DUMATING ang araw ng launching ng Adam's collection. Hindi mag-kamayaw ang mga kilalang personalidad na dumalo, kasama na ang mga entertainment press.
Habang si Jecka ay handang-handa na, kahit pa dumadagundong din ang kaba sa dibdib niya.Kasalukuyan niyang sinisipat ang sariling repleksyon.
"Are you nervous?" Nakangiting bati ng isang tinig sa likuran niya.
Agad na napalingon ang dalaga ng mapaptanto kung sino ang may ari ng tinig.
"Gwel?! What a surprise!" Gulat na bati niya dito.
"Yes, nakalimutan mo yatang ako ang senior marketing head ng Adam's." Ganting sagot nito at hinalikan siya sa pisngi.
"You look alluring, such a beautiful face. I'm glad na pumayag kang mag-fashion show." Anito habang titig na titig sa kaniya.
Gwel Santillan, a filipino-american hunk. Which is a senior marketing head of Adam's collection clothing company. Bestfriend din ito ng pinsan niyang si Aries.
Naging malapit sila sa isa't-isa ng mag-model si Jecka ng limang buwan sa Adam's.
"Thank you. Hindi ko matanggihan. Saka isang gabi lang naman." Masiglang tugon ng dalaga.
"Good. You owe me a tour, dito sa pilipinas. Make sure after this event ipapasyal mo ako. I missed you." Anito.
Isang magaan na tawa ang pinakawalan ni Jecka, bago nagwika.
"By all means. Hindi ko 'yan nakakalimutan. I missed you too, Gwel."
"Nagkita na pala kayo." Nakangiting sumungaw si Aries sa pintuan ng dressing room.
Nakangiting tumango ang dalawa sa bagong dating.
"Wow..Ang ganda ng cousin ko, ilang set ng wardrobe ka?" Anito.
"Magpinsan nga tayo. Seven set, for summer dresses..." Hindi na natuloy pa ang sasabihin niya ng sumigaw na ang assistant director ng event.
"Everyone, Where about to start in a few minutes! Get ready! Goodluck!"
"Goodluck, Jecka." Panay na wika ng dalawang lalaki, bago lumabas.
Isang ngiti naman ang tugon ng dalaga.
...
SAMANTALA, nagtataka naman ang mga magkakaibigang Miko, Ferdz, Uno at Brent, kung bakit kinakailangan nilang manuod ng isang fashion show.
"Take your seats, gentlemen and enjoy." Nakangiting wika ni Berry.
"Darating ba si Jecka?" Hindi mapigilang tanong ni Brent.
"Relax ka lang, Brent at makikita mo siya mamaya." Makahulugang sagot ni Berry.
"Teka nga, bakit ba kinakailangan nandito pa kami?" Nagtatakang tanong ni Miko.
"Ang dami niyong tanong, mag-enjoy nalang kayo. See? Nasa front row pa kayo. Pili na rin kayo sa mga men's design." Wika ni Pinky na ngiting-ngiti.
Dahil sa access ni Berry ay nasa front row silang magkakaibigan.
Habang si Brent ay palinga-linga sa paligid. Kanina pa nag-kakahanda-haba ang leeg niya sa pagsipat ng paligid. Ngunit wala kahit anino ni Jecka.
Nang magsimula na ang opening ng show, at lahat ay namamangha sa ganda mga inirarampang damit.
"And for Adam's collection of summer dresses.." Wika ng host na sinabayan ng masayang instrumental back ground song. May nauna ng dalawang model ang lumabas bago si Jecka.
Puno ng kumpiyansang lumabas ng back stage si Jecka at nagsimulang maglakad sa kahabaan ng entablado.
Halos sabay-sabay na napanganga ang magkakaibigan ng makita nila ang dalaga na nag-proproject ng buong yabang at ganda. Sumasabog ang confidence at nag-niningning ang kagandahan nito.
"Ang sexy.." Ani ni Miko.
"Wow..Is that Jecka? Ang dami talagang nangyayari sa bagong Jecka." Dagdag ni Ferdz.
Samantala, buong paghangang pinagmamasdan ni Brent ang bawat galaw ni Jecka. Halos hindi niya ito makilala. Walang tulak-kabigin sa itsura nito, ang mahaba at tuwid nitong buhok ay sumasabay sa bawat galaw ng ulo nito. At ang suot nitong summer dress na kalahating hita ĺang ang iksi ay bumabagay sa bawat indayog ng katawan ng dalaga. Parang tumigil ang pag galaw ng lahat sa paligid, at tanging ang dalaga lang ang nakikita niya. Pati pagtibok ng puso niya ay bumibilis. Panay ang lunok ni Brent habang pinapanuod si Jecka.
Nang natapos ang pitong set ng wardrobe na minodel ni Jecka, at tilang lutang pa rin siya sa nangyayari. Hindi niya rin mapaniwalaan na nagawa niya ang maglakad sa harap ng mga maraming tao at sabayan ang bawat kislap ng mga camera.
Hanggang sa tuluyan ng matapos ang fashion show, ay pagmamadaling nagpuntahan sila sa back stage kung nasaan si Jecka.
Kunot ang nuo ni Brent, habang papalapit sa dalaga. Paano may yumakap na lalaki dito at pagkaraa'y inabutan ito nang bulaklak.
"My god, girl congratulations! Ang galing mo kanina!" Masayang bati ni Pinky. Nang agad makalapit.
"You nailed it, girl!" Dugtong pa ni Berry.
"We are so surprised. Grabe." Ani naman ni Miko.
"Bigtime kana talaga." Singit ni Ferdz.
"Congrat's, Jecka." Bati din ni Uno.
Samantala, nanatiling tahimik si Brent, at nakatingin sa Lalaking katabi ng dalaga.
"Thank you sa support guy's, kahit na-surprised din ako na nagawa ko 'to." Masayang tugon ng dalaga.
Napabaling ang tingin ng lahat kay Gwel.
Na agad napansin ng dalaga.
"By the way guy's, meet Gwel Santillan. Ang marketing head ng Adam's, and a very good friend of mine." Pakilala niya kay Gwel.
"Hi, nice meeting you all. Madalas kayong ikwento sa'kin ni Aj." Anito, at isa-isang kinamayan ang mga nandoon.
Pagdating kay Brent ay kaswal lang nitong inabot ang kamay.
"Aj? Weew..Stands for Alyanna Jecka." Nakangiting Hirit ni Pinky. At makahulugang tumingin kay Jecka.
"Congratulations, Jecka. Ito pala ang pinagkaka abalahan mo.You look professional while walking in the catwalk." Hindi makatiis na wika ni Brent.
"Thank you. Brent." Kaswal na tugon ng dalaga. At saka muling tinuon ang tingin kay Gwel.
"Do i have to go in the thank's giving party?"
"Ofcourse, hindi ako papayag na wala ka." Anito.
Halos mag dikit ang mga kilay ni Brent sa narinig. Tila sa simpleng salita nito ay nakaramdam siya ng pagka-panibugho.
"Guys, next time na tayo mag celebrate ha? Alam ko Berry and Pinky also organized a small celebration." Ani ni Jecka sa mga kaibigan.
"Okay lang, girl we undestand diba boys?" Makahulugang wika ni Berry na hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag dilim ng mukha ni Brent.
"My pleasure to meet you all, mauna na ako. Aj, sabay na tayo pumunta sa venue ng party. Okay? See you around." Paalam ni Gwel at tinapik pa sa pisngi si Jecka.
Nang makaalis ito ay hindi nakaligtas si Jecka sa mapanudyong mga tingin ng mga kaibigan.
"Oh, bakit ganyan kayo makatingin?" Natatawang wika ng dalaga.
"Hhmm..I smell love life." Tukso ni Pinky.
Ngumiti lang ng matamis ang dalaga.
"I have to go." Madilim ang mukhang wika ni Brent, at saka diretsong naglakad.
Hindi man lang ito nag abalang sulyapan si Jecka.
Kibit balikat lang ang dalaga habang sinusundan ito ng tingin.
Samantala, sa sobrang asar ni Brent ay sa gulong ng kotse niya binuhos lahat ng inis. Pinagsisipa niya ito.
"Oh damn!" Hinihingal na wika ng binata.
"Pag-usapan natin 'yan, Brent." Wika ni Uno, na nasa likuran na pala niya.
Kasama din sina Miko at Ferdz.
"Nagselos sa mestisong bangus si Handsome boy." Iling-iling na wika ni Ferdz.
BINABASA MO ANG
IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: Gracey
RomansaBRENT LORENZO, certified hunk. Mula nang mabigo sa ninanais na pag ibig ay naging mataas na ang standard pagdating sa babae. ALYANNA JECKA SUAREZ, from being timid and simple beauty, she turned into a daring and alluring woman. Ordinary beauty. No s...