Chapter 17

3.1K 84 0
                                    

  NANLULUMONG binaba ni Jecka ang cellphone.

"Ayaw niyang sagutin, Gwel." Nag-aalalang baling niya sa binata.

"Teka nga, bakit ka ba concerned masyado kung narinig niya tayo kanina?" Nakangiting tudyo nito.

Mabilis na napatitig ang si Jecka kay Gwel.
"H-hindi naman kaya lang.." Naputol pa ang iba pa niyang sasabihin ng magsalita ito.

"Ops! Huwag ka ng magpaliwanag, i knew and i feel it. Baka magselos siya?"

"Gwel!" Iwas ng dalaga. Paano ay nasasaling ng panunudyo nito ang tunay talaga niyang damdamin para kay Brent.

"Ayaw pa kasi umamin." Hirit pa nito.

"Tigilan mo na nga ako, Gwel. Itatanong ko lang naman kung..ano eh, kung sa kaniya galing 'yong flowers and fruits." Pagdadahilan pa niya.

"Sige na nga, kunwari naniniwala na ako." Anito at pasipol-sipol na lumabas ng kwarto.

Bakit nga ba kailangan niyang magpaliwanag? Biglang naisip ng dalaga ang ginawa. Hindi nga kaya bumabalik na namang muli ang damdaming pilit na niyang kinakalimutan para sa binata?

Halos buong gabi siyang naghintay na magbabalik ng tawag ang binata, ngunit bigo lamang siya dahil hindi ito nagparamdam.

...

TUNOG at ingay ng cellphone at sinasabayan pa ng telopono niya ang nagpagising sa kamalayan ni Brent.

Sapo ang masakit na ulo ng sagutin niya ang cellphone.

"Hello?" Medyo iritableng wika ng binata.

"Sir? On the way na po ba kayo papuntang airport?" Tanong ng secretary niyang si Cassey.

"Airport?" Kunot-nuong tanong ni Brent.

"Naku sir, nakalimutan mo talaga. Diba ngayon ang flight niyo to singapore, together with the chairman. Kahapon ko po binigay sa'yo 'yong plane ticket mo. Sir malalate kana." Nag-aalalang wika nito.

Tila natauhan ang binata at agad na napabalikwas.

"Okay, what time ang flight?"

"Eleven am po. You still have one hour and thirty minutes left sir."

Pagkarinig ng sinabi nito ay agad na nagdali-dali ang binata. Ngayon nga pala ang business trip niya patungong singapore, kasama ang ceo ng society magazine.

"Oh shit!" Napapa-mura na siya sa pagka aligaga.

Nawala talaga sa isip niya ang importanteng lakad. Masyadong okupado sa pagpapakalunod niya ng alak kagabi ang buong huwisyo. Hindi niya nga alam kung paanong nakauwi pa siya ng buhay. Madaling araw na natapos ang pagdra-drama niya dahil kay Jecka.

Parang ipo-ipong nagmamadali ang binata. Nakakahiyang paghintayin ang pinaka boss ng kilalang magazine ng dahil sa pagka-iresponsable niya.

Habang si Jecka naman ay halos hindi nakatulog, panay ang tingin niya sa cellphone. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Carmela.

"Anak, kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa cellphone mo, may hinihintay ka bang tawag?" Hindi makatiis na puna ng ginang.

Nahihiyang napatingin ang dalaga sa ina

"A-ah, wala naman po ma'." Aniya at nag iwas ng tingin.

"Anak, tell me baka makatulong ako."

Malungkot na tumabi ang dalaga sa ina. At nagsimulang magkwento tungkol sa hindi niya maintindihang nararamdaman.

"Bakit hindi mo aminin sa sarili mo na hindi talaga siya nawala sa puso mo? Na nandiyan pa rin ang espesyal na pagtingin mo sa kaniya. Sa nakikita ko naman, ganun din siya sa'yo anak. Kung paano ka niyang tingnan, at mga bagay na ginawa niya para sa'yo. Give a him a chance." Mahabang wika ni Carmela.

"Pero natatakot na kasi akong umasa ulit, baka dahil nagbago lang physical kong itsura kaya niya ako napansin muli, mama." Aniya at nangingilid ang mga luha.
"Then lately, parang iniiwasan na niya ako. I don't know pero namimiss ko talaga siya. Pinipigilan ko po pero hindi ko kaya." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ng dalaga.

"Why don't you talk to him in person? At kung tama ang hinala mong nagpunta siya dito kahapon, i think mas lalong dapat mo nga siyang makausap. Baka nagkamali siya ng narinig." Naiiling at nangingiting wika ni Carmela.

Dahil kahapon ay nagre-rehearse lang talaga si Gwel ng gagawin niyang proposal para sa nililigawan na darating din ng pilipinas. Nagpapa-tulong lang ito sa kanila ng kaniyang ina.

Ngumiti lang ang dalaga at muling dinial ang numero ni Brent. Ngunit nakapatay na ito. Kaya't naisip niyang tawagan si Berry.

...

HABANG LULAN ng eroplano patungong singapore si Brent ay saka niya naalala ang cellphone. Pagkapa niya sa bulsa ay wala, pati ang dalang handcarry bag, ay halos maibuhos na niya ang laman ngunit wala pa rin.

Mariing napapikit nalang siya sa pagkairita. Marahil sa pagmamadali niyang makaalis ay naiwan ito. Muling sumagi sa masakit niyang ulo ang mga tawag ni Jecka na hindi niya pinapansin. Dahil mas nararamdaman lang niya ang pagkabigo at ang mga narinig ng sagutin nito si Gwel.

Samantala, may pagmamadaling sinagot ni Jecka ang returned call ni Berry, na kanina pa niya inaantabayanan.

"Girl, nasa business trip daw si Brent, early this afternoon ang flight niya with our chairman going to singapore. May kailangan kasing ayusin sa society singapore base." Ani ni Berry.

"Ganun ba, kailan daw siya babalik?"

"According to his secretary, more or less two weeks."

Lalong nakadama ng pagkadismaya ang dalaga sa narinig.

"Importante mo ba siyang makausap? If you want, pwede naman akong tumawag sa singapore para pag dumating si Brent doon ay makapag-returned call sa'yo." Ani ni Berry.

Isang malungkot na buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga bago muling nagsalita.

"Never mind girl, makakapag hintay naman 'yong sasabihin ko. Thank you ha." Ani ng dalaga.

Ramdam ni Berry ang lungkot sa tinig ng kaibigan.

"Welcome, sige i will try to call him." Wika ni Berry at nawala na ito sa linya.

...

TULUYAN nang nakalabas ng hospital si Carmela matapos ang dalawang linggo pananatili nito sa pagamutan. Inuwi na rin ito ni Jecka sa kaniyang unit upang magkasama na silang mag-ina. Kumuha na din siya ng makakasama nito habang nagpapa galing.

Tulad ng kaniyang nais ay hindi na rin siya tumanggap ng mga offer upang magmodelo. Balik normal at focus na ang dalaga sa pagma-manage ng business niya.

Habang si Brent naman ay sobra ang pagka-abala sa singapore. Hindi na niya nagawang magparamdam sa mga kaibigan. Bagama't namimiss niya si Jecka.

"Hay ang mama, nasa mars ata' ang isip." Untag ni Arida sa boss.

Nakatulala lang ito sa mga papeles na nasa lamesa.

Patamad na nilingon ng dalaga ang assistant.

"Kanina ka pa diyan?"

"Aha, tinubuan na nga ako ng ugat. Pero ikaw naman ay tulaley lang." Anito at binuka pa ang mga palad.

Muli niyang tinuon ang atensyon sa ginagawa.

"In love ka siguro ka noh?" Nakangising tanong nito.

"Paano mo naman nasabi?"

"Simula kasi ng bumalik ka dito, ganiyan kana. Parang kasing lalim ng dagat ang iniisip mo."

"Hindi ah. Magtrabaho kana nga doon." Taboy ng dalaga sa makulit na bakla. Baka mabuko pa siyang iniisip talaga niya ay si Brent.

Hindi man lamang ito nagpaparamdam.
Lalo tuloy siyang nalungkot.

...

PAGKARAAN ng dalawang linggo ay bumalik na rin ng bansa si Brent. Ngunit hindi pa nakakauwi sa sariling unit ay kailangan na naman niyang makipag meeting sa isang stock holder, ng sarili niyang law and accounting firm.

Sa isang five star hotel siya dumeretso upang makipag-meeting. Hindi inaasahang mamataan niya ang isang pamilyar na pigura.

Si Gwel na may kasamang mestisang babae. Magkahawak kamay pa ang mga ito habang sweet na magkaharap sa mesang ilang distansya ang layo sa kinaroroonan niya.

Kunot nuo niyang pinagmamasdan ang dalawa. Tila biglang kumulo ang dugo niya sa nakikita. Maliwanag na nagtataksil ang lalake kay Jecka.

Kuyom ang mga kamao ng mag-smack kiss pa ang mga ito. Nang gigil siya at nais na niyang pilipitin ang leeg ni Gwel.

"Mr. Lorenzo? Are you alright? Mr. Lorenzo?" Untag ng kaharap niya.

Biglang balik ng realisasyon sa binata.

"Ah, yes mr. Chan? Where are we?" Aniya. Habang pasimpleng humuhugot ng malalim na paghinga.

"Are you alright?" Takang tanong nito.

"Oh Yes, yes let's continue." Pilit na pinapakalma ng binata ang sarili.

Hanggang sa unang lumabas sina Gwel. Nais sana niya itong makausap ngunit hindi na niya naabutan.

Pagdating sa condo niya ay agad niyang tinawagan si Uno.

"Brent! Mabuti naman at dumating kana." Masiglang bati nito.

"Yeah, sorry kasi i left my phone and i'm too much busy in singapore. Anyway can we meet tomorrow night?"

"Exactly! Kasi may hinandang dinner si Shine for tita Carmela, dito sa bahay everyone is coming. Mabuti nalang at nakauwi kana. Seven pm sharp." Wika ni Uno.

"Darating ba si Gwel?" Seryosong tanong niya.

"Sure 'yon kasi he's going back to california na rin. Teka, bakit?" Takang tanong ni Uno.

"Bukas nalang, darating ako." Mahigpit siyang napakapit sa hawak na cellphone dahil sa pagpupuyos ng kalooban. Hindi niya hahayaang lokohin ni Gwel si Jecka.

"Okay, asahan ko." Ani ni Uno.

Napapangiting bumalik sa higaan si Uno, na siya namang paglabas ng banyo ni Berry.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Natatawang sita ni Berry sa asawa.

Lalong lumawak ang pagkaka-ngiti nito dahil hindi niya ipapaalam ang pagdating ni Brent bukas. Surprise ang gusto niyang pagpunta nito.

"Hhmm..Wala. Kasi naamoy kitang mabango eh. Mukhang lalabas na naman ang pagka-tarzan ko ngayong gabi." Pilyong ngumisi ito sa asawa.

"Tse! Mag tigil ka nga." Napapahalakhak na ganti ni Berry.

Hanggang sa puro tilian nalang ang maririnig sa buong silid ng mag-asawa.

...

KINABUKASAN handa na ang lahat para sa dinner, at nang dumating si Brent ay nagulat ang lahat maging si Jecka na napatulala pa ng bahagya.

May kung anong pitlag sa puso niya ang naglilikot at natataranta sa saya.

"Mabuti naman at nakarating ka." Bati ni Uno.

"Alam mong darating siya?" Tanong ni Berry.

"Yup, surprise ko lang sa inyo. Lalo na sa isa diyan." Makahulugang tinapunan niya ng tingin si Jecka.

Pati si Carmela ay agad na nilapitan at niyakap ni Brent.

Maya-maya pa ay dumating din si Gwel. Agad na dumilim ang anyo ni Brent ng makita ito.

"Aj! Sorry i'm late." Anito at hinalikan sa pisngi ang dalaga, pagkaraa'y niyakap ito.

Nang mapabaling ito ng tingin sa kaniya ay magiliw itong bumati.

"Brent! Kailan ka pa dumating?" Akmang makikipag kamay ito ng salubungin siya ng isang suntok ng binata.

"Brent!" Gulat na sigaw ni Jecka.  

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon