Chapter 20

3.3K 77 0
                                    

  KANINA pa patingin-tingin si Brent sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa niya. Out of reach kasi ang nobya at nang tawagan niya ito sa shop ay ilang oras na daw itong nakaalis, ayon kay Arida.

"Saan ba siya nagpunta?" Wala sa loob na wika niya. Nais niyang mainis dahil may usapan silang magkikita, ngunit ngayong tinatawagan na niya ang dalaga ay hindi na ito ma-contact.

Samantala, pangiti-ngiti naman si Jecka habang nagdri-drive. Handa na ang lahat para sa surprise dinner niya mamaya para sa nobyo. Sinadya niyang huwag muna tumawag at para mai-set niya ang lahat.
Habang nagdri-drive ay napaka-gaan ng pakiramdam niya.

Nang biglang may sumalubong sa kaniyang out of lane ng kotse. Nanlalaki ang mga matang napasinghap ang dalaga. Tanging mga nakaka-ngilong tunog ng mga matitinis na metal nalang ang bumalot sa kahabaan ng highway.

Napaka-bilis ng mga sumunod na pangyayari. Duguang inilabas ang katawan ng dalaga sa sariling sasakyan, at dahil na rin sa tulong ng mga concerned citizen na mga naka-saksi.

...

PANAY ang tulo ng luha ni Carmela habang pinagmamasdan si Jecka na nasa icu na may kung anu-anong naka-kabit na mga tubo at aparato.

"Tita magiging okay din po Jecka." Pag aalo ni Berry na nagpupunas din ng luha.

"Bakit sa kaniya pa dapat mangyari 'yan, kung kailan lumiligaya na ang anak ko." Impit na wika ng ginang.

"Makaka-survive po si Jecka, f-fighter po 'yan eh." Ani ni Pinky sa pagitan din ng pagpipigil na tumulo ang luha.

Habang si Brent ay halos hindi makatingin ng deretso sa dalaga. Parang dinudurog ang puso niya sa nakikita. Pakiramdam niya ay lumulutang lang siya sa hangin. Sa isang iglab ito ang kinahantungan ng minamahal. Lagpas na sa twenty four hours at hindi pa rin nagpapakita ng senyales si Jecka na magigising ito.

Mariing napapikit ang binata upang pigilan ang pagtulo ng luha. Pilit niyang iniicp kung bakit tila napakadamot ng pagkakataon sa kaniya tuwing magmamahal siya. Kahapon ay halos panawan siya ng ulirat ng makatanggap ng tawag mula kay Carmela, na sinasabing naaksidente ang nobya.

Sinemento ang kanang paa nito dahil sa fructure na natamo. May seven stitches din itong tahi sa nuo. Bukod pa ang mga pasa at bugbog sa katawan ng dalaga.

"Twinkle please wake up, please..Naghihintay ako." Mahinang bulong niya sa nobya pagkaraan ay hinagkan niya ito sa nuo bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Lumipas ang ilang araw na ganoon pa rin ang dalaga. Hindi naman ito iniiwan ng binata. Kahit pagod at puyat ay balewala sa kaniya. Wala rin pagod sa kadadasal ang magkakaibigan na sana'y maging stable na ang kalagayan ni Jecka.

Hanggang dumating ang ikalimang araw ng dalaga sa icu at isang himala na naging stable ang mga vital signs nito.

Parang nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag ang lahat ng masiguradong maayos na ang dalaga. Ililipat na rin ito ng pribadong kwarto, ganun pa man ay hindi pa rin ito nagkakamalay.

...

AGAD NA hinawakan ni Brent ang kamay ni Jecka ng makitang gumagalaw galaw na ito.

"Twinkle we're all here." Puno ng kasiyahang bulong ni Brent sa nobyang pabaling-baling ng ulo habang nakapikit.

Halos hindi naman maigalaw ni Jecka ang katawan ng bumalik ang kamalayan niya. Tila mabigat at sobrang sakit ng kalamnan niya. At marahan siyang nagmulat ng mga mata.

"Anak, kamusta ang pakiramdam mo?" Maluha-luhang tanong ni Carmela.

"M-mama? Brent? Nasaan kayo?" Nakadilat ng tanong ng dalaga.

Maang na napatingin si Brent sa nobya.

"Twinkle? Nandito ako sa harap mo." Ani ng binata at hinaplos pa ang pisngi niya.

Natatarantang kinapa ng dalaga ang mga kamay ng nobyo.

"B-bakit hindi kita makita?! M-mama!" Nagpupumilit na bumangon ang dalaga at nagsisimula ng maghisterikal.

Agad na dinaluhan ni Carmela ang anak.

"Jecka anak, huminahon ka. Nandito kaming lahat sa harapan mo." Naiiyak ng wika ng ginang.

"N-nsaan?! Bakit wala akong makita?!" Umiiyak ng sigaw niya.

Tila nais manlumo ni Brent. Nararamdaman na niya ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ng nobya.

"Tatawagin ko ang doktor!" Nagmamadaling lumabas si Uno.

Tutop naman nina Pinky at Berry ang mga bibig sa pinaghalong awa at pagkabigla sa kalagayan ng kaibigan.

"Jecka, please calmn down hindi yan makakabuti sa'yo." Pilit na pinapakalma ni Brent si Jecka.

"B-bulag na ba ako?! B-bakit wala akong makita!" Nagpupumiglas na sigaw niya habang umiiyak.

"A-anak." Hikbi ni Carmela.

Ilang sandali pa ay dumating na ang doktor. Dahil naghihisterikal ang dalaga ay kinakailangan itong injectionan ng pampatulog.

"Doc bakit ganoon? Hindi siya makakita?" Agad na tanong ni Brent matapos i-check ng doktor ang nakatulog ng dalaga.

"We need to make some further test to determine, if the head injury she have been' is the cause of her lost eye sight. Possible kasi na naapektuhan ang nerves niya na connected sa eye sight ng pasyente." Paliwanag ng doktor.

"Magiging permanent na ba o temporary lang ang ganitong case doc?" Ani ni Brent.

"Well it depends. Kaya nga dapat magsagawa pa ng ilang test. Some cases ay temporary lang, and some are permanently. Just hope and pray na maging maayos ang lahat." Pahayag ng doktor.

Mga nanlulumong nakamasid lang ang lahat.

"Oh, god." Mahinang usal ng binata habang hawak ang kamay ng nobya.

"Pagsubok lang ang lahat at malalagpasan din niya yan. All we have to do is to be strong." Basag ng katahimikan ni Uno.

"Sana nga Uno, pero paano niya tatanggapin ang lahat kung sakaling..." Hindi halos maituloy ni Carmela ang sasabihin dahil impit na siyang napapa-hikbi.

"Tita, manalig tayong pansamantala lang ang lahat." Pag aalo ni Berry sa ginang.

Awang-awa si Brent sa dalaga habang payapang nakapikit ito. Ngayon ay higit nitong kailangan ang suporta at pagmamahal niya. Masuyo niyang hinagkan ang kamay nito na hawak niya.

...

DUMAAN sa maraming test at check up ang dalaga, maging sa ophthalmologist. Ayon dito ay naapektuhan nga ang nerves ng dalaga na konektado sa kaniyang paningin. Dahil masyado pang maaga kaya't hindi pa masabi nito kung garantiyang maibabalik ang paningin ng dalaga kung sakaling dumaan ito sa treatment.

Hindi naman ganoon kadaling tinanggap ng dalaga ang kinahinatnan. Halos hindi nila ito makausap ng maayos. Laging naiirata at naka-singal ito. Maging sa mga malalapit na kaibigan ay naging masungit ang dalaga. Buong puso naman nilang ginagabayan at inuunawa ito.

"Hi Girl! How's your day? Bukas ay makakalabas kana pala." Masayang bati ni Pinky sa kaibigan.

Ngumisi naman ng nag-uuyam ang dalaga bago nagsalita.

"Heto bulag pa rin, ano namang kaibahan kung makakalabas na ako? Pareho lang naman ang nakikita ko." Pakli ng dalaga.

Nagkatinginan lang si Brent at Carmela sa sinagot nito.

Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ni Pinky at muling nagwika.

"Jecka, hindi mo kami kaaway at hindi mo dapat ginagawang dahilan ang kalagayan mo para itigil mong maging masaya. Nandito kami para suportahan at damayan ka." Hindi na makapag pigil na pahayag ni
Pinky.

"Bru.." Pagpigil ni Berry kay Pinky.

"At anong gusto mong isagot ko sa tanong mo? Wala naman talagang magandang nangyari sa'kin ngayong araw dahil bulag pa rin ako! Madilim at nangangapa!" Singhal ni Jecka.

"Kasi nagseself pity ka, parang end of the world na para sa'yo. My God Jecka! Maswerte ka at buhay ka pa rin
Paningin lang nawala sa'yo pero bakit parang ikaw na ang may pinakamalaking problema sa mundo. Tinataboy at sinasaktan mo ang mga taong nakapaligid sa'yo na handang gumabay at sumuporta sa kalagayan mo. Paano ka gagaling kung ikaw mismo sumusuko na." Marahas na pinunasan ni Pinky ang luhang nagsilandas sa mga pisngi niya.

"Get lost Pinky! Kung ikaw o kayo ang nasa kalagayan ko masasabi mo kaya yan?! Katumbas ng kalagayan ko ngayon ay isang inutil!" Galit na sagot ni Jecka.

"Jecka tama na. Calmn down." Pagpapahinahon ni Brent sa kasintahan.

Ngunit agad itong pumiksi.

"Iwan niyo muna akong lahat. Alis!" Pagtataboy nito sa kanila.

Puno ng sama ng loob na tumalikod si Pinky, kasunod si Berry na hindi malaman kung anong sasabihin.

"Tita, Brent babalik nalang kami." Aniya at nagmamadaling umalis.

"Jecka.." Tawag ng binata sa dalaga.

"Hindi mo ba ako narinig Brent?! Umalis ka rin! Gusto kong mapag isa." Mariing bigkas ng dalaga.

Tinanguan naman ni Carmela ang binatang nanlulumo.

Labag man sa kalooban ay umalis ang binata. Sobra siyang nasasaktan sa pinapakita ni Jecka ngunit pinaglalabanan niya, dahil mahal na mahal niya ito.

...

Pagkaraan ng mahigit tatlong linggong pagkaka-hospital ay nakalabas na ang dalaga. Wala pa rin pinagbago sa ugali at pakikitungo nito sa lahat. Maging sa sariling ina ay masungit ito.

"Anak kain na. Paborito mo ang niluto ko." Masiglang wika ni Carmela at inilapag ang tray sa harap ng dalaga.

Nang kapain niya ang kutsara ang nadikit ang kamay niya sa mainit na bowl ng ulam.

"Ano ba 'to?! Bakit sobrang init?" Naiiratang tanong niya.

"Hindi naman masyado, pinalamig na iyan bago ibigay sa'yo anak. Akin na at susubuan nalang kita." Mahinahong wika ni Carmela.

"Kaya ko! Ako na." Aniya at pilit na sinasandok ng kutsara ang pagkain. Ngunit saliwa at natatapon lang ang kanin. Hindi naman matagalan ni Carmela ang nakikita dahil nahihirapan talaga ang anak.

"Anak ako nalang para makakain ka ng maayos." Hinawakan ng ginang ang kamay nito.

"Ano ba! Ginagawa mo talaga akong inutil!" At biglang tinaob ng dalaga ang tray dala ng matinding pagka-irita.

Natapunan at napaso pa si Carmela sa ginawa ng anak.

"Jecka!" Gulat na bulalas niya.

"Ang kulit mo kasi ma'! Sabi ng kaya ko. Sa ginagawa mo lalo niyo lng pinamumukhang inutil at wala na akong silbi!" Puno ng frustration ang tinig ng dalaga.

"Tinutulungan lang naman kita para pagaanin ang mga bagay na nakakadagdag sa pinagdadaanan mo." Pilit na nagpapakahinahon si Carmela.

"Bakit ba pinapasan mo ang mundo? Bakit nawawalan kana ng pag asang makakakita kapa. Lumaban ka naman Jecka, marami kaming naghihintay at umaasa. Sa ginagawa mong ito ay pilit mo kaming tinataboy na mga nagmamahal sa'yo." Garalgal na tinig ng ginang.

"Ang hirap mama, kung kailan nagsisimula ko palang maranasan ang sumaya saka ako nagkaganito. Paano kung tuluyan na akong mabulag? Paano ang mga pangarap ko? Si Brent, ang pamilyang gusto naming buohin. Magiging pabigat pa ako." Tuluyan ng napahagulgol si Jecka. Hirap na hirap ang kalooban niya sa bawat araw na gigising siya sa ganoong kondisyon.

"Anak hindi ka pabigat, kaya nga lumaban ka para sa mga pangarap mo. Nandito ako, si Brent, ang mga kaibigan mo." Ani ni Carmela habang yakap-yakap ang anak na humagulhol.

Tila wala na ng silbi ang lahat para kay Jecka, mula ng mawalan ng paningin. Alam niyang marami na siyang sinasaktan at nasasaktan pa. Ngunit hindi talaga niya matanggap ang nangyayari. Lalo pang sumasakit ang kalooban niya pag nandiyan ang nobyo. Dahil mas nanghihinayang siya sa mga maari pa nilang pagsaluhang kaligayahan. Paano na niya maibibigay ang tamang atensyon at pagmamahal dito, kung ang simpleng pagkain niya palang ay hindi na niya magawa. Mahal na mahal niya ito, at ayaw niyang maging pasanin pa siya nito.

...

ISANG HINGANG malalim ang pinakawalan ni Brent habang tinititigan niya si Jecka na nakaupo. Blanko ang expression ng mukha ng dalaga. Nawala ang masigla at masayang aura nito pag sinasalubong siya.

Tumango lang si Carmela sa kaniya na kanina pa rin nakamasid. Naawa siya sa binata dahil kahit pinagsusungitan din ito ng anak ay matiyaga at mapagpasensya parin ito. At kahit mababanaag ang mga lungkot sa mga mata nito, ay mas nangingibabaw parin ang pagmamahal nito sa dalaga.

Isang tikhim at saka ngumiti ang binata bago nagsalita.

"Twinkle, dinalhan kita ng favorite mong daffodils oh..Fresh from petal's." Masayang wika niya at inilapit sa dalaga ang boquet.

Kunot nuo at hindi man lang nag abala ang dalaga na hawakan ang mga bulaklak.

"Bakit ba dala ka ng dala ng mga bulaklak na yan? Hindi ko naman nakikita." Pag uuyam na wika niya.

"Twinkle naman, alam mo naman ang itsura ng mga daffodils eh." Aniya at tumabi sa nobya. Pagkaraan ay niyakap niya ito.

"Hhmm..Ang bango mo naman." Malambing na bulong ng binata.

"Brent ano ba?" Sita ni Jecka na may pagka-irita ang tinig.

Ngunit mas lalong hinigpitan ng binata ang pagkakayapos sa kaniya.

"Ang sungit. Alam mo miss na miss na kita. Yakapin mo naman ako tulad ng mga yakap mo dati, kausapin mo naman ako ng tulad ng kwentuhan natin na hindi ka sumisigaw. Sana pag sinabi kong mahal kita, sasagot ka rin tulad ng dati, na mahal mo rin ako. Bumalik kana Jecka please." Hindi na maiwasang pumiyok ang tinig ng binata.

Parang hinihiwa ang puso ng dalaga sa mga narinig. Pero mas nangingibabaw ang galit niya sa kinasadlakan.

"Nagsasawa ka na ba? Alam ko naman na darating talaga ang pagkakataon na magde-demand ka. Pero sad to say hindi ko kayang ibigay kasi inutil na ako." Malamig niyang wika.

"Hindi. Hindi ako magsasawa o nagsasawa kahit anong mangyari dito lang ako sa tabi mo. Kaya natin 'to 'wag kang bumitaw. Huwag kang magalit sa mundo dahil sa nangyari sa'yo." Puno ng pag iintindi at katapatan na pahayag ng binata.

Tumaas ang kanang sulok ng labi ng dalaga at pilit na tinatanggal ang mga bisig ng binata na nakayakap sa kaniya.

"Huwag mo ng pagaanin ang loob ko Brent. Dahil tinatanggap ko na ang kalagayan ko." Aniya at marahas na tumayo. Dahil padalos dalos ng kilos at hindi pa niya gamay ang bagong ginagalawan ay nabangga niya ang center table na nasa gitna, dahilan upang malaglag ang center piece at mabasag ito.

"Jecka!" Nagmamadaling hinila ni Brent ang nobya upang hindi maapakan ang basag na mga piraso ng vase.

Napaitad ang dalaga sa narinig. Maging si Carmela ay natatarantang pumunta sa sala.

"Umuwi kana Brent! Huwag kana rin punta ng punta dito magmula ngayon, dahil ayokong tumatanggap ng bisita at ayokong kinaka-awaan ako!" Galit na tabig niya sa kamay ng nobyo.

"Jecka what are you saying? Hindi ako naawa sa'yo kaya ako nandito. Boyfriend mo ako, nandito ako kasi mahal kita at gusto kong nasa tabi mo sa oras na 'to bilang karamay at kakampi mo. What's gotten you? Bakit pati ako tinataboy mo?" Tila lahat ng pagtatampo ng binata ay unti-unti na niyang nailalabas.

"Please Brent umalis ka muna. Gusto kong mapag isa." Aniya at pakapa-kapang humakbang.

"Ayoko! Kahit ipagtabuyan mo ako." Puno ng determinasyong pahayag ni Brent at muli niyang niyakap ang dalaga.

Ngunit nagpumiglas si Jecka.

"Hindi kita kailangan ngayon! Umalis kana! Alis! Iwan mo na ako!" Tuluyan ng napahagulhol ang dalaga.

"Jecka.." Nahahabag at masuyo niyang tawag sa pangalan nito. Tila pinipiga ang puso niya sa nakikitang itsura nito.

"Lumayas kana Brent! Gusto kong mapag isa at wala akong gustong makausap kahit sino! Lalo kana!" Muling sigaw nito na tigmak ng luha ang mga mata.

Animo'y punyal na binaon sa puso ng binata ang mga katagang narinig mula sa dalaga. Kuyom ang mga kamao na tumalikod palabas ang binata.

Parang nauupos na kandila namang napaupo si Jecka ng marinig ang paglagatik ng pintuan. Tanda ng tuluyan ng nakaalis ang lalaking pinaka-iibig.

"I'm so sorry Brent.." Aniya na panay ang paglandas ng masaganang luha. 

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon