niyang niyayakap at hinahalikan ang nobya ay hindi sapat.

Hindi nila alam kung gaano sila katagal na magkayap. Maya-maya pa ay naunang kumalas si Jecka at sinapo ang dalawang pisngi ng binata.

"B-bakit ngayon ka lang ha? Miss na miss na kita! Sorry sa lahat ng mga nasabi at ginawa ko..So.." Natigil ang iba pang sasabihin niya ng sakupin ni Brent ang labi niya. Puno ng pananabik at init ang bawat dampi nito. Wala silang pakiaalam sa mga taong kinikilig at napapa tutop ng bibig sa nasasaksihan kasama na ang mga kaibigan nilang nakangiti.

Habol hininga ng maghiwalay ang mga labi nila. Pagkaraan ay pinagdikit ni Brent ang mga nuo nila.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad, Twinkle. Dahil kasama mo ako sa lahat." Anito at sinalubong ang tingin niya.

"Pa-paanong?" Puno ng kalitulang tanong niya.

Ngumiti ang binata bago nagsimulang magkwento.

Inamin nitong siya ang umayos ng lahat upang madala siya sa new york. At tama ang hinala niya na kasama niya ito sa eroplano ng mismong pag alis nila. Sadyang dinala ni Brent si Jecka sa Albany kung saan isang doctor dermatologist ang pangalawa at nag iisa niyang kapatid na babae, walang iba kundi si Candice. Naisip niyang doon magpagamot ang nobya dahil ang fiancee' ni Candice na si Marlo ay isa namang specialist opthalmologist. At si Brent lahat ang gumastos.

Halos walang masabi si Jecka sa mga inaamin ng binata.

"You mean hindi nagkataon ang pagkaka-kilala namin nina Candice at Marlo?"

"Yup. Pinakiusapan ko sila na bantayan ka dahil hindi ako makalapit ng pormal sa'yo. Kaya nga tuwing tulog ka lang ako nakakahalik at nakikipag usap sa'yo." Parang batang wika ni Brent at hinapit siya sa beywang.

Kaya pala halos lumuwa ang mata niya ng makita si Candice. Dahil kapatid nga ito ng binata.

"Hindi ba binanggit ko sa'yo na ang family ko ay nasa amsterdam? At may dalawa akong kapatid. Isang doktora at isang car racer. But i'm glad na nawala sa isip mo 'yon." Anito at natawa ng magaan.

Ngayon ay lubos na natagni-tagni ng dalaga ang lahat. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yon?

"Oh, Brent!" Aniya at siya na ang yumakap ng mahigpit dito. Hindi pala siya talaga nagha-hallucinate pag nararamdaman niya ang mga halik at boses nito tuwing gabi noong nasa hospital pa siya.

"Gusto kong irespeto ang desisyon mong lumayo muna sa'kin. Now that we're back in each other's arms please let me do this." Dagdag ng binata at pagkaraan ay lumuhod ito sa harapan niya at pumailanlang ang isang awitin.

You are the candle,
love's the flame
A fire that burns through
wind and rain
Shine your light on
this heart of mine
Till the end of time
You came to me like
the dawn through the night
Just shinin' like the sun
Out of my dreams and into my life
You are the one, you are the one

Parang gustong manlambot ng mga tuhod ng dalaga sa nangyayari. Hawak lamang ni Brent ng mahigpit ang dalawang kamay niya. Kasabay ng init na nagmumula sa bonfire ay ang pag-uumapaw ng pag ibig ni Brent.

Said I loved you but I lied
'Cause this is more than love
I feel inside
Said I loved you but
I was wrong
'Cause love could
never ever feel so strong
Said I loved you but I lied

With all my soul
I've tried in vain
How can mere words
my heart explain
This taste of heaven
so deep so true
I've found in you
So many reasons
in so many ways
My life has just begun
Need you forever,
I need you to stay
You are the one,
you are the one...

"H-hindi kaba galit sa'kin dahil pinagtabuyan kita at sinabi kong layuan mo na ako?" Tanong ng dalaga na panay ang landas ng luha.

Masuyong ngumiti si Brent at umiling.

"Kung sinunod kita na lumayo sa'yo, para mo na rin sinabing itigil ko nang huminga at mamatay na ako. Kasi nagsinungaling ako sa'yo na mahal kita."

Maang na napatitig ang dalaga sa huling sinabi nito. Nalilito at kumakabog ang dibdib niya.

"Oo nagsinungaling akong mahal kita. Kasi ang totoo higit pa ito sa pagmamahal, ikaw ang bawat paghinga at pintig ng puso ko, Mahal na mahal kita." Madamdaming pahayag nito.

Mula sa bulsa ni Brent ay inilabas niya ang isang maliit na pulang kahita. Tumambad sa dalaga ang isang diamond ring.

"Alyanna Jecka Suarez, will you spend the rest of your life with me? Will you marry me?" Anito at inumang ang makislap na singsing.

Napatutop ng bibig ang dalaga sa sinabi ng binata. Pati ang mga naroon ay pigil hininga sa nasasaksihan. Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago sumagot.

"Ikaw ang pangarap kong pag ibig. At ngayon ay abot kamay na kita. Mahal na mahal din kita, and Yes i Will marry you Brent Lorenzo!" Sagot niya habang dumadaloy ang luha. Ang luha ng kaligayahan niya.

Hiyawan at palakpakan ang mga taong nakapaligid sa kanila.

"Thank you my Twinkle." Nangingislap na mga mata ng binata at muling sinakop ng buong pagmamahal ang labi ng dalaga.

Habang magkahugpong ang mga labi nila ay itinaas ni Brent ang kanang kamay at nag-sign ng approved. Pagkaraan ay mga maningning at makukulay na fireworks naman ang naglipana sa kalangitan. Lalo namang ikinamangha ng mga naroroon. Pinaghandaan ni Brent ang mga sandaling iyon ng pagpro-prose.

Wala nang mahihiling pa si Jecka ng mga oras iyon. Parang gusto ng sumabog ng dibdib niya sa kaligayahan.

Matapos ang ilang sandali ay isa-isa nang naglapitan ang lahat sa kanila. Ang akala ni Jecka ay tapos na ang sorpresa ng gabing iyon ngunit sa pagkagulat niya ay nandoon din ang buong pamilya ni Brent.

"Hi beautiful!" Bati nina Candice at Marlo.

"Candice! Marlo!" Gulat na niyakap niya ang mga ito. Masaya din itong gumanti sa kaniya.

Pagkaraan ay dalawang may edad na mag asawa ang nakangiti ring lumapit.

"Twinkle meet my mom and my dad." Pakilala ng binata.

"Nice to meet you, Jecka. Welcome to the family." Magiliw na wika ng ina nito.

"My son had a good choice. Mana talaga sa'kin." Nakangiting sabat naman ng ama nito.

"Maraming salamat po. Nice to meet you din po sa inyo." Aniya na sobrang overwhelmed ang pakiramdam.

"Hi sis! I'm Jared! The younger and the racer of family Lorenzo." Sabat ng maypaka-chinito at gwapong binata.

Nakangiting tinanggap din ni Jecka ang yakap nito.

"So, let's have a dinner again. Sana nagustuhan mo 'yong specialty kong hinanda kanina." Pagkuwa'y wika ng binata.

Muling nanlaki ang mata ng dalaga sa narinig.

"Ikaw talaga may luto ng mga 'yon?"

"Yup. Para hindi mo ma-miss masyado. At pag mag asawa na tayo araw-araw kitang bubusugin ng ganoon." Nakangiting baling nito sa kaniya.

"Naku po! Baka ibang 'busog' 'yon?!" Pilyong hirit ni Miko.

Namumulang ngumuso si Jecka sa lahat na kinatawa ng mga nandoon.

"Kasalanan na!" Chorous wika ng magkakaibigan.

...

PAYAPA at maaliwalas na kalangitan ang sumasalubong sa napaka-espesyal na iyon. Mga makukulay at buhay na buhay na mga bulaklak ng daffodils sa buong paligid ang makikita. Tila nasa isang paraiso ang lugar na sinamahan pa ng mabibining huni ng mga ibon. Pati ang sariwang simoy ng hangin na nagbibigay ng preskong pakiramdam sa lahat.

This is the day that god will bind the two hearts as one. The moment that Brent and Jecka will take a vow to each other. The solemnly wedding are indeed to happen.

Handa na ang lahat kay gwapo at kay gaganda ng mga abay, na kinabibilangan nina Miko, Ferdz at Uno. Samantala sina Berry, Marjorie, Candice naman ang mga secondary sponsor. Best man ni Brent ang nakababatang kapatid at brides maid naman si Pinky. Si Pinky na kanina pa naiirita dahil sa mga pakindat kindat at pangiti-ngiti ni Jared.

Ayon na rin sa kagustuhan ni Jecka isang garden wedding ang theme, at sa isang exclusive garden venue sa tagaytay ito ginanap. Halos magmukhang paraiso ang buong lugar sa dami ng mga bulaklak. Tri-color din ang motif nila na kombinasyon ng White, Pink and yellow.

Nang bumungad na ang pinakahihintay ng lahat ay parang hindi makahinga si Brent na napaka-gwapo din sa suot nitong tuxedo. Upon seeing her lovely bride. Wearing a bare back lacey wedding dress na nagpalitaw sa model body nitong tinataglay. With cute daffodils turban in her head. Truly simply yet breath-taking bride as she begun to walked in a red carpet.

Isang sikat na chorale din ang napili ni Brent na kumanta para sa mga sandaling maglalakad na ang pinakamamahal niyang babae.

I would give up everything
Before I'd seperate myself from you
After so much suffering
I finally found unvarnished truth
I was all by myself for the longest time
So cold inside
And the hurt from the heartache would not subside
I felt like dying
Until you saved my life

Thank God I found you
I was lost without you
My every wish and every dream
Somehow became reality
When you brought the sunlight
Completed my whole life
I'm overwhelmed with graditude
'Cause baby I'm so thankful I found you

Nakakadala ng emosyon ang bawat himig ng mga kumakanta pati na meaning ng napiling wedding song. Kaya't hindi na napigilan ng mga taong higit na nakakaalam ng kwento sa pag iibigang iyon ang mapaluha. Higit kina Jecka at Brent na parehong namamasa na ang mga mata.

I will give you everything
There's nothing in this world I wouldn't do
To ensure your happiness
I'll cherish every part of you
'Cause without you beside me I can't survive
Don't wanna try
If you keeping me warm each and every night
I'll be allright
'Cause I need you in my life
Cause baby I'm so thankful I found you...

Love is most powerful than anything else, even in the most difficult trials. Iyan ang napatunayan nilang dalawa. And now they are claiming their sweetest prize.

Buong pagmamahal na inabot ni Brent ang kamay ni Jecka sa ina nito at matapos magpasalamat.

Upon the exchanging of their vow's is really teary eyed.

"I maybe said that you have no 'spark' from the start. Pero isang pagkakamali iyon dahil hindi ako naghintay ng tamang oras para makita ko sila sa mga mata mo. The twinkle in your eyes are really sparkling. At naisip kong walang bituin na kumikislap sa umaga. Pero nagkamali pa rin ako. Dahil hindi lang kislap at ningning ng mga mata mo ang kailangan ko. Ang bawat pintig ng puso ko ay sa'yo nang-gagaling. And i would rather than to die IF I CANNOT HAVE YOU, my twinkle. As this day on i promise to love and respect you as my half of my everything. I love you." Puno ng pagmamahal na nakatitig ito sa dalagang umaagos na naman ang luha.

Sa pagitan ng mga luhang nagsilandas ay ngumiti at nagsimula namang magsalita si Jecka.

"You are the love and man that i've waiting for. My fairytale is started. You we're just the dream that i could ever dreamed of. Dumating ang sandaling pilit kitang nilalayuan, pero ikaw ang tadhanang naka-ukit sa libro ng buhay ko. You've never give up, when i'm given up. You stood all along when i can't stand stall. And most specially, you were my eyes and my light during my into darkest waterloo. At this moment and till in my last breath, i will love you. Mahal na mahal kita. Thank you for everything my handsome." Kahit garalgal na tinig at sa pagitan tumutulong luha ay buong pusong natapos ni Jecka ang mensahe para sa binata.

Maluha-luhang nag-abot ang kanilang mga labi.

Everyone is wiping of their tears. How wonderful to witness the beautiful love story that had been through in a struggles, yet conquered everything, because the magic of love does it all.

Natapos ang seremonya ng kasal na punong-puno ng pag ibig at kasiyahan. Lahat ay masaya maliban kay Pinky na panay ang luha.

"Tama na Pinky. Pumapangit kana 'yong make up mo humuhulas." Natatawang kantiyaw ni Miko.

"Bakit ba iyak ka ng iyak?" Segunda ni Uno.

Singhot-singhot na sumagot si Pinky.

"Kasi ako nalang ang tigang! Mga besty ko my mga love of their life na. Paano na ako? I'm turning twenty eight next month pero napag iwanan na ako." Anito at nagpupunas ng luha.

Mga malalakas na halakhak ang namayani dahil sa sinabi ng dalaga.

"Bru naman ang bata mo pa. Don't worry prince charming is on the way." Hindi mapigilang matawa ni Berry.

"I'm already here my lovely pink." Biglang sulpot ng charming na si Jared.

Mga mapanuksong tingin ang natanggap ni Pinky sa biglang sabat ni Jared.

"My god! Pwede ba Totoy! Tigilan mo nga ako." Nakangusong nagmartsa papalayo ang dalaga sa umpukan at naiwang pangiti-ngiti si Jared.

"Totoy ka daw bro?" Nakangising tukso ni Ferdz.

"Two years gap lang kami ni lovely pink." Anito at ngumiti ng matamis.

"I smell love story again!" Bulalas ni Miko.

...

PAGKATAPOS ng nakakapagod na reception ay tumuloy muna ng resort ang mag-asawa, bago tuluyang pumunta ng hawaii for their honeymoon.

"Brent!" Impit na tili ni Jecka ng buhatin siya ng asawa papasok ng sariling cottage nito.

"Twinkle this is night that.." Anito na sinabayan ng ngisi.

Kinakabahang na-eexcite naman si Jecka sa magaganap.

Marahan siyang inilapag ng asawa sa naghihintay na kama. Walang anumang salita ang namumutawi sa kanila. Pagkaraan ay masuyong tinanggal ni Brent ang vail-turban niya hanggang bumaba ang labi nito sa nakaawang niyang labi. Banayad at masuyo ang paraan ng pag angkin ni Brent sa malambot na labi ng asawa. Hindi naman siya binigo nito dahil buong init din itong tumugon. Hanggang sa maging pangahas at mapaghanap na ang bawat dampi ng labi ni Brent. Pati ang mga pinagpalang mga palad ay nagiging malikot. Bahagyang napasinghap si Jecka ng maramdaman ang mainit na palad ng asawa na pumipisil sa dibdib niya.

Hanggang sa hindi na niya namalayan ang pagkawala ng mga saplot nilang pareho ni Brent. Darang na darang na sila sa init ng kanilang mga katawan. Jecka is starting to moan and gasping. Until the first entrust, it was painful for her. Ngunit ang mga sumunod na sandali para sa kaniya ay ang hindi malirip na pakiramdam. Hanggang makailang ulit nilang inakyat ang langit.

"I love you." Masuyong bulong ni Brent habang yakap ang hubad na katawan ng asawa. Makalipas ang mainit nilang sandali.

"I love you too." Ganti ng dalaga at ngumiti.

"Habol tayo sa baby Heaven nina Berry at Uno." Pilyong anas ni Brent at muling umibabaw sa asawa.

"Brent!" Natatawang Impit ni Jecka. Dulot ng kiliti at sensasyong binubuhay nitong muli.

At they started to climb again in the ladder of what we called 'cloud nine'.

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon