Chapter 2

4K 103 1
                                    

  "W-WHAT A-ARE YOU DOING?" Napapalunok na tanong ni Jecka. Halos amoy na niya ang hininga ni Brent, dahil sa pagkakalapit ng mga mukha nila.

Nag-ririgodon ang pintig ng puso niya. Lalo pa at hapit siya nito sa beywang. Ang pag iinit ng mukha niya ay lalong tumitindi.

"Kaya maraming naaksidente sa daanan ay dahil sa katulad mong mga iresponsable sa pagmamaneho." Gigil na wika ng binata. Lalo pang hinapit ang dalaga.

"L-let me g-go!" Pilit na tinutulak ng dalaga ang binata. Ngunit nagpapagod lang siya dahil tila isang bakal ang hinahawakan niya.

"Ayusin mong drive, I'm warning you!" Muling wika ni Brent.

"P-pwede ba, Brent! Stop acting na parang concerned na concerned ka." Pakli ni Jecka.

"Hindi lang pisikal mong anyo ang nagbago. Pati pag iisip mo ay naapektuhan. Uulitin ko, magmaneho ka ng tama." Malamig na tinig nito at tuluyan na siyang binitawan.

Nakaramdam naman ng pagkapahiya si Jecka sa tinuran ng binata. May pagmamadaling bumalik siya ng sasakyan. Nang makapasok ay pinagpapalo niya ang manibela.

"Aah! I hate you Brent! I hate you!" Nagpupuyos na sigaw ng dalaga.

Hanggang makarating sa building ng condominium ni Jecka ay nakasunod si Brent. Nang pumasok na sa parking area ang sasakyan nito, ay saka lang nagpasiyang umalis ang binata.

...

PAGPASOK sa unit niya ay, inis na pasalyang ibinagsak ng dalaga ang katawan sa malambot niyang kama.

"Akala mo kung sino!" Nag-ngitngit pa rin na wika niya.

Hindi mawala sa isip niya ang ginawa nito kanina. Isang marahas na buntong hininga nalang ang ginawa niya, at mariing napapikit.

"Hindi na dapat kita pag aksayahan ng oras. Pero gusto kong ipakita sayo, na hindi na ako dating Jecka!" Puno ng igting na sambit nang dalaga.

Samantala, nahahapong naupo si Brent, habang hinihilot-hilot ang ulo.

"Shit!" Marahas na mura ng binata. Pakiramdam kasi niya ay na-guguilty siya.
Patuloy na tumatakbo sa isip niya ang itsura ni Jecka. Hindi niya lubos maisip na ang timid and sweet consevative ay magiging wild, and seductive.

Naiiling na tumayo ang binata, at naghanda upang magpahinga.

...

KINABUKASAN, maagang naghanda si Jecka upang pumunta sa flower shop niya. Sa loob ng anim na buwan ay tanging sa email at report ng personal assistant lang niya, na-momonitor ang business.

Tatlo ang branch niya sa parte ng kamaynilaan. At ang pinaka main ay sa Makati. Masasabing well-established na ang pinaghirapan niyang business. Kilala na ito at hindi na mabilang na mga kilalang personalidad ang mga customer niya. Dito na rin ang umiinog ang buhay niya.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya ng papasok na siya sa flower shop.

"Welcome home ma'm Jecka!!" Bungad ng mga staff niya. Habang inaaabot ang bulaklak sa kaniya.

"Thank you, everybody! I'm happy to see you all again." Masayang turan niya sa mga tauhan.

"Wow! Mama! Ikaw ba yan?!" Humahangang bulalas ni Arida, ang bading niyang personal assistant.

"Bakit mukha bang hindi?" Aniya at nagpose pa siya na tulad ng ginagawa niya sa pictorial.

"Grabe! Mama, super hot kana talaga ngayon. Ganda!" Malanding wika nito.

Natatawa nalang ang dalaga sa reaksyon ng kaharap. Nang mapadako ang tingin niya sa estante ng mga ready to deliver nilang bulaklak, maliban pa sa ready for pick up na nasa estante.

"Ang daming order, Arida." Masayang bati niya.

"Sinabi mo pa, mama." Anito at sinamyo-samyo ang ang mga bulaklak na naroon.

"Okay, let's start the day." Aniya at kumumpas ng kamay. Akmang tatalikod na siya ng mapansin niya ang isang circular arrangement ng pink roses. Sa itsura nito ay tiyak na hindi basta-basta ang client na nagpa-arranged.

Magsasalita na sana siya ng naunang nagsalita si Arida.

"Hi sir! Goodmorning! Ready na po ang flower's niyo." Magiliw na bati nito sa bagong dating.

Agad na napalingon ang dalaga.

"Good morning, Arida." Bati ng baritinong boses.

Napaawang ang labi ni Jecka ng mapagtanto kung sino ang kaharap.

"Good morning, Jecka." Bati nito sa kaniya.

Napaka-fresh ng itsura nito, parang ang sarap yakapin at amoy-amoyin.

'Hindi ka na nahiya!' Sigaw niya sa isip.

"Ah, Good morning. So, may order ka?" Pinakaswal niyang tanong sa binata.

"Yup. I'm your regular customer." Ani ni Brent at ngumiti.

'Oh, shocks!' Malanding sigaw niya sa isip.

"Ay, mama. Si sir Brent ay regular customer natin. Lahat ng occasion, dito siya nakuha at nagpapa-arranged ng flowers. At yang bonggang arrangement na nasa harap mo ay kay sir. " Sabat ni Arida.

"Oh, i see. Thank you for choosing petal's flower shop." Aniya at sinalubong ang tingin nito.

"Welcome. I love the service of your staff. And ofcourse, your beautiful flower's." Muling ngumiti ang binata kay Jecka.

"Salamat uli. Anyway, i have to go." Akmang tatalikod ang dalaga ng pigilan siya ni Brent sa braso.

"Can we talk for a while?" Tanong nito

"Look, Brent. Pareho tayong busy..." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Jecka, dahil hinawakan na siya ni Brent sa kamay at ito na mismo ang nagpatiuna papunta sa opisina niya

Tila libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ni Jecka. Sakto namang nakapasok na sila sa opisina niya.

"T-teka nga!" Agad na binawi ng dalaga ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

"Brent, let me remind you, this is my office. At wala kang karapatang i-harass ako." Madiing wika niya.

Napangiti naman ito at nagwika.

"Hindi kita hina-harass. Gusto lang kitang makausap." Anito at tumingin sa kaniya.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Jecka ang ginawa nitong pagsuyod ng tingin sa kabuuhan niya.

Taas ang kilay na nagwika ang dalaga.

"Satisfied? Pumasa ba ako sa paningin mo mr. Lorenzo?" Mataray na naka-pameywang niyang tanong.

"Jecka, please kung nasaktan kita ng hindi sinasadya. I'm sorry, pero tulad ng sinabi mo, wala na iyon sa'yo. We're friends before and i want that back. Kung talagang tunay ang sinasabi mo." Seryosong wika ni Brent.

Pilit pinakalma ng dalaga ang sarili. Gusto niyang ipakita dito na hindi na siya apektado.

"Oo naman, balewala na 'yon. Hindi naman ako ganoon ka-bitter. And you're right were friends." Aniya at kaswal na ngumiti.

"Thank you, Jecka. So friends again?" Anito at nilahad ang palad sa kaniya.

Nakangiting tinanggap naman ng dalaga ang pakikipag-kamay nito.

Nang maramdaman niya ang pagdaop ng palad nila, ay lihim na napapitlag si Jecka. Dahil marahan itong pinisil ng lalaki. At sa gulat ay hinila pa nito ang palad niya, dahilan para maglapit ang mga mukha nila.

"Anyway, you're really alluring." Halos paanas na wika nito.

Parang nagtatayuan ang mga buhok ni Jecka sa batok, dahil tumatama na ang hininga nito sa mukha niya. Lalo pa sa paraan ng pagkakatitig nito.

'Jecka, composure mo!' Paalala ng isang bahagi ng isip niya.

Agad na nahamig ng dalaga ang sarili, at pagkaraa'y tumikhim. Mabilis na gumana ang idea sa utak niya.

"Thank you. But, i think you're teasing me huh?" Aniya at palaban niyang inilapit din ang mukha.

"Sad to say, Brent. Time changed, hindi mo ako madadala sa ganiyan." Malanding pinaglandas pa niya ang hintutoro sa labi nito.

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Brent.

"I didn't do anything. But will see.." Anito at naudlot ang sasabihin pa niya dahil sa pagtunog ng cellphone.

"Yes, babe. On the way na ako." Wika ni Brent pero nakatingin kay Jecka.

'Babe!' Sigaw ng isip ni Jecka.

Nang maibaba nito ang cellphone ay agad na nagwika ito.

"I have to go. Thank you for your time." Muling ngumiti ito. Tila nang aakit parin.

"My pleasure." Hindi papatalong ganti niya habang nakapaskil ang isang ngiti.

Nang makalabas ito ng opisina niya ay, saka lang pinakawalan ni Jecka ang isang buntong hininga.

"Magkakasubukan tayo, Brent." Mariin niyang bigkas.


IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon