Chapter 3

3.5K 97 7
                                    

  MASYADONG naging abala si Jecka ng mga sumunod ng araw mula ng bumalik siya sa opisina.

Habang abala ng araw na iyon ay isang tawag mula kay Pinky ang natanggap niya.

"Hoy girl, aba naman baka gusto mong lumabas diyan sa opisina mo?" Nagtatampong himig ni Pinky.

"Sorry girl, talagang busy lang. Sige para naman makabawi ako, dinner tayo tonight?" Aniya sa kaibigan.

"Good! Mabuti naman. Tawagan ko si Berry, para naman makapag-bonding tayo. Bye." Anito.

Masayang tinuon muli ni Jecka, ang atensyon sa mga papeles na hawak.

...

"Babe? Bakit dito tayo magdi-dinner?" Kunot nuong tanong ni Sofia, kay Brent.

"What's the matter? Hindi naman crowded dito. And besides this is a nice restaurant." Tugon ni Brent sa nobya.

Isa kasing sikat na sensation singer si Sofia. At umiiwas ito sa maraming tao. Ayaw nitong pagkaguluhan at madumog.

"Next time ako ang tanungin mo kung saan mo ako dadalhin." Medyo iritableng wika nito.

Bahagyang napakunot ng nuo si Brent sa inasta nito. Dalawang buwan palang silang magkasintahan ng huli. At sadiyang ngayon palang niya ito nakikilala.

"Trust me, walang mga media or mga taong mapapa-picture sa'yo dito." Wika ni Brent at iginaya ito sa lamesa.

Nang makaupo sila ay nagpalinga-linga ito.

"Oh, what a coincidence. Diba si Berry Marquez Monreal 'yon?" Napapangiting wika ni Sofia.

Napalingon naman si Brent sa direksyon ng tingin nito. Si Berry nga, at kasama nito sina Jecka at Pinky.

"Common babe lapitan natin siya." Nagmamadaling tumayo ito, kaya't wala ng nagawa si Brent kundi ang sumunod.

Nang mga sandaling iyon ay masayang nag-uusap ang tatlo.

"Omg, look who's coming guys." Ani ni Pinky.

Sabay pa napalingon sina Berry at Jecka.

"Hi! Berry! How are you?" Magiliw na bati ni Sofia.

"Sofia, what a surprise!" Ganti ni Berry

Nag-beso-beso ang dalawa.
Nang makalapit din si Brent ay ngumiti ito sa dalawa.

"Hi, girls. Nandito din pala kayo." Anito at napadako ang tingin kay Jecka.

"Oh, by the way Jecka, siya si Sofia Lee. In case you don't know her. Girlfriend ni Brent." Pakilala ni Berry.

Natigilan naman si Sofia, pagkaraa'y nagsalita.

"You don't know me? How come?" Frustrated na tanong nito.

"Ofcourse, i know you. The sensation singer. Six months lang naman ako sa ibang bansa. Nice to meet you." Ani ni Jecka.

"Oh, great! Wala namang hindi nakaka-kilala sa'kin. Anyway, Berry sana ma-featured uli ako ako sa magazine niyo." May pagmamalaking wika nito.

Bahagyang napaangat ang kilay ni Jecka sa narinig.

"Why not? Pero hindi kasi ang may hawak ng mga issue. Depende sa planning department, at sa theme of the month" Tugon ni Berry.

"Ganoon ba, anyway, nice to meet you Jecka. Berry, nice to see you again." Anito at hinawakan si Brent sa braso.

Sinadya talaga nitong magpapansin kay Berry, para ma-ipromote ang sarili.

Nang makabalik na ito sa sariling mesa ay agad na nagsalita si Pinky.

"Ang takaw sa publicity, lahat nalang gusto labasan. Kahit na mag-model pa sa'kin ng may mababang talent fee ang bruhang 'yan hindi ko kukunin." Naka-ingos na wika ni Pinky.

"Ewan ko nga diyan bakit naghahabol pa ng exposure, kung tutuusin sikat na siya." Naiiling na wika ni Berry.

"Ano ba naman kayo, girls. Syempre mas maraming exposure mas mataas ang popularity. Ang hilig talaga ni Brent sa mga sikat." Ani ni Jecka, at balewalang sumimsim ng juice.

Napatingin si Berry sa tinuran ng kaibigan.

"Girl tell us, naka-recover ka na ba talaga from Brent?" Puno ng kuryosidad na tanong niya sa kaibigan.

Natawa naman ang dalaga sa narinig.

"Oo naman, naisip ko din na hindi talaga ako ang tipo niyang babae. Sobra lang talaga akong na-attract sa kaniya for the first time i meet him. Para pala akong gaga na umiiyak noon noh?" Aniya at naiiling.

"Within six months, ang daming nagbago sayo. Ang nakikita ko lang talaga ay new born Alyanna Jecka Suarez. And i really love it, girl." Nakangiting wika ni Pinky.

"One hundred one percent agree ako sa'yo 'bru. Nag uumapaw ang wildness and confidence. Cheer's!" Ani naman ni Berry at tinaas ang hawak na kopita.

"Masaya pala ang buhay sa labas ng shell ko. And i'm just beginning to live in my new life." Masayang wika niya.

Samantala, panay naman ang palihim na pagsulyap ni Brent sa gawi ng tatlo. Nakaramdam siya ng inis ng kanina ng hindi man lang siya binati ni Jecka.

Hindi nagtagal ay nakita ng tatlo na nagmamadaling tumayo si Sofia, at umalis. Pagkaraa'y muling lumapit si Brent sa kanila.

"Girls, can i joined you?" Anito sa kanila.

"What happened?" Takang tanong ni Berry.
"May biglaang appointment. Tumawag 'yong manager niya." Tila balewalang sagot nito. Habang umuupo sa mismong tabi ni Jecka.

"Gabi na may appointment parin siya?" Hindi nakatiis na tanong ng dalaga.

"Showbiz, walang oras at araw na pinipili." Tugon nito at tiningnan siya.

"Ang hirap naman, hindi na kayo nagkakaroon ng quality time." Ani naman ni Pinky.

"Okay lang, tatlo naman ang naging kapalit." Nakangiting wika ng binata.

Habang nakain ay patuloy ang palihim at manaka-manakang pagtitig ni Brent kay Jecka. Habang si Jecka naman ay binabalewala ang presensiya ng katabi. Hanggang sa nalibang at natapos sila.

Dahil may mga sariling sasakyan ay kaniya-kaniya na rin sila ng alisan.
Habang si Jecka ay hindi na hinihiwalayan ni Brent. Hanggang narating nila ang mismong sasakyan ng dalaga.

"Goodbye, Brent." Ani ni Jecka sa binata at akmang bubuksan na niya ang pinto ng kotse niya ay pinigilan siyang ng binata.

"May sasabihin ka?" Takang tanong ng dalaga.

"Akala ko ba, were friends na ulit? Bakit parang hindi ako nag-eexist sa paningin mo?" Hindi makatiis na tanong ni Brent.

Natawa naman ng mapakla si Jecka sa narinig.

"Ano? Look, Brent ano bang expectation mo sa pagiging magkaibigan natin ulit? As in super close ba tayo?" Kunot nuong tanong ni Jecka.

"I feel it Jecka, sinasadiya mo 'tong gawin." Seryosong tugon niya.

"Wow, grabe ka naman mag-assume. Bakit ba? Hindi mo ba matanggap na hindi na ako nagpapakita ng interest sa'yo?" Mataray na wika ng dalaga.

"Wala na ba talaga?" Balik na tanong ng binata at pinaka titigan ang dalaga. Pilit inaarok ang saloobin nito. Ngunit bigo siya sa nais patunayan, dahil blanko ang expresyon ng mukha nito.

"Oh my god! Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo Attorney Lorenzo! Sad to say, para sa ikatatahimik mo, Wala na akong interest sa'yo! Okay na?" Naiiritang pakli ni Jecka.

"Well let us see." Mariing wika ni Brent at walang anu-ano ay sinapo niya ang batok ng dalaga at pagkaraa'y sinakop ang labi nito.

Nanlalaki ang mga mata ni Jecka sa pagkabigla.

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon