Chapter 9

3.3K 86 1
                                    

  NAPAPANGITI si Brent habang pinagmamasdan ang dalagang nakaunan sa dibdib niya. Himbing na himbing pa rin ito at dinig pa niya ang mabibining paghilik nito. Kaya't mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.

Pagkaraa'y napatitig siya sa mapupulang labi ng dalaga, tila nang aakit na mahagkan, nang magtaas siya ng paningin ay napansin niya ang malalantik nitong pilik mata, ang katamtamang tangos ng ilong nito. Akmang hahaplosin niya ang pisngi nito ng bahagya itong gumalaw at siniksik pa lalo ang mukha sa leeg niya.

Kakaiba ang pakiramdam ni Brent habang nakahimlay si Jecka sa katawan niya, tila kay gaan at napakasaya ng puso niya. Ito na yata ang pinaka masayang umaga niya na may kayakap na isang babae, bagama't hindi naman ito ang unang beses niyang magising na may kasamang babae sa higaan. Sadyang iba talaga ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

Samantala, pakiramdam ni Jecka ay may nakayakap sa kaniya. Kaya't dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Parang natuklaw ng ahas ang dalaga ng makita ang gwapong mukha ni Brent na nakangiti sa kaniya.

"Good afternoon, sleeping beauty." Bati nito sa kaniya.

Saka lang siya unti-unting natauhan.

"How dare you! Let me go!" Sikmat ng dalaga.
Akmang itutulak niya ang binata ngunit maagap itong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

"I won't let you go, hangga't hindi ka kumakalma." Aniya.

"Sabi ng bitawan mo ako eh!" Pilit na nagpupumiglas pa rin siya.

"Hindi ako nagbibiro, Jecka. I will kiss you pag hindi ka huminahon." Determinadong wika ng binata.

Bahagyang natigilan ang dalaga sa narinig.

"Good girl ka naman pala." Anito at marahang tinanggal ang pagkakayakap sa kaniya. Kaya dali-dali siyang tumayo at nagwika.

"Baka gusto mo nang umuwi? At saka bakit dito ka pumunta? Alam mo bang nakaka-pwerwisyo ka?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga.

Hindi pa rin natinag si Brent sa pagkakahiga, parang sarap na sarap pa ito habang nakahimlay sa malambot na kama.

"Pwede bang isa-isa lang ang tanong? Una, hindi ko intensyon na maka-istorbo sayo, talagang hinihintay lang kitang makauwi. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako." Alibi ng binata.

"Anong oras ka nakauwi? Dapat hindi ka masyado nagpapalipas ng oras. Alam mong magdri-drive ka pa at mag isa ka lng dito sa unit mo." Salubong na mga kilay ng binata.

Natawa ng mapakla si Jecka sa narinig.

"Wow, concerned ka? Bakit? Kung makapag tanong ka parang boyfriend kita. Hindi ko obligasyon na ipaalam sa'yo kung anong oras ako umuuwi. Kaya stop acting, okay?" Mataray na wika ng dalaga.

"Kung minamasama mo ang pagiging concerned ko, nasa sa iyo na iyan. Pinapa-alalahanan lang kita. And yes i'm not your boyfriend, sa ngayon oo. But we will see." Mariing wika ni Brent na marahang umahon mula sa higaan.

"By the way, ang cute mo palang matulog? Naghihilik na parang baby."Anito ng magtapat sila, pagkaraa'y isang ngiting mapanudyo ang binigay nito.

Napamulagat si Jecka sa narinig.

"A-ano? Naghihilik ako?" Hindi makapiwalang tanong niya.

"Yup, pero maganda ka pa rin." Sagot ng binata at tinapik ang pisngi niya.

Pakiramdam ni Jecka ay nag iinit na ang mga pisngi niya sa hiya.

'Naghihilik ako?! Shock's!' Aniya sa sarili at hiyang hiya.

"H-hoy hindi ah!" Pilit na hinahamig ng dalaga ang nararamdaman.

Tuluyan ng napatawa si Brent sa reaksyon ng dalaga.

"Basta sinasabi ko lang kung anong nakita at narinig ko. Anyway, thank you for the sleep over. See you bye." Anito at kumindat pa sa kaniya, bago tuluyang nawala sa paningin niya.

"Aah!! Kakainis!" Hindi niya mapigilang tili.

Samantala pasipol-sipol pa si Brent habang pababa ng parking lot. Mas lumakas ang kumpiyansa nyang magiging mapalapit muli ang dalaga.

...

MARIING pinindot ni Jecka ang cancel call sa cellphone niya na panay ang tunog. Tila ayaw siyang tantanan ng tumatawag.

"Bakit ba hindi mo sagutin, Aj?" Takang tanong ni Gwel sa pagitan ng pagsubo ng kinakain.

Kasalukuyan silang nagdi-dinner ng binata, matapos ang kalahating araw nilang pamamasyal.

"Don't mind them, kumain nalang tayo. Advertising agency yan, gusto nila akong kuning model. Alam kasi nilang free lancer ako sa Adam's." Balewalang wika niya.

Tatlong araw pa lang ang nakakalipas mula ng lumabas sa media at entertainment magazines, ang malaking launching ng Adam's clothing company, at hindi na rin natigil ang mga kumo-contact na mga kompanya sa kaniya upang maging endorser nila.

"Whoa, syempre hindi ako papayag niyan. Dapat sa'min ka pumirma." Biro ng binata.

"Ay nako, sabi ko na nga ba hihirit ka pa. 'Wag na natin pag usapan yan at alam mo na ang sagot." Naiiling na sagot niya.

Nang biglang mag-ring muli ang cellphone niya. Nang tingnan ni Jecka ang naka-flash sa screen ay si Berry ang natawag, kaya't agad niyang sinagot.

"Hay salamat! Sinagot din!" Bulalas na bungad nito.

"Ha? Ngayon ka lang naman tumawag ah?" Aniya.

"Oo ako, ngayon lang pero 'yong nasa opisina ng society magazine, napudpod na ang mga daliri kakatawag sayo." Sagot ni Berry.

"Society magazine? Bakit?" Takang tanong niya.

"Kasi gusto ka sana nilang isama sa next month issue ng magazine. I mean i-featured ka sa summer issue."

"Alam mo naman siguro ang isasagot ko diba 'bru?"

"Hay nako, hindi ako papayag. And besides wala kang kontratang pipirmahan sa'min. Magpo-post ka lang naman, and it takes a few days for pictorial. At syempre fully compensated 'yon. Hindi mo ako pwedeng tanggihan dahil magtatampo ako." Ani ni Berry.

"Bru, blackmail talaga? What about a dinner in your house?" Masiglang sagot niya sa kaibigan.

"Hhmm, better idea. Sige, asahan kita bukas. Bawal ang indianan huh."

"Sige, don't worry darating ako." Aniya at nang maibaba na niya ang cellphone ay muling niyang tinitigan si Gwel.

"Can you come with me tomorrow night, Gwel?"

"Sure." Mabilis at Nakangiting sang-ayon ng binata.

Isang matamis na ngiti naman ang sinukli ng dalaga.

...

KINABUKASAN NANG gabi hindi inaasahan ni Jecka, na halos kompleto ang mga kaibigan nila na naghihintay sa kaniya. Masiglang sinalubong sila ni Gwel.

Ngunit hindi si Brent, dahil iisang linya lang ang kilay nito ng makita kung sino ang kasama niya. At naka-alalay pa sa kaniya.

"Wow, ang akala ko simpleng dinner lang ito with Berry and Uno." Masayang turan niya.

"Remember, hindi pa tayo nakakapag-celebrate? So dito nalang tayo. Oh hi Gwel! Welcome to our humble house." Nakangiting bati ni Berry.

"Thank you, Berry. Your house is really beautiful. Hindi na ako nagtataka, one of the best architect si Uno." Manghang nililibot ng tingin ni Gwel ang bahay ng mag asawa.

"Wow, thank you for the compliment Gwel." Ani ni Uno na umakbay sa asawa.

Nagsimula ang salo-salo nilang lahat na masaya, ngunit tahimik lang si Brent na nakikinig sa bawat usapan. Ganoon din si Jecka na nagtataka dahil hindi man lamang siya binati ni Brent. At Paminsan-minsan ay lihim niya itong tinatapunan ng tingin.

Natapos ang hapunan na puno ng biruan at kasiyahan, pati si Gwel ay nag-eenjoy sa presensiya ng mga magkakaibigan.

"Bakit ang tahimik mo? Don't tell us na magpapatalo ka sa mestisong bangus?" Untag ni Uno kay Brent habang tahimik itong nakamasid sa fountain ng garden.

"Hindi naman, pinag iisipan ko lang mabuti kung sa paanong paraan ko magagawa ang mga gusto ko." Sagot ni Brent at sumimsim ng alak sa hawak na baso.

"Bilisan mo lang, baka maunahan ka." Ani Uno at binaling ang tingin sa gawi nina Jecka at Gwel na masayang nilalaro ang anak niyang si Heaven.

Napatiim ng tingin si Brent, habang kinukotkot ng selos ang dibdib.

Ilang sandali pa ang lumipas ng makaramdam ng uhaw si Jecka, kaya't pumasok siyang muli sa loob ng kusina.
Lingid sa kaalaman ng dalaga na sinundan siya ni Brent.

Nagulat pa siya pagpihit niya papalabas ng kusina ay nasa likuran na niya si Brent. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na baso.

"Ano ka ba? Bakit bigla ka nalang sumusulpot?" Inis na sita niya sa binatang titig na titig sa kaniya.

Walang anumang sagot mula kay Brent, bagko's ay lumapit pa ito lalo sa kaniya. Tila nakaramdam ng kakaibang pagkabog ng dibdib si Jecka.

Halos pantay na sila ng mapagtanto ng dalaga. Kaya't unti-unti din siyang napapaatras.

"A-ano bang problema m-mo?" Parang may bikig sa lalamunan niya ng muling magsalita. Naramdaman nalang niya na wala na siyang maatrasan, dahil lumapat na sa likod niya ang malaking refregirator.

Patuloy lang sa matiim na pagtitig ang binata.

"T-tumabi ka nga." Akmang lilihis siya ng direksyon ng tinukod ni Brent ang dalawang braso sa ref. At sobrang lapit na ng mga mukha nila.

Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya.  

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon